Monday, November 13, 2006

The Ex Prince Speaks

November 13, 2006


The President [insert name here]
National Press Club of the Philippines
Manila


Dear Mr. [insert surname here]


We have confirmed that the [insert name of the newspaper here] has been in circulation once again since last week. We heard that some interested groups decided to open the newspaper after we had given it a final closure three years ago. We understand that in order to distinguish it from the one we used to control, they changed its name from "Balitang" to "Baliktaran" to set the difference and avoid the costly litigation fees once we decide to pursue a case against them. We have reasons for the people behind its new management to resurrect the said tabloid. After all, it was one of the most renowned newspaper in the market during its days.

We wish to inform you that the [insert former owner's surnames here] has no participation whatsoever in such revival. They never sought our advice nor considered our feelings regarding such painful release. Nevertheless, in the spirit of the coming holidays, we do not wish to interfere with their operations. After all, in so many years we have tried to forget whatever bitterness and hurt such newspaper left us, we are not interested in taking it back anymore.

Thank you very much for your time.

God Bless.

---

Minsan rin akong naging anak ng isang boss. Nasubukan ko rin magkaroon ng VIP treatment sa buhay ko. Noong araw, nakasakay ako sa isang magarang sasakyan, hinahatid sa school na may kasama pang bodyguard. Naranasan ko rin makikamay sa mga pulitiko na humihingi ng pabor sa tatay ko at nakasulat rin ako ng ilang mga editorial columm sa isang national tabloid na sumikat ilang taon na ang nakakaraan.

Iyon ang kasaysayan ko.

Sa totoo, kaya ako pinakuha ng kursong Journalism ay upang maging magtuloy nitong negosyong ito. Ngunit masyado akong bata at walang karanasan upang tumayo at pamunuan ang mga tauhan ng tatay ko. Nanduon rin ang pulitika, intriga at siraan na siyang dumurog sa amin. Wala pang isang taon simula noong ako'y naging bahagi ng kanilang opisina. Ang diyaryong ito ay nagsimulang tumupi isang gabi noong na-raid ang printing house na aming inuupahan.

---

Sa huli, nasubukan ko rin itong pamunuan isang buwan matapos mamatay ang aking ama. Naroon ang pait at ang hapdi habang nakikita mo ang iyong sariling pera na napupunta sa wala. Naroon ang pikit mata mong inaabot ang isangdaang pisong advance ng mga tauhan mo araw araw mapagkasya lang ang kita sa negosyo. At naroon rin ang gabi gabing panonood ng Nickolodeon, matakasan lamang ang walang katapusang problemang pinansyal na hinarap ng kumpanya ilang buwan bago ito magsara.

Ngunit naroon palagi ang potensyal nitong lumago at magpatuloy. Yun nga lang, maraming bagay ang kailangang i-konsidera lalo na ang isyu ng paghahabol ng pinagkakautangan nito sakali mang may makisyosyo ditong iba.

Maraming pait ang iniwan nitong kumpanyang ito na hanggang ngayon ay pilit kong tinatalikuran sa aking isipan. Siguro, kaya ako naging sobrang higpit sa pera ngayon at bigla biglang nawala ang interes ko sa pamumuno ay dahil sa mga aral na napala ko maiahon ko lang itong diyaryong ito mula sa pagkalugmok.

Pero anuman ang gawin ko, ako pa rin ay nabigo sa huli.

---

Taon ang lumipas. Kaninang umaga, matapos magpagod sa gym, muli kong natanaw itong diyaryo sa isang newstand malapit sa amin. Kaparehong-kapareho ito ng aming issue noong kapanahunan ko pa. Habang pinagmamasdan ko ang lay-out nito, para akong binigwasan sa dibdib ng tatlong beses - tatlong taon pait ng pagkabigo na paminsan minsang nalalasahan ko pa sa aking labi. Heto't narito sa harap ko kanina ang diyaryo na parang isang naagnas na bangkay na kahuhukay lang mula sa mabahong lupa.

Papalipasin ko ang Pasko at Bagong Taon, upang bigyang konsiderasyon ang mga taong napilitang kumapit sa mga namumuno nito. Sa muling pagkakataon, hahayaan kong ang tadhana at karma ang siyang gumalaw para sa akin upang anuman ang mangyari, malinis ang aking kunsensya sa bawi ng buhay sa kanila.

At kapag nasiguro ko na ang aking pinansyal na pangangailangan. Kapag naisaayos ko na ang mga bagay na aking naiwan sa pagmamadaling maitaguyod muli ang pamilyang umaasa sa akin...

Babalik ako at babawi sa kanila.

Lubhang napakasakit ang ginawa nilang iyon sa aming mga naiwanan.

No comments: