Friday, December 28, 2007

Me and My Computer

Noong una, akala ko'y isang computer virus ang tumira sa bagong PC ko.

Kaya naman, wala akong inaksayang panahon at pera para magpa-reformat at magpareformat sa kung sinumang available na technician ang mahahagilap ko.

Naka-limang ulit na akong reformatting sa loob ng tatlong buwan, ngunit ganoon pa rin ang problema nito. Naniwala akong virus ang sanhi ng paulit-ulit na pagha-hang at resource spike ng computer ko, pero ang sabi sa akin ni Levantine at Mister Binx, maaring motherboard ang tinamaan dito.


Pinakinggan ko ang kanilang suhestyon at ito'y binigyan ko ng konsiderasyon.

Kanina, sa muling pagkakataon, nagpareformat ako ng computer kay Kaibigang Oso. Akala ko ayus na ang problema.

Subalit, wala pang dalawang oras matapos ma-reinstallan ng bagong Windows, MS Office2007 at kung ano-ano pang software ang computer ko, isang pamilyar at nakaka-iritang bleep... bleep... bleep... ang muling tumunog galing sa loob nito. Kasunod nito ang intermittent na pag-hahang ng aking OS, na akin namang naagapan sa pagcra-crash sa pamamagitan ng pagre-refresh ng hardware devices sa My Computer.

Pansamantalang nawala ang problema. Ngunit nawala rin at hindi na nabasa ng Windows ang DVD drive ko.

Matapos nito, nakumbinsi akong tama ang payo ng aking mga technician friends.

Maari ngang motherboard ang problema. Kung hindi naman, posibleng ang cable na sinasabi ni Kaibigang Oso na pinagsasaluhan daw ng Hard Drive D: at ng DVD player ko ang may malfunction. Alin man sa dalawa ang problema, nagpasya na ako sa aking magiging mapait na desisyon:

Bago mag bagong taon, bibili ako ng isa pang cable para sa motherboard.

Hindi man ito gumana, isusugal ko na ang aking nahuhuling baraha para sa bagong Motherboard.

Kung bakit ba naman kasi masyado akong dependent sa computer para sa aking pansariling kaligayahan eh...

Come to think of it, hindi pa ako tapos ng pagbabayad ng 25K para sa lintek na makinang ito.

Tangina. Nadedepress tuloy ako.

---

Alas tres ng madaling araw.

Habang nakikinig sa chillout music na magpapakalma sa aking nagaalburutong damdamin, naisipan kong i-disable ang DVD drive sa paniwalang ito ang dahilan ng lahat ng aking problema sa computer. So far, wala pang conflict. Maaring mali rin ako't nag-iintay lang ng pagkakataon ang aking PC.

Ngunit...

Nawa'y kahit isang magdamag man lang, bigyan sana ako ng peace of mind nitong aking computer. Masyado nang nasira ang mga araw at gabi ko, dahil sa dagok na itong dumating sa akin.

No comments: