Finally, its the last day of my working week. Sino bang mag-aakala na sa hinaba-haba ng isang linggo aabot rin ako sa araw na ito.
Actually, isa itong linggong ito sa pinakatinatamad ako sa trabaho. Paano ba naman tatlong araw ang day off ko na isinabog in a span of seven days. Ang problema sa akin, kapag nakasanayan na ng isip ko magpa-petiks petiks, hindi magbabago ang aking mindset hangga't hindi naeestablish muli ang routine sa aking sarili.
First time ko kasing magbabago ng day-off sa loob ng maraming buwan.
---
Anyway, tinatamad akong pumasok kanina matapos magpa-late ng tulog kagabi kakadownload ng MP3 sa internet. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang makipagkwentuhan kay the Tripper sa chat habang tumatambay sa G4M at nakikisali sa mga forums.
Gaya ng dati, wala pa ring pinagbago ang mga tao doon. Issues dito, questions doon. Minsan nakakatawa na lang humirit at mang-asar. Sadya atang napaka-sexual ng mundong iniikutan ko doon.
Gusto ko sanang mag-absent ngayon. Tutal late rin naman akong gumising. Siguradong pagagalitan na naman ako ng team leader namin na matagal ko na ring kasama sa trabaho. Pagkamulat ko kanina, naghahanap na talaga ako ng alibi para mag-absent. Pwede kong sabihing nananakit ang katawan ko at hindi ako makabangon. Pwede ko rin namang sabihing na-injure ako kahapon kakahabol sa mga FX sa kalsada. Siguro kahit sabihin kong may regla ako ngayong umaga balewala sa kanila. Tutal, sa sobrang konti ng trabaho, marahil hindi nila agad ako mapapansin na absent.
Ngunit.
Naisip ko ang aking napakahalagang papel sa isang account na exclusive na binigay sa akin. Matagal ko rin ninais manghula na lang kaysa makipag harutan sa mga foreigner na nalolongkot at walang makausap. Sumagi sa isip ko kung halimbawa mag declare ako ng emergency leave at wala palang pumasok na ka-team mate ko sa account, edi yari ang mga teamleaders ko sa boss. At mas lalong yari ako kay Mami Athena na mataas ang expectations sa akin.
---
Mataas na ang araw ng umalis ako ng bahay. Balak ko pa nga magtaxi dahil tinatamad akong maglakad papunta sa kalsada. Pero dahil walang taxi at wala na rin akong perang pamasahe, napilitan rin akong maglakad at magwithdraw sa ATM. Buti na lang at may FX na huminto sa harap ko. At least hindi na ako aabutin ng siyam siyam kakaintay ng sasakyan.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng HR room upang mag time-in sa aming bundy clock upang huwag mapansin ng mga ibang operators. Sa totoo kasi, bingong bingo na ako pagdating sa tardiness noon pang nakaraang mga buwan. Mabait lang siguro ang HR sa akin kaya hanggang ngayon hindi pa ako binabato ng memo. Pero, Im making effort naman para maging kasilbi-silbi sa kumpanya... Ewan ko nga lang kung nakikita nila ang aking mga contributions, gaano man ito kaliit.
Pagbukas ng aking computer at pagsalang ko sa aking account, wala naman pala akong pending messages. Nakapagbukas pa nga ako ng ibang website eh. Ngunit ng hinanap ko sa roster ng mga operators sa aking IM kung nandoon ang mga kasama ko.
Wala ang mga kasama ko...
At mukhang soloflight na naman ako ngayong araw.
Buti na lang at hindi ako nag-absent sa trabaho.
No comments:
Post a Comment