Nang minsang naging paranoid si Joms sa kanyang pagtanda... habang nagyoyosi break sa labas ng kanyang office:
---
What if,
Five years ago, nakadisgrasya ako ng babae?
At ang bunga ng pagkadisgrasyang yun ay ang pagkakaroon ng anak na lalaki? Siguro, pinangalanan ko siyang Joem Endymionne. At dahil, maaring nag-explore rin ako sa aking bagong sexuality, iiwan siya sa akin ng aking misis nang minsang mahuli niya akong nag-chachat sa internet.
Siguro ngayon, meron akong kasa-kasama at binabantayang anak sa office. Marahil ay nakaupo siya sa bakanteng workstation sa tabi ko. Bagot at walang magawa, siguro ay tinatap niya ang keyboard at mouse o kaya naman ay pinapagulong ang kotche-kotchehang binili ko sa kanya upang makuha ang aking attensyon. Kung hindi naman, siguro sa mura niyang edad na limang taon ay nanonood siya ng cartoons sa YouTube na inistream ko o kaya naman ay pinagkakaguluhan ng mga babae kong katrabaho (dahil siguro, maputi siya at cute... may pinagmanahan sa nanay niya).
Since swelduhan naman kahapon, pagkatapos ng trabaho ay dadalhin ko siya sa Megamall upang kumain sa Jollibee at manood ng Spiderman 3. Tutal, wala naman akong misis kaya ako ang tatayong nanay at tatay niya. Ako ang magpapalaki sa kanyang mag-isa, mag-aaruga hanggang siya ay tumanda at sa huli, aasa na mapamana ko sa kanya ang mga kabutihang-asal, lawak ng pag-iisip at diskarte na natutunan ko sa buhay .
In one short burst of thought, naisip kong bigla, ano kaya ang feeling maging parent? Mas may sense kaya ang buhay kung alam mong may inaalagaan at pinapalaki kang sariling iyo? Hindi kaya mas concerned ako sa hinaharap dahil alam kong mas malaki ang responsibilidad ko hindi lang para sa anak ko kung hindi para rin sa akin? Makakapag-clubbing at flirt pa kaya ako gayong alam kong meron akong binabantayang supling? Ano kaya ang magiging impression sa akin ng ibang mga PLU? May magkakainterest kayang makipagrelasyon sa akin? Gagawin ko kayang ninong si Roy at si Papu (dahil posibleng one year old pa lang ang anak ko nang ma-meet ko sila)
Another shot at what ifs...
Andaming maaring nangyari.
Sana...
Bago ako tuluyang naging PLU, nakabuntis muna ako.

No comments:
Post a Comment