Sunday, March 14, 2004

Untitled

Naalala ko bigla, sumasamba pala ako sa mga space sci-fi. Minsan akong nagpakagago sa mga UFO at dun sa mga kumokontak nun. Minsan nila akong napaniwala na kukunin tayo ng mga aliens at magugunaw itong mundong to. Minsan akong nangarap na mararanasan ko sa buhay na ito ang magkaroon tayo ng Moon colony, Mars colony at may naging ka-tropa pa nga ako na kapareho ko rin ang trip sa buhay noon.

Sabay kami nangangarap ng mga planeta, ng mga aliens, ng mga future prospects para sa mundong to at umaasa na sana maging parte kami ng mundong iyon.

Kaso dumaan ang panahon, nagbago ang mga interest, nawala ang mga sinusundang mga sci-fi series sa TV...

Natapos ang Babylon 5

Nabuo ko ang Star Trek Voyager

Paulit ulit ko na nilaro ang Master of Orion at ang mga iba pang space strategy games sa PC.

Nakalimutan ko na ang lahat ng...

Napanood ko kanina yung 2nd episode ng Star Trek Enterpise. Parang biglang nabuhay muli ang lahat sakin

Mukhang may aabangan na ako lagi tuwing Sunday. Mukhang magpapakabaliw na naman ako sa mga science fiction...

Yebba!!!

---

Putragis, insomniac na naman ako.

kakatuwa naman si Kugel... inlab talaga. Hehehe.

Ang sarap mag-abang ng text messages sa cell phone no?

grabe, 10 buwan na akong me buddy pero ugali ko pa rin

tumulala at mag-intay sa mga reply ng mamang yun.

Ok lang yan, sana pren ko siya para ilakad kita. Malay mo, inlab din sha sayo?

No comments: