Totoo ngang ang buhay ay parang isang
gulong, minsan ikaw ang nasa itaas, minsan naman
ikaw ang bumubulusok paibaba.
At dahil naging mabuti sila sa amin ng kami'y
nasa pinaka-ibaba, ngayong kailangan nila ang tulong
namin, hindi namin ito ipagkakait sa kanila...
---
Napag-isip isip ko na kahit sobrang active
ng G4M account ko, at kahit na supporter na ako
ng website na iyon, ni minsan ay hindi ko ito
nagamit para ipanglandi o ipang-eyeball sa iba.
Sadya atang nahimbing na sa pagtulog ang
aking kakambal na si Darkstar ngayong mga panahong ito.
---
Bakit ganun ang infatuation, kala mo kapag naramdaman
mo siya ay natagpuan mo na ang pag-ibig? Tingin mo
handa mong isuko ang lahat para isang tao
na kakikilala mo pa lang isang linggo
dahil sa tingin mo, that person is the ONE.
Pero ang nakakatuwa, sa nilalim-lalim ng
pakiramdam na ito, ang kanyang itinatagal ay panandalian lamang?
Minsan kahit ang totoong pag-ibig, kaya niyang tumbasan
ng isang daang beses... pero kapag itong pakiramdam na ito'y
wala na,
Matatawa ka na lang at magtataka kung ano ba nakita mo sa taong
nagpa-infatuate sayo, samantalang hindi naman siya kaibig-ibig unang
tingin mo pa lang.
---
Ang takot ay nasa isip lamang sabi sa isang kanta...
pero meron akong isang kakilala, dahil sa sobrang pag-iisip
niya na pinagtutulungan siya ng kanyang mga kaibigan,
Mismong ang pinaka-dikit sa kanyang mga tao,
itinapon niya ng basta sa ere.
---
Kapag ikaw ay natira
at nang sumunod na araw ay hindi na nagparamdam
sayo ang taong kumuha ng iyong virginity,
It means one thing.
Move on. Tapos na ang silbi mo
sa walang ka kwenta kwenta niyang buhay.
---
Never tell your intimate feelings
to a person kapag malakas ang kutob
mong wala siyang pakiramdam sayo.
Masakit ang ma-reject...
at mas masakit ang magamit.
---
Lastly,
siguro ang pinaka the best
moments naming magjowa lately
ay tuwing umaga, kung saan ako ang
papasok sa work habang siya naman ay nahihimbing
matulog sa madilim kong kwarto.
Matapos kong magpaalam sa pamamagitan
ng isang halik sa pisngi, siya'y biglaang maalimpungatan
... manghihingi ng baon...
at bago ka tuluyang lumayo sa piling niya
siya'y yayakap ng pagkahigpit-higpit sa iyo
habang isinasandal niya ang kanyang ulo sa iyong
dibdib malapit sa may puso.
Habang unti unting nagkukulay-bughaw ang kalangitan
sa labas ng bintana.
No comments:
Post a Comment