Lagi akong iniisnab ng Head Coach ng gym ko sa tuwing tatanungin ko siya kung maari ba akong mag-cardio. Sabagay, sa bago kong gym, andami-daming cardio equipment (at puro high-tech pa!) ngunit isa o dalawa lang ang gumagamit nito.
Minsan, gusto kong tanungin si Head Coach kung bakit hindi niya recommended ang cardio exercises (samantalang kahit isang oras pa, kaya kong magbabad sa elliptical trainer) pero upang iwasang ibalik niya sa akin ang aking tanong, tahimik na lang ako.
Kilala ang Eclipse Gym bilang isang "renegade" gym. Bawal dito ang magmaganda at magbabad sa shower room. Sa dami kasi ng mga athletes na nagwowork out dito, mapipilitan kang maging brusko, kung hindi man straight acting. Kumbaga, kung gusto mo ng seryoso at no-frills na work out place, perfect sayo ang gym ko.
Hindi ito plugging, nagsasabi lang ako ng totoo.
At dahil "renegade" daw ang gym ko, ako rin nagpaka-renegade na rin. Kung ayaw akong pag-cardiohin ni Head Coach, pagdating sa labas, saka ako naglalakad ng pagkalayo-layo. Yung tipo bang thirty minutes ka na naglalakad eh tuloy tuloy ka pa rin. Ganun.
Kanina, naisipan kong puntahan ang isang napabalitang garden shop sa Quezon City. Napanood ko ito sa Magandang Umaga Bayan noong isang taon at naengganyo akong bisitahin ito sapagkat nagbebenta daw sila ng mga herbal plants at spices. Ito yung mga halaman na hindi namumulaklak, pero pucha, punuin mo ang harapan ng bahay mo nito at daig mo pa ang nakatira sa bundok sa bango ng paligid mo.
It's time to check the place out, and so I did.
As usual, lumabas ako ng gym na parang galing sa isang gangbang. Palibhasa'y focused ang training ko sa back kaya naman talagang pagkasakit-sakit ng likod ko sa tuwing matatapos ang training.
Sabi ko sa sarili ko, trip kong magcardio - pero sira ulo ako pag nagcardio ako papuntang Mother Ignacia sa Quezon City. Sa sobrang layo nito sa Shaw Boulevard, wala pa ako sa Aurora at tiyak, gumagapang na ako sa daan.
Pero ang Joms na dinedare, lumalaban. Dinare ko ang sarili kong magcardio patungong kyusi at hayun nga, naglakad ako mula gym patungo sa aking pagkalayo-layong destinasyon.
Nagsimula ako sa Shaw Boulevard, sa harap mismo ng Puregold. Pumasok ako sa isang kalye na lulusot patungong Wilson St sa San Juan. Pagtawid ng Wilson, tumbok mo ay Little Baguio. Dito ako nagkandaligaw-ligaw sapagkat curved lahat ng daan. Lumabas ako ng Xavier at sa halip na mag-turn right patungong Ortigas Avenue, pumasok ulit ako sa isang kalye na maglalabas sa akin sa Pinaglabanan - ang pusod ng San Juan.
Bumili ako ng C2 Lite sa isang Ministop sa kanto ng N.Domingo at Boni Serrano. Matapos nun, tinumbok ko ang Valencia at tumawid ng Aurora upang makarating sa Balete Drive. Sa lilim ng mga puno, nilakad ko ang kahabaan nito hanggang sa makarating ako sa E. Rodriguez, kung saan sa kaliwa ko ay ang St. Joseph's College na siyang naging paaralan ko noong elementarya.
Tuloy ang cardio.
Sa halip na kumanan upang matagpuan ang Tomas Morato, diretso ko ang natitirang bahagi ng Dona Juana Avenue sapagkat sa pagkakatanda ko, may isang maliit na tulay sa dulo nito na kapag tinawid mo ay makakarating ka sa Roxas District. Mula rito ay mga 20 minutes na lakaran na lang sa kahabaan ng Scout Reyes at matatagpuan mo na ang Mother Ignacia, kung saan naroon ang hinahanap ko - Ang Green Hearts Garden Shop.
---
Mula alas tres hanggang alas singko ng hapon, pinagtyagaan kong lakarin ang daan masabi lang na nagcardio ako ngayong training day. Para ko na ring nilakad mula Shaw MRT Station hanggang Cubao sa ilalim ng tirik na tirik na araw kung ihahambing mo ang trip ko ngayong araw.
Sa tulong ng mga house music files sa aking mp3 player, hindi naman naging ganun ka-hassle ang lakaran sapagkat marami ka rin naman makikita sa daan (lalo na sa squatter na bahagi ng San Juan kung saan matatagpuan ang mga nakahubad at pawisang mga kargador at laborer na nakatambay sa kalsada)
At least solb ang training ko. Sumakit man ang katawan ko bukas, masasabi kong nag-training talaga ako at hindi nagmaganda lang. Bukod pa dun, makakakain ako ng kanin ngayong hapunan ng hindi nagdadalawang isip sa takot na mawala ang mga naachieve ko ngayong tanghali.
Higit sa lahat, nagkaroon ako ng bagong pagkakaabalahan - sa halip na puro kalibugan at internet lang ang pagdidiskitahan ko pagkarating ng bahay.
Sa muling pagkakataon, susubukan ko ulit mag-gardening. Magtagumpay man ako, at least, marami pang maaaliw sa mga herbal plants ko sa harap ng bahay namin.
---
As I wrote in the examples I gave above, your thinking is correct. More and more researchers are beginning to speak out against endurance or cardio. In general, even the mainstream fitness industry is beginning to wake up to the reality that anaerobic activity such as sprinting or interval strength training such as EDT is way to get the fastest results in minimum time, and greatly reduce your risks.
It's as I always say, sprinters in both swimming (short distance burst swimming) and running are very lean and toned or muscular. Most runners or those who do excessive cardio have a much higher % of bodyfat even if they exercise 10 times as long.
- Bchemist, Pinoyexchange

No comments:
Post a Comment