Sunday, March 7, 2004

Ex-Housemates' Reunion

Katatapos ko lang i-publish yung entry ko kanina nang biglang may bumatok sa ulo ko. Ang tahitahitahimik ko sa Netopia tas biglang dumating si James dun, kasama ang aming sisterette na si Sealdi.

Matagal na rin ang nakalipas mula nang nagkita kami ng babaeng yun. Kung meron akong nag-iisang fag hag, siguro si Sealdi lang ang may distinction nun. As usual, matapos nilang manood ng Lost In Translation eh nagutom ang mga kids kaya nagdecide kaming mag-dine in sa Super Bowl dahil pare-pareho naming gusto makatikim nung Crispy Honey Chicken.

Balitaan, kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay... Last time pala na nagdine-in kaming tatlo eh nung first week ko na housemate nila ako. Nagpakasawa kami sa pasta dun sa Katre, sabay hirit ng mga kaputahan ko sa buhay. Isang taon at maraming pagbabago later, hayun natagpuan muli namin ang isa't isa, nagpapakabohemian sa isang resto, na nung huling beses kong napuntahan eh doktor pa ang nagtreat sakin.

Tatlong baso ng tubig, Crispy Honey Chicken, Isang order ng Garlic Rice, Wanton Noodle Soup at isang bowl ng almond jelly. Noon, bitin pa sa amin ang ganitong order, pero ngayong mahalaga na sa amin ang kumita ng pera, kaya na naming pagkasyahin sa sikmura namin ang ganito.

Fast forward: inikot namin ang buong Ortigas Center habang nagrereminisce sa nakaraan naming buhay. Nanduong napunta kami sa tapat ng Discovery Suites habang itong sila James at Sealdi ay nagmumuni-muni sa isang gabi nilang pagcheck-in dun (salamat sa PEx). Sa paglilibot namin ay bumabalik sakin ang alaala ng pagiging chatter ko - isang taon rin akong nakisalamuha sa lugar na yun, nakikisama sa iba't ibang grupo ng mga PLU, masabi lang na "in" ako sa mundong ito.

Ngayon, ni palatandaan ng mundong iyon ay tuluyan ng nagunaw sa aking paningin.

Tumuloy kami sa pad ni James sa Paragon Plaza habang patuloy pa rin kami sa pagrereminisce ng aming mga nakaraan. Ito lang pala ang unang pagkakataon na nagkasama-sama kaming tatlo na may mga boypren (na noong nasa apartment pa kami ay pinangarap naming mangyari sa buhay namin).

Sentihan sa 37th floor, ninanamnam ang katahimikan at pinagbubunyi ang kabilugan ng buwan... Pinagmamasdan ang patulog na siyudad habang nasa isang gilid kami ng viewing deck, pilit iwinawaksi ang katotohanang ang mga sandaling ito'y pansamantala lamang.

---

Sa totoo'y tapos na ang panahon namin, at ang natitira na lang sa aming tatlo ay ang masasayang alaala ng nakaraan... Si Sealdi ay nagtratrabaho na't may inuupahang isang dorm. Si James ay may condo, ngunit palipat na rin sa susunod na buwan... at ako... heto nangangarap magkaroon ng teritoryo muli, patago at malayo sa kinalalagyan ng templo ko ngayon.

Hindi ko alam kung kailan mauulit ang ganitong mga pagkikita... ngunit sa loob ng apat na oras na kami'y nagkita muli... parang nagising sa mahibing na pagkakatulog ang ala ala ng walong buwan naming pagsasama.

Marami man akong naging pagkukulang... sa panahong iyon... ngunit iyon lang ang panahon na ako'y naging tunay na malaya.

Iyon lang ang panahong na-enjoy ko ng todo ang aking kabataan.

---

So, Kugel's been reading my blog too. Shucks, I'm flattered. I just read his reply on his blog. I guess people are just silent but, hey, like me quietly reading their blogs... they also seemed, reading mine too.

Anyway, I'm still as careless as ever. Grammar mistakes here, wrong spelling there. Sometimes, I really wonder how on earth my editors back in Manila Times tolerated this behavior.

Maybe I was more bibo and pa-cute back then, that's why I easily find an excuse for my behavior.

No comments: