Pagkatapos ng trabaho, uuwi sa bahay at mag-iinternet hanggang gabi. Gigising sa umaga para pumasok ulit ng trabaho at pagdating ng gabi, kaharap ko muli ang computer. Muli, gigising ako ng umaga para magwork out sa gym, pagkatapos nun pumasok sa 'skwela. Pagkatapos ng klase, uuwi sa bahay para humarap muli sa computer - para mag G4M o kaya naman mag-Sims2. Minsan iniisip ko, ilang beses ba ako nakakalabas at nakakapagliwaliw sa loob ng isang linggo? Kelan ba ako huling nagpunta sa mall na hindi ko iniisip ang paggastos - na siyang pinakamalaking deterrent ko sa pag-lakwatsa ngayong mga araw na ito? Minsan nakakapagod din pala ang ganitong cycle. Nakakasuka rin pala ang ganitong routine.
Ang hirap pala ng walang day-off para pagnilayan ang sarili.
Nakakapanibago kapag halos lahat ng kausap mo, either nasa phone, text or chat sa internet..
At higit sa lahat, nakakapanlumong isipin na ang bawat itutulog mo sa gabi, kulang pa para ipambawi para sa susunod na gabi...
Gosh where is life when I needed one?
No comments:
Post a Comment