Napanood ko sa Bandila ngayon lang na pinapatawag pala ng Philippine National Police si Maria Ressa ng ABS-CBN upang magpaliwanag tungkol sa mga video footage na nakuha ng kanilang istasyon sa loob ng Manila Peninsula noong kasagsagan ng Trillanes Crisis. Siyempre, palaban ang Maria Ressa at dahil siya ang isa sa pinaka-mataas na executive ng news and current events division ng nasabing istasyon, ay tiyak nasa likod niya ang buong pamunuan ng ABS-CBN.
Naisip ko lang, sakaling magkaroon ng stand-off involving the media (at magkaisa ang Channel 2 at Channel 7) laban sa gobyerno. Sakaling may magpatawag ng People Power at naging bantayog ng Press Freedom ang buong ABS-CBN compound; the moment makisali ang mga talents sa pamumuno nina Judy Ann Santos, Dolphy, Sarah Geronimo at mga cast ng Pinoy Big Brother - at pati na rin talents ng GMA 7, Tiyak susunod dito ang buong media community.
At dahil nangunguna na nga ang media sa pagtuligsa sa gobyerno, magkakaroon ng lakas ng loob ang opposisyon para sumali sa gulo. Naroon si Estrada, si Aquino... at pati na rin si Ramos. Sunod dito ang mga hakot crowd at sa bandang huli, pati ang mga dedma na middle class, yuppie at estudyante ay makikisali na rin. (Isang pagmamalabis sa kanila ang mawalan ng Telenovela na aabangan sa gabi).
Naisip ko lang na sakaling sumabog ang gulong ito, hindi malayong ito ang maging dahilan ng pagbasak ng Administrasyong Arroyo.
Malay natin, baka si Ces Drilon, Korina Sanchez at Ted Failon pa ang maging bayani ng makabagong pag-aalsa.
Such is the power of the media.
---
At si Trillanes? Hayun, nabubulok sa kulungan. Baliw rin kasi gumawa ng eksena eh.

No comments:
Post a Comment