Saturday, March 25, 2006

Dear Badinggerzie

Ganun pala ang feeling kapag ang mega bet mo ay suddenly na karir mo sa dance floor.

Grabe, hindi ko kinaya ang mga eksenang nangyari kanina. Alam ko lang, kasayaw niya yung isang chabelitang hindi naman deserving sa kanya dahil halatang hindi keri ang mga giling niya. Maya-maya, lumapit na lang siya sakin at tinulak ako papunta sa gitna para makasayaw. I swear kung uod lang ako, pwede na akong budburan ng asin para mag wiggle ng walang katapusan sa kinatatayuan ko.

Alam mo ba ate, habang kaharap ko siya, lahat na ata ng pwede kong punahin sa sarili ko eh napuna ko na. Nandung, magworry ako dahil amoy sigarilyo ang aking hininga. Nandung napaka-oily ng balat ko at wala man lang akong panyo pamunas habang gumigiling kaming dalawa. Nandung pati bilbil ko eh ikabadtrip ko na dahil lumalaylay sa tagiliran ko. Para akong dalagitang nasa harap ng kanyang first crush, kulang na lang matunaw ako habang sumasayaw sa harap niya.

Nakakatuwa no? Kahit ako hindi ko inexpect na ganun pa rin ako ka eng-eng pag may bet akong pumansin sa akin. Jusku! bihira lang ata sa tanang buhay ko yun. Kahit nung kapokpokan ko pa nung sinaunang panahon, once in a blue moon lang mangyari ang mga pagkakataong ganun. Takot ko nga, baka sa sobrang lousy ko magsayaw (dahil sobrang tense ako habang nangigigil siya habang gumigiling sa harap ko), maaring talikuran na lang niya ako't makipagsayaw sa iba.

Lalo na't kung saan saan ang tingin niya at hindi sa akin.

Diba sobrang looser ng kalalabasan ko nun? Siguro kung nangyari yun, nagpaka-tago tago na ako sa madilim na bahagi ng BED at magpapanatang hindi muna magpakita sa lugar na yun in 48 years.

Kaimbyerna, mahirap talaga minsan tumanggap ng rejection eh.

---

Pasensya na kung hindi ko na kayo masyado nasamahan nung nakapartner ko siya. Alam ko namang happiness rin kayo. Nakakatawa nga eh. Everytime na kasama kita, nauuwi sa karir mode ang drama ko. Ngayon nga lang eh pumalo sa jackpot. Siya yung unang superbet na sinabi ko sayo na dinedma mo lang. Mukhang swerte ang dala mo sakin - mas tumataas ang market value ko kapag nasa isang bar tayo.

Alam mo ang nakakatawa, habang nag-uusap kami... habang binabakuran ko siya BUONG magdamag nung umalis na kayo, at habang inaalalayan ko ang mokong dahil lasing na lasing na; nakabaon sa isip ko yung sabi mong wala akong K magkaroon ng happiness hangga't hindi ko nakukuha ang pangalan, tirahan, edad, trabaho at telepon number ng bet ko.

Sa kanya... abot langit ang nakuha ko - except sa isang bagay na sinadya kong di kunin. Kung happiness na akong nakita siya nung medyo maaga pa, marahil perfection na ang nakasayaw ko siya.

---

Sayang nga lang

Ang aming moment ay isang magdamagan lamang, sa isang dancefloor kung saan konti ang tao at ang music ay talaga namang hindi nakaka-inspire isayaw.

At ang pabaon niya lang sakin ay ang kanyang 5'8 na height, singkit na mga mata, makinis na kutis, dimples sa mga pisngi at makisig na pangangatawan.

Siguro hanggang sa panaginip, paulit ulit na maririnig ko ang kanyang Fookien-accent na Tagalog at ang kanyang walang katapusang tanong tungkol sa kung sino ang kasama ko sa bahay at kung maari ba siyang makitulog.

Para tuloy akong si Cinderella habang paulit ulit ko itong naalala habang sinusulat ko itong entry na ito.

---

Nagsama pa kami ng mahaba-habang oras matapos kayong umalis ng BED.

Sumandal pa kami sa pader, nahiga sa sofa, nagdikitan ng mga braso, nakiskisan ng mga pisngi. Kung ibang tao lang siguro yun, nauwi sa laplapan ang nangyari sa aming dalawa.

At alam mo ba, nagvolunteer pa akong ihatid siya sa kanilang bahay sa Cubao na nauwi sa paghahatid niya sa akin malapit sa bahay - libre pa pamasahe.

Sabi niya kasi masyado daw malayo ang Cubao para sa akin eh... baka magkaproblema lang ako pauwi.

At alam mo ba ang pinakamalungkot sa lahat?

Ang aming simula at katapusan ay inabot lamang ng dalawang oras - katumbas lamang ito ng isang panonood ng sine na nagkaroon ng malungkot na ending.

Marahil pagkagising niya mamaya, nakalimutan na niya ang lahat - at ang amats na lang ang maiiwan sa kanya. Sa kanyang pagbangon at pagsisimula ng araw ng tanghali, hindi niya maalala na may isang nakilala siya sa BED na sumalo sa kanya - habang siya'y lunod sa alkohol at magulo ang pag-iisip.

Marahil kapag nagkita kaming muli sa mga susunod na panahon, isang panandaliang titig na lang o kaya astig na patango ang isusukli niya sa aking pagbati sa kanya.

Marahil sa muli naming pagkikita... nakalimutan ko na ang hitsura ng kanyang maangas ngunit katuwa-tuwang pagmasdang mukha.

Napakalapit ko na sana, pero sadyang pagkakataon - at disiplina ang nagpigil sakin.

---

Tanda ko pa, ilang segundo bago ako bumaba hinirit pa niya na magtext ako sa kanya, na sinuklian ko lang ng paasar na ngiti.

Tangina, paano ako magtetext sa kanya eh sa kalasingan niya

at sa takot kong magkaroon ng dugtong-dugtong na linya ang aming kwentong buhay na nagsimula ngayong gabi...

Nakalimutan naming magpalit ng numero ng cellphone ng bawat isa.

Ang lahat ay tinapos ko na isang gabi lamang.

No comments: