Simula pa noon, kapag ako ay nasasaktan ay ako rin ang lumalayo. Ako ang dumidistansya sapagkat ayokong marami ang nakakakita ng aking pansamantalang panghihina. Sa blog at sa journal; sa kahit anong klaseng medium kung saan maisasambulat ko ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagsusulat, doon ko binubuhos ang lahat. Sa pagkakataong ito, sa internet ako nagkubli. Wala sa labas ng aking mga mambabasa ang nakakaalam ng aking mapait na pinagdadaanan.
Sabi ng isang kaibigan, naging aloof daw ako simula ng masira ang lahat sa pagitan namin ni P. Mismong ang palayaw na binigay ko sa kanya ay hindi ko na mabigkas ng buo, sa paniwalang ito ay hudyat ng tuluyan niyang pag-exit sa aking buhay. Sabi ko sa aking kaibigan, kinailangan ko ng katahimikan. Sa pagdistansya sa mga bagay ako makakakuha ng diskarte para makabangon muli.
Ilang beses na akong sinermunan ni Mami A na mag-move on na. Subalit pilit kong niraramdam paulit-ulit ang hapdi ng masasayang alaalang iniwan ni P sa akin. Nitong mga nakaraan, nakakalimutan ko na ang mga bahaging masasakit na binato niya sa akin. Ngunit ang simula - ang "Eyes Wide Shut" episode, ang siyang nagtutulak sa aking lumingon pabalik. Dahil dito, nagpasya akong magpaiwan upang balik-balikan ang ala-alang ito. Sa bawat pangungulila na aking nadarama, naghahalo ang intensyon kong kalimutan ang lahat at ang naisin kong masagot ang ugat at pinangalingan ng aming siraan. Nais kong marinig muli kung tama ba talaga ang mga bintang at tsismis na umabot sa kanya tungkol sa akin.
Pakiramdam ko kasi, hangga't hindi ko kilala kung sino ang salaring nagpahamak sa akin, hinding hindi ako makakakita ng taong mapapakisamahan ko ng buo. Ito kumbaga ang test kung hanggang saan ako maaring magbunyag ng mga bagay tungkol sa akin.
Ngunit ang lahat ay nagbago kanina.
Nagsimula ito sa isang text mula sa isang matalik na kaibigan. Siya ay humihingi ng payo sa akin sa ilang mga bagay tungkol sa kanyang personal na suliranin. Sa halip na sumagot ng patamad gamit ang cellphone, nagpasya akong mag-online sa Meebo. Ito man ay labag sa aking overall mood na tinatabangang makipagusap - kahit kanino, pakiramdam ko'y napapanahon na upang balikan muli ang mga kaibigang naiwan ko sa aking pag-retreat.
Sa una, seryoso pa ang aming usapan. Wala talaga akong maisip sabihin, kundi ang magbigay lang ng aking opinyon tungkol sa kanyang sitwasyon. Ngunit habang tumatagal ang aming kwentuhan, nararamdaman ko ang unti-unting pag-gaan ng aking loob ukol sa aking personal na suliranin. Tumagal pa ng kaunti ang aming usapan - na nauwi sa ugaling pagbabaklaan. Nang sa huli, nailabas ko rin sa kanya ang lahat ng aking gustong sabihin tungkol sa nangyari nitong mga nakaraang linggo.
Sapagkat isa siya sa mga taong buo ko pang pinagkakatiwalaan.
Ilang saglit pa, nagsimula na ang pagmamack ng iba ko pang mga naiwang kaibigan sa YM. Kamustahan, kaunting kwentuhan tungkol sa mga bagay na hindi ko nilalagay sa blog, mga paalala ng reunion na pinagpaliban ko noong mga nakaraang linggo at pakikibalita sa mga kaibigang hindi ko na nasundan ang kwento habang ako ay abala sa pagsosolo at paghahanap ng sarili.
Sa maikling salita, muli akong nagreach-out sa mga tao - tanda na handa na akong humarap at umayos ng normal sa mga tao habang patuloy kong pinuputol ang direktang ugnayan naming dalawa ni P.
Marahil, ang pakikipag-usap ko sa mga kaibigan sa labas ng trabaho ang siyang nagpagaan rin ng aura ko sa loob ng opisina. Hindi man ito lubusang halata, ngunit may mangilan-ngilan na rin ang nagtangkang makipag-usap sa akin sa pamamagitan ng pag-iinquire tungkol sa gym na pinagwo-workoutan ko.
Palibhasa'y likas naman sa akin ang pagiging matulungin, kahit ang nagtanong pa ay isa sa mga pinaghihinalaan kong nagtsismis tungkol sa amin, nagpasya pa rin akong sagutin ng matino ang kanyang mga nais malaman tungkol sa aking tambayan. Sa kanya ko nalaman, na marami pala sa mga katrabaho ko ang interesadong mag-work out kagaya ko. Ang rebelasyong ito ay direktang kontra sa aking unang pakiramdam na bad shot ako sa mga taong nakapaligid sa akin.
Natapos ang shift nang hindi ako naglolog-out sa Meebo. Gayun din, tuloy ang usap namin ng aking katrabaho, gaano man ka-pormal ang mga tugon ko sa kanyang tanong. Noong huli pa nga, inaya niya akong sumabay sa kanyang barkada pauwi - just like the old times, sa tuwing day-off ni P.
Hindi naman siya nabigo sapagkat pinaunlakan ko ang kanyang hiling.
Ngunit, pagdating sa kanto kung saan naroon ang interseksyon kung saan kami lumiliko ng dating kong kasabay pauwi, biglang sumagi sa isip ang aking iniwang pagsosolo na hindi ko pala madaling matatalikuran.
"Mga tol, hanggang dito na lang ako," sabi ko sa aking mga kasama.
Madali akong nagpaalam ng hindi nagpapaliwanag sa mga kasama ko ng matino. Lumiko ako ng kanto at nilakad ko ito ng mabilis papalayo. Nang sigurado kong wala na sila, saka lang bumagal ang aking paglakad upang huminto at lumingon patalikod.
"Darating ang araw, magiging normal rin ang lahat," sabi ko sa aking sarili. "Babalik ang dating sigla ko sa aking mga kaopisina, at tiyak, mas lalawak pa ang impluwensya ko ngayong lumipat na ako sa mas malaking kwarto. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kalyeng ito (na dating nilalakaran namin ni P tuwing uwian) ay patuloy kong magiging daanan pauwi.
Ito ay simbolo ng aming nasirang samahan - na patuloy kong paninindigan anuman ang nangyari sa amin.
Tumagal man ng taon ang aming hindi pagpansinan,
para sa mga masasayang ala-ala,
lalakarin ko pa rin ito kahit mag-isa."

No comments:
Post a Comment