Sunday, February 25, 2007

Day Off (Last Part)

So, it took me more than a week just to gather my thoughts about the recent Pasig River ferry trip... What the heck, like the slowness of my ferry trip, the destination is already within sight.

- Mugen


---

Tanda ko noong high school, may ka-tropa ako sa section namin na tatawagin ko na lang sa pangalang Techzone. Lagi kaming magkasabay sa uwian nito at kahit fourth year na kami, hindi kami nagkakasawaan na ang laging topic sa tuwing naglalakad kami palabas ng PUP hanggang sa sakayan ng jeep sa Old Santa Mesa, mga isang kilometrong layo galing sa aming classroom ay laging tungkol sa aliens at space colonization.

Minsan, inaya niya ako sa kanilang bahay sa Mandaluyong, tutal pareho naman ang takbo ng utak namin. Laking gulat ko sapagkat sa halip na mag-jeep kami patungong Boni Avenue, naglakad kami patungo sa kabilang dulo ng aming campus kung saan merong exit palabas ng Pasig River. Dito mo matatagpuan yung Metro Ferry station ng PUP Main Campus.

---

Ang ferry pa noon ay parang isang mahabang motorboat lang. Mabilis siya kung sa mabilis at mga 30 pasahero lang ang magkakasya sa loob nito. Aircon naman ang ferry, kaya hindi ka magkakaroon ng problema sa baho ng ilog. Meron ring mga life jackets na nakatabi sa upuan mo sakaling may magkamaling barge o tugboat na bumangga dito.

Ang byahe ay inaabot ng mahigit 30 minutos mula PUP patungong Hulo Station. Paano ba naman, sa dami ng mga istasyon na ikinalat sa pampang ng ilog Pasig, kulang-kulang 10 minutes ang sasayangin sa oras mo tuwing magdo-dock ang ferry sa mga istasyon dito.

Tumagal rin siguro ng mahigit dalawang taon ang operations noong Metro Ferry na iyon. Ang aking ka-tropa naman, palibhasa'y mas enjoy akong kasama (dahil kami lang ang nagkakaintindihan sa mga ka-weirdohan namin sa buhay), pinili na lang niyang maglakad ng pagkalayo-layo makasabay lang ako sa uwian, hanggang sa grumadweyt kami ng high school.

Balita ko, isang dalubhasang computer programmer na siya ngayon.

---

Isang dekada ang nakalipas.

Muling binuksan ang Metro Ferry service sa Ilog Pasig. Palibhasa'y libre pa ang pamasahe at maaga pa para umuwi sa bahay noong araw na naglamyerda ako, naisipan kong magpalipas ng hapon sa Escolta at intayin ang pagbubukas ng istasyon ng ferry doon patungong Guadalupe.

Karamihan ng mga kasama kong nag-iintay ay pawang mga estudyante galing sa Central College of Manila ( o yung state university na matatagpuan mo sa Escolta). Lahat sila pawang mga curious lang at kagaya ko, walang magawa sa oras. May mga ilang matatanda na sinasamantala ang libreng pamasahe. Ang ilan rin naman ay gustong mag tour lang kasama ang buong pamilya.

Binuksan ang gate mga bandang 4:30 ng hapon, upang pagbigyan ang humahabang pila ng mga taong gustong makasakay sa ferry. At dahil nga libre pa ang pamasahe, mabilis rin naman itong napuno at nakalayag rin kami ilang minuto matapos ang alas-sinko.

Uneventful ang trip sa totoo lang. Kasi rin naman, sa sobrang lapad ng aming motorboat, (kung saan sabi ng mga crew, pang 150 pasahero daw ang capacity ng bawat sasakyan) mas iisipin mo pa ang pagkahilo kesa ang mga makikita mo sa labas - na pawang kadalasan ay mga squatters area lang. Kung hindi dahil sa papalubog na araw, mas magiging payak at boring ang byahe namin.

Nang dumaan kami sa tapat ng Malacanang, mahigpit na pinagbawal sa amin ang maglabas ng digicam o pone camera for that matter. Kasi naman pala, ang mismong office ng presidente ay halos nasa tabing ilog na. Sa totoo lang, kung hindi ako sinabihan ng isa sa mga crew na kasama namin, talagang kukuhaan ko ng litrato ang palasyo. Paano ba naman, sa architecture pa lang nito, panalo na sa entry mo.

---

At gaya noong sinaunang panahon pa lang, kung saan unang beses akong nakapag-ferry ride sa Ilog Pasig, problema pa rin ang docking. Kung noon ay sampung minuto lang ang docking time, ngayon ay mahigit kinse minutos na ito. Sa laki ba naman ng sasakyan pang-ilog namin at sa dami ng mga pumpboat na nagtatawiran sa Santa Ana (na pilit lumalapit sa ferry namin), talagang hassle ang unloading ng mga pasahero.

Anyway, sa binagal ng byahe namin, nakarating rin kami ng Guadalupe matapos ang isang oras. Kung tutuusin, dalawang istasyon lang naman ang hinintuan namin galing Escolta bago makarating ng Makati. Kung mayroon mang mga eventful moments sa aming byahe, masasabi ko lang na malaki pala ang baryo ng Punta sa Santa Ana, Manila. Hindi ko rin ineexpect na marami palang tawiran sa Ilog, kung saan mga retro-mini pa ang mga bangkang tumatawid dito.

Higit sa lahat, kung may matatawag mang "conveniece" sa byaheng ito, yun ay ang tanggal hassle sa papalit-palit na pagsakay ng jeep (at fx) makarating ka lang ng Makati (at Taguig, at Global City, at Mandaluyong, at ng MRT Guadalupe Station). Isipin mo na lang, mula Escolta o sabihin na rin nating Lawton, malayo-layo man ang iyong lalakarin patungong Ferry station eh at least, isang sakay ka lang. Ikumpara mo ito sa pagsakay ng jeep patungong Pedro Gil, kung saan naroon ang Terminal patungong Guadalupe at Makati, considering the traffic and the pollution sa Taft, eh laking ginhawa na sayo ang byaheng ilog.

Kung hindi problema sayo ang pagkahilo, at ok lang sayo ang isang oras at kalahating byahe para sa iyo, well recommended itong Metro Ferry bilang alternative transportation. Matagal-tagal man ang paglalayag, isipin mo na lang na ganito rin katagal ang byahe ng LRT mula Recto patungong Santolan o kaya naman mula Taft patungong North Edsa. Dito nga lang, walang tayuan. May libreng movie ka pa sa flat-screen TV, kung ayaw mo man magsight-seeing sa labas.

No comments: