Sunday, December 16, 2007

Itenerary

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ko ipinagdiwang ang aking kaarawan kahapon. Heto ang highlights ng mga nangyari sa akin kahapon:

1. Nagtextback at nagpasalamat sa lahat ng bumati sa akin. (Higit 40 silang lahat at hindi ko ineexpect yun. Despite my gargantuan efforts to lie-low especially at this time of the year, I was moved and humbled when they all remembered. Salamat talaga.)

2. Dinalaw ng isang tropa sa high school na matagal ko nang hindi nakikita, 30 minutes bago sumapit ang aking birthday at isa namang tropa noong college 30 minutes bago natapos ang akinse. Kinantahan ni Mami Athena ng Happy Birthday sa phone at grineet ni Pman ng Happy Birthday sa Windows Live Messenger. Kinulit rin ako ni Grade kung kailan daw ako magpapainom. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng aming nakaraan, natandaan niya ang aking kaarawan.

3. Nagblow ng cake noong hatinggabi na gawa ni Yaya Ella. Yun ang first time na hindi kami bumili ng cake sa Red Ribbon.

4. Nang sumunod na araw, normal ang aking routine: Naggym ako sa Eclipse at maganda ang naging resulta ng work-out ko.

5. Nagsimba sa Quiapo upang magpasalamat sa magandang taong lumipas.

6. Naglakad mula Quiapo papuntang Divisoria para mag-Christmas shopping. Nabugbog muli sa Divisoria sa rami ng tao roon.

7. Umuwi ng bahay. Birthday dinner: Spaghetti, Lumpiang Shanghai at Siomai. Gaya ng kinaugalian, wala akong invited ni isa.

8. Nagbalot ng regalo. Nadiskubre kong may topak na talaga ang computer ko.

9. Nanood ng season ender ng Deadliest Catch sa Discovery Channel.

10. Natulog ng pasado alas-dos ng madaling araw. Inintay si Phanks umuwi sa bahay. (ko)

No comments: