The countdown begins.
Sa wakas, na-print ko na ang Christmas gift list ko para sa taong ito. Anytime, maari na akong sumugod sa mga malls para maghanap ng ireregalo para sa pamilya, mga pinsan at kaanak, mga kaibigan at higit sa lahat, mga inaanak na taon-taon ay kusang dumarami habang ako ay patanda ng patanda. Naging tradisyon na kasi sa akin ang mamigay ng regalo tuwing Pasko. Masakit man ito sa bulsa kung tutuusin, ngunit ito lang ang alam kong paraan upang makabawi sa mga taong naging bahagi ng aking buhay sa taong nagdaan.
Nagsimula itong tradisyong ito noong ako'y nasa elementary pa. As usual, ang una kong binigyan ng regalo ay ang aking nanay gamit ang perang binigay sa akin ng tita ko noong aking kaarawan. Habang tumatagal, naging lalong solid ang foundation ng aking gift giving tradisyon. Sunod sa aking pamilya, pati mga pinsan ay nabibigyan ko na rin ng pamasko - gamit ang perang ipon mula sa allowance na bigay ng parents ko linggo linggo.
Noon, ang shopping venue ko lang ay yung maliit na talipapa na malapit sa paaralan ko. Kung hindi man doon, dadayo ako sa SM Centerpoint na isang sakay lang mula sa aking school, para lang makapamili ng regalo sa mga tito at tita ko na hindi ko mabibilhan ng regalo sa talipapa. Nang lumaon, maging ang mga sosi na lugar kagaya ng Glorietta, Megamall at Greenhills ay naging puntahan ko na rin.
At ngayong ako ay nagtratrabaho na, (at mas marami nang taong kailangang maalala tuwing pasko) naging marunong na ako sa aking pagpili ng lugar kung saan magchri-chrismas shopping. Hassle man sa dami ng tao, pero tingin ko, kung practicality at affordability lang ang usapan, Divisoria lang ang alam kong puntahan.
So ano ba ang mga gift ideas ko para ngayong taon?
1. Microwave Oven para sa nanay ko. (Straight pa lang ako, wish na niya magkaroon ng ganito sa kusina. Dapat last year sana ako bibili, kaso napansin ko yung bulok niyang cellphone kaya pinalitan ko ito ng bago)
2. M2M Porn DVD para sa katrabaho kong effem. (Tutal, siya naman ang tester ko ng mga defective na epektos na nabibili ko sa Quiapo. Might as well paregaluhan ko siya ng gumagana naman)
Yung iba, wala pa akong konkretong gift ideas. Pero tiyak nito, may pagbibigyan na naman ako ng mga T-shirt, basketball shorts (jerseys), stuff toy na Teddy Bear, Kuneho atbp. Kung meron man akong mga regalong iniiwasang ibigay, iyon ang mga regalong consumables o nauubos. Kaya ka nga nagreregalo ay dahil nakaalala ka, kung ang ireregalo mo naman ay isang bagay na nakakapalimot, ano ang silbi na nakaalala ka pa diba? At dahil sa dami ng pinaregaluhan ko last year, nagbabala na ang ermats ko sa akin na huwag ko na daw akong maga-ala Santa Claus ngayong taon dahil sayang lang sa pera.
Gusto ko sanang sundin ang payo ng nanay ko, hangga't may pera pa... ngunit
---
Paano mo tatalikuran ang isang tradisyon na halos labing limang taon mo nang masugid na sinusunod? Paano mo tatakpan ang iyong mga tenga kung nakasanayan na nitong makarinig ng malutong na pagpunit ng gift wrapper na ilang minuto mong ring pinaghirapang ibalot sa regalo? Higit sa lahat, paano mo ipipikit ang iyong mga matang nakaantabay na sa reaction at ngiti ng mga tao habang nakakatanggap ng regalo mula sa iyo... kahit taon-taon mo na itong ginagawa?
Mahirap atang kalimutan basta-basta ang mga bagay na ito.
May nakapagsabi sa akin noon, na ang kaibahan ng Pasko noon at Pasko ngayon ay ang unti-unting pagkawala ng essence nito. Kumbaga, ang Pasko daw ngayon ay naging convenience na lang at masyadong commercialized. Hindi ko alam kung ito ay aking paniniwalaan o isasantabi lang. Para sa akin, dalawa lang ang alam ko.
Nagbibigay ka ng regalo upang makaalala at magpasalamat. Ito man ay mura at nabili lang sa bangketa, second hand at napulot sa ukay-ukay o ginamitan ng Credit Card dahil sa sobrang mahal at espesyal, ang mahalaga ay nagbigay ka ng taos puso at walang pag-aalinlangan sa kapwa.
---
Beyond the religious tones, the gift giving tradition reminds us of our humanity. It is our attempt at permanence by reinforcing bonds between two people through material remembrance.
No comments:
Post a Comment