Friday, March 24, 2006

Reign Of The Technocrat

Napag-isip isip ko lang lately, bakit nga ba ako hindi ganun ka-bwisit kay GMA?
Weird, minsan nga feeling ko pag nakita ko siguro siyang dumaan sa harap ko eh baka magkakaway pa ako na parang nakakita ng artistang idol na idol ko.

Siguro marahil, alam ko sa puso ko na kahit paano she’s doing her job pretty okay. Ewan ko lang kung anong magic ang ginawa ng gobyerno para ma-istabilize ang economya ng bansa sa kabila ng katakot takot na political crisis na hinaharap natin. Anjan ang threat ng kudeta, ang walang katapusang Hello Garci scandal, ang nakaambang impeachment sa Kongreso at Senado. Imagine mo, sa kabila ng lahat ng yun, hindi pa rin talaga tumutupi ang gobyerno.

Kung kay Estrada siguro yun, matagal na nasipa na siya sa loob ng Malacanang.

Besides, sa pandak ni Ate Glo, added to the fact na babae siya – which in our culture is seen as weaker than males, nakaya niyang lampasan ang problemang yun. Nakaya niyang mag-impose na katakot takot na Authoritarian orders na kahit ako rin mismo ay kinasusuklaman ko – sa mga panahong hopeless ako sa mundo at the expense na isuka siya ng sambayanan.

Totoo nga ang kasabihang sometimes, those who are brave enough to make tough and unpopular decisions for the sake everyone quietly living their own boring and mundane lives will always be admired, no matter what. Sa case niya, her toughness and technocrat attitude is something to be noted.

Ayoko man tanggapin na kaya hindi tayo tuluyang nagproprosper gaya ng Singapore at Malaysia eh masyadong mahalaga sa atin ang kalayaan. I mean, masyadong powerful ang opposition at liberty sa ating bansa to make any progress. Although let me state it clear that I don’t believe in Authoritarian or Totalitarian rule, pero… hindi kaya sobra sobra na ang demokrasya na ineenjoy natin – to the point na ginagamit na ito para sa kapakanan ng ilang tao o sektor lamang?

Wala lang, napapaisip lang ako minsan, lalo na’t naiisip ko ang bansang Singapore.

In the end, kaya siguro hindi mabuo-buo ang pagkasuklam ko kay Ate Glo ay sa kadahilanang she reflects all the matriarchal qualities I can find in my own family.

Her strength and toughness mirrors my moms and her sisters. Her resolve to make unpopular but necessary decisions were trademarks in my mom’s family. Buti na lang, they don’t make pakielam to your life as long as you live it quietly at hindi ka nakakasagabal sa iba.

I know, this is something very different from the previous “political” entries I wrote in the past. Gaya nga ng sabi ko, sawa na ako siguro sa palagiang protesta na nangyayari almost every month laban sa administrasyon. Masyado nang paulit ulit ang style ng mga opposition na medyo nakakauyam na at nabubulok na ito. Siguro kung mas creative ang drama nila, maaring ito’y isang maging trivial pursuit na magandang abangan everytime na mangyayari. Pero sa ginagawa nila…

Mas mabuti pang magtrabaho na lang ako.
At least sa ganitong paraan, hindi ako pabigat sa bayan.



No comments: