Thursday, February 15, 2007

Post Valentine Entry

Ang sabi ko, ibo-boycott ko ang Valentines Day.

Bakit kamo? Wala lang, gastos lang siya sa bulsa. Tsaka nag-celebrate na ako ng Araw ng mga Puso noong sabado.

Date nga siya sa Silya at movie watching sa Rob Place kasama ang buddy. Solb na. Pero bandang huli, Balewala rin ang lakad kasi wala pang hatinggabi, inaantok na ako.

So ano nga bang ginawa ko buong time kahapon:

Valentines Eve - Sinamahan ang straight na tropa para bumili ng flowers para sa kanyang girlfriend sa Dangwa (Laong Laan).

Nung first year college kami, kami ring dalawa ang nagvalentines at nanood ng sine sa Megamall matapos siyang indyanin nung pinopormahan niyang tsik na kakaklase namin.

Valentines Midnight - Greet sa mom at utol, nagtext ang tropa na success yung plano namin para sa gf niya.

Valentines Morning - Nagcra-cramming para sa food fiction sa class. Hindi ko rin natapos ito dahil bopols talaga ako pagdating sa fiction writing.

Valentines Afternoon - Luncheon class sa bahay ng classmate sa Pag-Asa Bliss. In fairness, napaka-bohemian ng pad niya.

Valentines Evening - Ka-text si Jbinx. Nagrereklamo kung gaano kadami ang tao sa SM North.

Hours before matapos ang Feb 14 - Sinusuyo ang nanay dahil nagtatampo. Hindi ko daw siya naalala bigyan man lang kahit flowers, samantalang yung yaya namin binigyan daw siya ng maliit na stuff toy na nabili sa may palengke. Sa totoo, mas gusto ko pang i-celebrate ang mother's day kesa Valentines, para sa akin, mas malalim ang meaning ng araw ng mga nanay.

---

Kung tutuusin hindi naman ako bitter.

Wala lang talaga sa kalendaryo ko ang araw ng mga puso.

Kung tatanungin mo ako kung bakit, kasi masyado siyang commercialized. Masyadong Pop ang kanyang dating, anuman ang sabihin nila na araw pa rin iyon ng mga puso.

Sabagay, paano mo siya maiisipang i-celebrate kung alam mong kalahati sa mga taong kilala mo ay naghahanap ng ka-date sa araw na iyon?

Paano mo siya igugunita habang naalala mo kung gaano ka nagpapaka-badtrip sa araw na iyon noong college dahil wala ka man lang ka-valentines na girlfriend, kasi tingin mo, cool ka kapag may binibigyan ka ng roses sa corridor at may ka-date ka sa araw na iyon .

At higit sa lahat, paano mo siya icecelebrate kung naalala mo na minsan kang na-dump ng ex mo, mismong araw pa ng mga puso?

---

Pero... mukha atang nagpapatawa ang tadhana. Sa hindi ko inaasahang twist of fate, nagpasya ang buddy magpalipas ng gabi sa bahay.

Nilalagnat daw siya at kailangan niya ng aruga ng jowa.

Hayun, anuman ang dilemmang inabot ko sa kanyang pagdating (dahil masyado kayang obvious na bakit valentines eh may kasama akong lalaki sa kwarto)

natapos ang araw ng mga pusong

may kayakap akong binatilyong naghihilik sa kama.

No comments: