Tuesday, December 18, 2007

10 Jomanian Guidelines On Christmas Shopping (Last Part)

Paumanhin sa pagka-delay ng guidelines for Christmas Shopping. Ang bilis nga naman ng panahon, parang kailan lang eh November at nasa initial stages pa lang ako ng aking pamimili. Ngayon naman, isang linggo na lang at Pasko na.

Dahil lahat tayo ay abala sa pag-iisip kung ano ang mga ireregalo natin sa ating mga kaibigan, pamilya, boylets at kung sino-sino pa, heto't ibabahagi ko sa inyo ang aking last five guidelines ukol sa pamimili ng ipangreregalo ngayong Pasko.

---

6. Never spend too much for gifts; reserve it for loved ones.

Let's face it. Hindi mayaman ang marami sa atin. Ngunit sa kabila noon, nais nating maging galante sa mga taong naalala nating bigyan ng regalo ngayon Pasko. Ang ginagawa ng iba para makatipid ay gamitan ng creativity ang mga presents nila. It means sila mismo ang nag-cracraft ng ipangreregalo nila. (Gaya na lamang ng mga kaibigan ko na every year ay audio compilation ang give-aways nila)

Since ang natatago kong galing ay nasa abilidad ko na maghanap ng ayus na gift shop, binubuhos ko ang creativity ko sa pagdidiversify ng mga regalo. Masarap kasi mag-Christmas shopping eh. Siyempre kasama roon ang pagbu-budget. Mahalaga iyon para sa isang uring mangagawa na katulad ko. Kaya naman simula pa noon, nilagay ko na sa P100-200 ang price ceiling ng mga regalo ko. Not bad naman, lalo pa't hindi naman ako nagma-mass produce ng ipinangreregalo.

Anyhoot, despite the price ceiling that I have imposed to everyone, exempted dito ang pamilya. Dapat laging big time lalo na ang sa ermats ko.

Bakit kamo?

In the end kasi, laging sumasagi sa isip ko na sa loob ng dalawampung taon, ang nanay ko ang sumasalo sa luho ko tuwing pasko. Siya rin ang nagbibigay sa akin ng Christmas pocket money na ginagastos ko para bilhan siya ng regalo. Ngayong ako ay may pera na, for a change, it's time for me to spoil her wishes. Hindi man niya ito sabihin directly ay lumalabas ito sa aming mga munting pag-uusap. Sa totoo, ang gusto niya talaga ay magkaroon ng bagong sasakyan sapagkat laging sakitin ang aming lumang FX. Kaya lang, hindi ako ganoon ka big-time para sumugal sa kung ano ang talagang hiling niya.

Three years ago, binigyan ko siya ng wheelchair para hindi na siya mapapagod sa paglalakad ng malayo. Two years ago naman ay bagong cellphone ang regalo ko sa kanya. Last year ay Microwave Oven, na since bata pa ako ay pangarap na niya magkaroon. This year? Secret na lang ang regalo ko. Pero napapabalitang mahilig si Mama sa alahas na butterfly ang design.

Kaya ako... susunod na lang sa luho niya. Sana lang ay magustuhan niya ang pa-Christmas ko sa kanya.

7. Never give a gift that is consumable. People could always buy one themselves.

Para sa akin, ang objective ng gift-giving ay para maalala ka ng taong binigyan mo ng regalo for a very long time. Ito ay mahalaga lalo pa't dumarating ang panahon na ikaw ay mapipilitang humingi ng favor o pakisama sa taong iyon balang araw.

Ngunit, paano ka maalala ng isang tao, kung halimbawa'y chokolate o kaya naman ay isang cheap na cologne ang papasko mo sa kanya? Hindi kaya nabibili naman niya ito sa tuwing madadapo siya sa mall?

Nag-ugat ang paniwalang ito simula pa noong ako'y nasa Kindergarden. Uso noon ang mga pupils na nagpapa-party sa loob ng classroom upang magpalakas sa mga teachers, at para na rin magpasikat sa mga kaklase. Tanda ko pa, mahirap lang kami noon. Can't afford si mama makisabay sa mga bonggang nanay sa school namin. Dahil sa hirap, ni laruan na ipangreregalo sa may birthday ay hindi namin mabili.

Isang beses, may kaklase akong nagpaparty sa classroom. Siyempre invited ang lahat at pati ako na isang outcast ay nakatanggap rin ng maliit at cute na invitation card. Ang problema, malapit na ang katapusan ng buwan. Ubos na ang kakarampot na sweldo ni mama samantalang missing in action naman si Papa - marahil ay nasa bundok, kasama ng mga Komunista.

Upang hindi ako mapahiya, nagnenok yata si mama ng isang Tender Care na sabon mula sa monthly grocery na padala ni Auntie kay Lola. Ang regalo ay ginamitan niya ng magarang wrapper at talaga namang may design ang pagkabalot dito. Sa birthday party, pasalamat na lang at hindi nagkaroon ng opening of gifts. Sa loob-loob ko, mukhang ako yata ang kulelat pagdating sa mga nagbigay ng regalo. Yung iba kasi, talagang action figure na Thundercats o kaya naman ay remote controlled na koche-kochehan ang pa-birthday sa celebrant.

Ang ala-alang iyon ay tinago ko hanggang sa ako'y tumanda. Kaya ngayon, anumang sabi sa akin na practical ang magbigay ng isang regalong consumable, natraumatize ata ako ng mga pangyayari noong birthday party na iyon.

Lahat ng consumable kasi sa akin (except red wine na galing sa Marks and Spencer) ay nagiging reference ko sa Tender Care na sabon.

8. The bigger the better - especially for kids.

Sabi ng friend ko, pera na lang ang ibibigay niya sa inaanak niya. Iyon rin kasi ang request ng mga magulang ng bata. Ang sa akin naman, minsan ka lang magiging bata. Minsan ka lang makakatanggap ng laruan na ipagmamalaki mo kinabukasan sa iyong mga kalaro sa kalsada. Minsan ka rin lang maaaliw kapag ang gift mo ay sobrang laki, lahat ng batang makakakita dito ay tiyak na maiingit sayo.

Kaya hangga't maari dapat ay kapansin-pansin ang bibilhin kong regalo sa mga inaanak ko. Sa halip na Matchbox o kaya Tomica na koche-kochehan ang ibibigay ko, mas maganda kung ito'y mas malaking model, yung tipong maaring talian ang hila-hilahin sa daan. Educational toys are also recommended. Plus points ka pa sa kumare o kumpare mo kapag early-learning ng kanilang anak ang iyong priority.

Tempting man bumili ng baril-barilan o kaya naman Barbie Doll na pangregalo, lagi kong isinasaisip ang paalala ni Mama sa mga sitwasyong ganito.

"Anak, masyado nang bayolente at vain ang mundo, huwag mo na itong dagdagan pa sa pag-eencourage sa mga batang gayahin ang kanilang nakikita sa matatanda."

9. The presentation counts... big time!

Real men don't wrap gifts, it's an acceptable fact. However, some men are feminine enough to learn how to wrap gifts with style. I'm not one of them, unfortunately.

But I know how to wrap my gifts - in my own neat and creative way.

Sa akin kasi, to make a real testament at how special the reciever is, I wrap the gifts I give to them. For me it is the final stage in the long process of thinking, finding, buying and giving presents to people you wish to remember and give thanks during this special holiday.

Besides, the effort says a lot at how important the reciever is to you. Somehow, in every present that you tirelessly wrapped yourself, it leaves an imprint of what you want to convey to those who would recieve your gifts. If the gift wrapper is out of the ordinary; if the creases are neat and the cuts perfect to the items being wrapped, then it must mean something - unless you're a natural anal person and you're obsessed in total symmetry and order.

Of course, there's this age-old reasoning that says "babalutin mo nga ng maayos, wawarakin rin naman, edi bara-bara na lang." There's no denial that whoever said it is correct. However, if one really wants to transcend the material aspects of gift-giving and make it an expression of artistry and sincerity, then one would take great pains to make something bound to be destroyed crafted to perfection.

I do not encourage overdoing such presentation, but somehow there is depth when you know, it was you who personally arranged the present the person will recieve from you.

10. Gift Giving is not Gift Trading

The spirit of Christmas is giving. God gave up his only son to live with and redeem us from our sins... Jesus never expected anything from us in return for his Cruxifiction on the cross. Yes, despite heavy capitalistic overtones, one should always remember that the spirit of Christmas is the same and it will remain unchangeable for a very long time.

Once you give someone a gift, you give it with open arms and kindly heart. One should never expect anything in return.

No comments: