Sa mga oras na ito, kadalasan ay tambak ako ng trabaho.
Ngunit dahil matumal ang pasok ng mga messages galing sa aming kliyente, narito ako't petiks sa aking dalawang account.
Nakakapanibago?
Medyo...
Kasi nasanay na akong laging nasa panic mode tuwing uupo ako sa aking station ng alas-dos.
Nasanay na rin ako sa mas demanding na bago kong work cycle.
---
As usual may topak pa rin ang aking computer. Nalugi talaga ako sa pagkamahal-mahal na purchase na nagawa ko sa sobrang atat maka-pag Sims 2 muli.
Nalaman ko kahapon na maari ko na sanang pinambili ng laptop yung perang ginastos (at gagastusin kong pambayad sa credit card) para sa lecheng unit ko. Ngunit ganun talaga, so long as I won't know what a bad deal is, I will never learn how to be "wais" when it comes to biz transactions.
Ayoko naman samantalahin ang warranty dahil sa bukod na nasira ko na ito, hindi ko makakayang mawalay sa aking computer sa loob ng dalawang linggo.
So kailangan kong magtiis pansamantala habang hindi ko pa napapa-check kay Kaibigan Oso ang motherboard ng computer. Tutal, napapakinabangan ko pa naman ito.
As long as hindi ko gagamitin ang DVD Drive o kaya naman ay ang extra hard disk nito, walang masyadong binibigay na sakit ng ulo ang computer. Sabi ni Kaibigang Oso, maaring ito ang dahilan ng palagiang pag-hahang at resource spike ng PC.
Sa muli naming pagtatagpo, doon ko pa lang malalaman ang real deal tungkol sa topak ng aking PC.
---
Hindi natuloy ang class namin kahapon. Na-suspend ito dahil sa centennial celebrations sa Diliman na ginanap noong tanghali.
Tamang-tama naman sapagkat bukod sa hindi ako handa sa aking report, wala pa akong matinong essay na masusubmit sa professor.
Sa ngayon, back to the drawing board ulit ako. Kung tutuusin, hindi biro ang mga topics na pinapa-report sa akin ng guro. Sabi ko nga sa utol ko, "I'm not a literary critic, I just write." Kontra naman niya, "you must learn how to be a critique in order to be a good writer."
Ewan ko ba, para sa akin kasi, dapat ay maging malaya ang isang manunulat upang madiskubre niya ang kanyang tunay na boses. Totoong dapat na may panuntunan sa pagsusulat. Ngunit kung ang mga panuntunang ito ay higit na makakasakal sa halip na magpalaya sa isang manunulat,
mabuti siguro'y magsulat na lang tayo para sa ating sarili. Sa ganitong paraan, at least wala tayong icoconsider na mga bagay na magiging sagabal pa para sa ating paglalahad ng saloobin.
---
Pista pala ngayon ng Nazareno. Kung nalaman ko lang ng maaga (at kung hindi sana nakitulog si Phanks sa amin kagabi) Balak ko sana gumawa ng essay at i-document ang buhay sa paligid ng Plaza Miranda sa loob ng isang magdamag. Ito ang essay na isusubmit ko sana sa aking isang klase.
Ang title ng piece ay "One Night Stand in Quiapo."
Ngunit dahil gahol na ako sa oras at tinatamad rin akong lumabas, maaring sa blog ko na lang lumabas ang entry balang araw.
Tamang-tama sapagkat pakiramdam ko minsan na walang social relevance ang mga entries ko dito.
Puro ako na lang ang bida, pati na rin ang maliit kong mundo.
---
I miss the good old days when my eyes were fixed outward - on things that I see around me. Lately, I feel that I've been constantly searching inward for something that is missing.
Strange thing is that I don't really know what I'm looking for.

No comments:
Post a Comment