Tuesday, March 16, 2004

Unsung Heroes

Habang papunta sa pad ni James, may napansin akong wallet sa may nilalakaran ko sa Crossing. Nung una, dedma lang ako kasi nakakahiya naman pumulot ng wallet lalo na kung pambabae. Pero nung nilampasan ko na yung wallet, biglang pinulot nung girl sabay parang tawag sakin. Ako naman lumapit at nagpretend na interesadong tumulong na rin.

Tas pinapahabol niya sakin yung girl na nakablack na nasa unahan ko lang daw, sabi ko naman kunin ko na yung wallet sabay abot dun sa girl, pero sabi niya, tawagin ko na lang daw... Jackpot!!! Mukhang nabasa niya kung anong balak kong gawin, so para hindi na lang ako mapahiya, hinabol ko yung girl. Pero sabi niya hindi daw sa kanya yung wallet so ako naman balik sa kanya.

Nagdecide kami na bulatlatin na lang yung wallet, at i-check kung meron kaming lead na makukuha dun para maibalik siya sa may-ari. Sabi nung kasama kong girl, wag daw namin ibigay sa pulis kasi hindi talaga nila ibabalik yun. Checked everything inside mula credit cards hanggang calling cards pero wala. Kita namin, may P3000 + sa loob tas may dollars pa, sabi ko sa sarili ko tiba tiba ako pag nakuha ko yung wallet. Kakacheck namin ng nasa loob, may nakita kaming piece ng papel na may pangalan nung girl saka cellphone number. So hayun, tinawagan ko yung number guy yung nakasagot. Since malayo daw siya sa area namin so sabi ko tawagan na lang niya yung owner nung wallet at iforward yung number ko sa kanya.

Matapos kong ibaba yung phone, nagpaalam na rin sakin yung girl na kasama ko. Sabi niya malayo pa daw yung uuwian niya kaya pinagkakatiwala na niya sakin yung wallet. Here's my chance sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ko kunin yung number nung girl, sumibat na rin ako patungo kina James.

Ilang steps mula Paragon, tumawag na sakin yung may-ari ng wallet. Sabi niya kita daw kami sa Jollibee Edsa Central. Sabi ko sige. Habang naglalakad, napapaisip ako kung isosoli ko na lang ba yung wallet sabay tago sa pera. Kunyari napulot ko wala nang nasa loob. Sa totoo, tempted akong kunin yung pera, tao lang naman ako para hindi mabulag sa ganung kadaming cash.

Imagine, idedeposit ko lang yung, magkakamilyones na ako, o kaya pwede ko idate si Mama, o kaya panggrocery ko na sa bahay namin... Pero narealize ko na.

Takot pala ako sa karma...

Nakakapanghinayang naman dun sa babae na unang nakapulot nung wallet...

Gusto ko pa ring mapabilang sa mga mabubuting tao sa mundo...

Pumunta akong Jollibee, confused at dinedemonyo pa rin. Order akong chicken at palabok. Pagkaupo ko pa lang ng table, nagtext sakin yung boyfriend niya. Salamat daw sa concern. tas tumawag na rin yung may ari, sabi ko nasa loob ako, kumakain.

Nagkita kami,

nagshake-hands.

Kasing edad ko lang pala halos siya.

Mayaman siya based sa phone niya.

Yuppie kung iisipiin.

Sinoli ko yung wallet sa kanya. Pinakita ko na yun lang yung perang nasa loob. Makikita mo sa mata niya kung gaano siya kasaya makuha ulit ang mga pinaghirapan at pinagpaguran niya.

Swerte niya kasi maaring hindi na nakabalik sa kanya ang lahat ng iyon... Nawala ang phone kong bulok, kahit iyon pinagdiskitahan pa nung nakapulot.

Nagpaalam siya after 5 minutes. Di daw niya alam kung paano ako mapapasalamatan. Sabi ko ok lang sakin yun. Itext na lang niya at pasalamatan yung tunay na nakapulot nung wallet niya.

Instrumento lang ako...

Umalis siya na para bang hindi kami nagkita. Di na siya nagtext pagkatapos nun. Parang wala lang ang lahat... para bang panaginip lang. Sa totoo nakakapanghinayang. Madami na sana akong nabili nung gabing yun.

Pero pera lang iyon.

Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera.

Masaya na ako na nakabawi naman ako sa iba pang kabutihang ginawa sakin.

May reason na ako para tanggapin sa langit.

No comments: