This is Pulsar speaking...
Kamusta ka na pare?
Mukhang tahimik ata tayo ngayon ah. Wala bang digmaan na dapat paghandaan diyan? Wala bang bansa na nais lumusob sa atin lately kaya mukhang on-leave ka? Kung ganun edi mas ok. Nagtagumpay ata si Mugen sa pagbubugaw niya ng mga "tao" palayo. Siguro abala siya sa kanyang pag-aaral ngayon kaya hindi niya naiisip ang mga bagay na ito. Gulat nga ako eh, nung huling beses na nag-away sila ng "ka-alyado" niya, hindi ka niya hinagilap. Ano bang bago sa atin? Akala ko ba ikwekwento mo yung Bakahan incident niyo ni Mugen noon? Natameme ka ata?
Alam mo tsong kahapon, naramdaman ko ang worry ni Mugen. Mukha atang matindi ang sense of inferiority niya sa masters kaya ganun na lang siya hindi ka-kumportable pumasok sa klase. Paano ba naman, ang mga kasama niya kung hindi mga Creative Writing teachers sa college eh mga full-time writers sa mga glossy magazines. Meron pa nga siyang classmate na makata eh. Astig no? Feeling kasi ni Mugen, wala siyang maipagmamalaki sa mga iyon. Tipo bang, siya ang odd man out dahil sa nature ng trabaho niya. Pero anyway, at least may background daw siya sa Journalism. Kahit paano alas pa rin niya iyon.
Sabi niya sa akin, marami siyang issues sa grammar, sa vocabulary, at sa style. Gusto niyang i-rant na wala siyang binabasang libro kaya limited ang experience niya sa writing. Kung meron siyang pinanghahawakan, iyon daw ang blog niya. Paano, kung tutuusin eto naman ang direct application ng lahat na natutunan niya so far. Sa pagkakaalam ko, hindi pa siya nagpost ng "submitted essays" niya dito, samantalang heto rin naman ang ticket niya kaya siya nakapasok doon. Masyado daw dyahe para ipabasa sa iba. Sabi ko naman, kung yung mga kaklase nga niya eh himalang wala complain sa kanyang pagsulat bakit siya maiilang?
Pero makulit talaga yung lalaking yun. Nag-iinsist pa rin na underdog daw siya. Ang sabi ko na lang, anuman ang mangyari huwag siyang matatakot sumulat at tumanggap ng criticism, tutal yun rin naman ang hinahanap niya kahit noon pa. Ilang semesters din at magiging adjusted na siya sa mundo niyang yun. Narealize ko kasi na ang worries niya ang siyang dahilan kung bakit parang labas sa ilong ang mga sinusulat niya nitong mga nakaraan. Para bang yung lost of direction niya ang pumipigil sa kanya ilabas ang kaya niya.
Basta men, bahala ka na ha. Alam kong ikaw ang mas matigas at mas madiskarte sa ating dalawa kaya inaasahan kong sasandal siya sa iyo. Pangako, hindi ako kokontra sa direksyon na gusto mo kaming dalhin. At saka pala pasensya na kung sayo ako nagkwento ngayon. Mahirap lang kasi pag wala kang kausap at nahihingahan eh. Alam mo na, hindi mailabas ni Mugen ang nasa loob niya kaya sa atin na lang niya ito... ibinubulong.
Hanggang dito na lang men, sa muling pag-uusap. Paalam.

No comments:
Post a Comment