Thursday, December 13, 2007

Stand-Off | Purging

Madilim ang maliit at mainit na kwarto kung saan lahat kami ay lango na sa alak. Bilang pinakamalaking casualty, ako yata ang pinakabangenge sa kanilang tatlo. Malinaw ang usapan ngunit... sa dilim at sa katahimikan ng paligid, ang lahat ay naaliw na lamang sa pagtetext sa kanya-kanyang mga kausap sa telepono. Hindi ko ininda ang kanilang mga ginagawa sapagkat inaantok na ako.

Ngunit sa kabila ng aking kalasingan, malinaw sa akin ang kasunduan. "Come what may," ang sabi ng leader noong kami'y magkausap sa chatroom. Si Darkstar at Kitsune na ang bahala sa aking kalibugan.

Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pagpapakiramdaman. Sa tingin sa mga mata, sa pasimpleng banggaan ng mga tuhod at siko at sa mga pahaging na mga two-liner, naroon ang tension sa loob ng kuwarto. Tumagal pa ng mahigit labing-limang minuto na ganoon ang sitwasyon nang biglang nagsabi ang organizer na,

"Tara uwian na!"

Sa pagkailangan namin sa bawat isa ay hindi na natuloy ang balak. Kahit ako rin ay natameme sa kanilang tatlo. Paano ba naman ang isa ay mukhang geek, nakasalamin at tahimik. Ang isa naman ay tsinoy na okay sanang katropa. At ang ikatlo? Siya ang trip ko. May kapandakan siya ngunit maputi at assertive. Kung kaming dalawa lang sana ang nagkaharap ay yari na siya sa akin.

Matapos ang tatlong oras simula ng aming kasunduan, napunta rin sa wala ang plano. Okay lang. at least ang nagwagi sa akin ay si Pulsar. Hindi ko rin naman trip ang dalawang kasama namin kaya ayus na rin na walang nangyari. Nang mag-uwian, si geek boy ang kasabay ng trip ko. Naiwan namang nag-aasikaso ng mga kalat namin si tsinoy.

Dahil na rin sa aking mga nakaraang karanasan, alam kong si geek boy ang nagtake-home sa trip ko. Siya ba naman ang may sasakyan eh. Bukod rito , siya rin ang may place na bakante pa ayon sa trip ko.

Ganon talaga ang buhay.

Ngunit, hindi ko maiaalis isipin ang mapait na sinapit ko noong nakaraan...

Maaring lingid sa kaalaman ko ay nag-usap ang tatlo at ako ang ginawang odd-one out.

Okay lang. Posibleng ang mga pangitaing ito'y produkto lamang ng aking mga pangamba. Hindi ko makakaila na nakatatak na sa akin, bilang trauma, ang dating sinapit ko sa maramihan kung saan ako ang sinadyang iniwan.

Mapalad na lamang ako't sa kabila ng aking maitim na hangarin, sa huli ay nagwagi ang katinuan sa akin. Kampante ako na matatapos ang aking ika-dalawampu't limang taon na sugatan man ngunit nasa ilalim ng control ni Pulsar.

Maging masaya na dapat ako roon.

---

Nag-anyaya sa akin si Princess ng inuman kahapon sa bahay ng isa pa naming katrabaho.

Imbitado rin doon si P-Man, na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay lagi ko na naman naiisip at napapansin nitong mga nakaraan. Sa totoo, gusto ko sanang sumama sa kanila. Ngunit dahil na rin sa obligasyong pampamilya, sa halip ay sinamahan ko ang aking utol at nanay sa MOA.

Habang lumalalim ang gabi, hindi ko makaila na parang mainit na modtang nakadikit sa aking kamay ang mga nangyari noong nakaraan: ang pangongorner niya sa taxi; Ang desisyon kong dalhin siya sa tahimik na lugar na tanging ako lang ang may lakas na loob manguna; Ang magdamagang pag-uulayaw kung saan pinakita ko sa kanya ang aking galing sa kama.

Ang hirap kalimutan ng mga bagay na ito, lalo pa't buo mong sinuko ang sarili mo sa isang tao.

Sa kabila nito, mapalad na rin na wala ako doon.

Sapagkat sakaling mabigyan ako ng opportunity ma-re-enact ang mga naganap noong Marso. Hinding-hindi ko ito aatrasan. Kung may nangyari sa amin kagabi, ito ay tatanghalin kong full circle sa aming dalawa. Marahil ito ang vindication na matagal ko nang inaabangan.

Pero sinadyang maging iba ang takbo ng buhay naming dalawa.

Anuman ang mga kuro-kuro ko sa kanya, siguro, ako na lamang ang nakaka-alala ng mga nangyari sa tuwing kami'y magkakasalubong sa floor.

Samantalang siya...

Ay naka-move on na.

Ang lahat ng nakaraan ay tanging footnote na lamang sa kanyang buhay na parang isang Word Document na isang pindutan lang ng delete button, burado na ang lahat.

No comments: