First Month
20th Session
Ilan sa mga damit na natanggap ko noong pasko na hindi magkasya sa akin ang bigla-biglang naging fit sa katawan ko. Isang pantalon, na dineklara ko nang habambuhay kong hindi masusuot ang biglang nagkasya nang isuot ko ito para sa night out ko noong Biyernes. Ang sinturon ko, na nung isang buwan ay naswa-swak ko lang sa ikalawang butas, ay biglang bumaon na sa ikaapat.
Ang dati rating hindi ko magkasyang balakang sa gitnang upuan ng Mitsubishi Adventure kapag ako ang huling sumasakay ay biglang nagkasya kanina nang ako'y pauwi ng bahay - kahit na malalaki ang kasama ko sa gitna.
Kabilang ito sa mga pagbabagong nararamdaman ko habang patuloy at pursigido ako sa aking pag-wowork out. Ilang buwan pa, kung magiging matatag ako sa aking commitment para mabago ang aking sarili, maaring pati ang size ng pantalon ko ay bumaba na mula 34 patungong 32.
Biruan nga namin sa gym kanina, mukhang darating ang araw na marami sa mga damit kong bago ang papalitan. Kahit ang instructor ko, na dati rati ay walang pakielam sakin ay biglang nabuhayan ng loob dahil sa mga improvement na nakita niya, hindi lamang sa porma ko kundi sa resistance na kaya nang buhatin ng aking mga braso.
Lubhang matagal pa siguro bago ako makaapak muli sa non-overweight status na ineenjoy ko tatlong taon na ang nakakaraan. Marahil aabutin pa ng taon, bago ako makakita ng pandesal sa aking abs, kung mangyayari man ito. Kung meron man akong tagumpay sa mga oras na ito, ang attempt ko sa pagwowork out ngayong taon ang siyang pinakamatagal ko na - simula ng tinuruan ako ng tatay ko magbuhat ng dumbell.
Nawa'y tumagal pa ito'y magkaroon pa ako ng maraming motivation para naman hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan ko, simula noong napagpasyahan kong baguhin ang aking sarili isang buwan at dalawang linggo na ang nakakaraan.
No comments:
Post a Comment