Sabi nila, ang sukat daw ng pagkakaibigan ay nakikita sa lalim ng inyong samahan. Kahit na paminsan-minsan ay hindi na madalas ang pagkikita, tuwing nagkakareunion naman, parang nabubuo ulit ang samahan. Ang mga nagkatampuhan, kaunting kwentuhan lang nagiging magkatropa ulit; ang mga hindi mo nakita ng kalahating taon, mayakap mo lang, nagiging parang isang linggo lang ang pagitan ng kanyang pagkawala.
Mahigit isang buwan na rin simula nang huli kaming nagtawag ng Contingent parang magkita-kitang magkakabarkada. Ang balita kasi, dumating ang magulang ng aming organizer kaya hayun, sa buong panahong nandito ang magulang niya, goodie-goodie muna siya. Palibhasa walang may lakas ng loob magtawag ng Contingent sa amin kaya kanya-kanyang buhay muna kami. Mabuti rin yun para naman may dahilan para mamiss namin ang bawat isa.
Noong Miyerkules ng gabi, nakatanggap ako ng text message mula kay Pipay, (Neutron P3) na halos dalawang buwan ko rin hindi nakausap. Tungkol ito sa pagtatawag ng Contingent ngayong linggo. Ang sabi niya, nood daw kami ng Sukob dahil mukhang pinipilahan sa sine yun. Tutal, kami kami rin naman ang nanood nung Feng Shui noon kaya sakali mang matuloy ang lakad, magkakaroon kami ng comparison sa pagitan ng dalawang horror films na pinag ganapan ni Kris Aquino.
Bagong topic rin yun para sa inuman namin matapos ang panonood ng sine.
---
Nagtext ako noong isang linggo kay Nathan. Siya ang tinutukoy kong organizer ng grupo matapos mangumusta sa akin si XP at magtanong ng balita tungkol kay Nate. Mabilis rin naman sumagot si Nathan at kinuwento nga niya ang dahilan ng kanyang pananahimik. Natapos ang tsikahan namin ng pagbibitaw ko ng pangako na sa oras na magtawag siya ng lakad, tutulong ako sa pag-didiseminate ng text invite.
Noong nakaraang linggo rin, halos tuwing umaga ko ka-IM si Papu dahil laging sinusumpong ng insomnia niya. Matagal-tagal na rin namin siyang hindi nakita at mararamdaman mo sa inyong pag-uusap na namimiss na rin niya kaming kasama.
Si Roy naman, matapos ang isang buwang pananahimik dahil sa kanyang bagong ka-relasyon ay biglang nagtext sa akin isang araw upang magkwento. Sabi niya, medyo nahihirapan daw siyang mag-adjust sa long-distance relationship. Hirit ko naman, kelan naging epektibong relasyon ang long distance? Ako kasi yung tipong tao na hindi mo mapapapasok sa relasyon na ganun ang set-up.
Marami pang mga back-story ang nangyari sa loob ng isang buwan. Nandoong meron muntikan na itakbo sa ospital, meron namang nakipag-break up sa buddy. Kung ano-ano pang istorya, pagkakagulo at intriga at lumabas ngunit karamihan dito hindi na umabot sa akin. Ang mahalaga, may nakaalam. Sakali man ito'y maging matinding problema, alam na namin kung ano ang gagawin.
At sa mga oras na sumasapit ang mga pagsubok at pangungulila gaya nito, minsan, ang tanging pampalubag-loob na lang ay ang mga ala-ala ng pinagsamahan ninyong magkakatropa.
---
Naging effective ang pagtatawag ng imbitasyon. Palibhasa, ginanap ang pagkikita ng Sabado - na bihira lang namin talaga gawin, kaya marami pa ang nakadalo. Ang mga kaibigang huli ko pang nakita ay noong Christmas Party ang una pang nagsabing pupunta. At habang dumadami ang nagcoconfirm ng kanilang pagdating, na-eenganyo nito pati yung mga nagdadalawang isip pumunta.
Kaya nang sumapit ang Sabado, alam na naming magiging isang major Contingent ang magaganap.
Sa trabaho pa lang noong tanghali, pinaghahandaan ko na ang pagsapit ng gabi. Gaya noong nakaraang linggo, pinaghandaan ko talaga ang night-out kahapon. Natulog pa nga ako sa bahay bago naghanda para umalis. At gaya ng tradisyong kami lang ni Roy ang nagkakasundo, nakipagkita muna ako sa kanya malapit sa Vito Cruz bago kami pumunta ng sabay sa lugar na pagkikitaan.
Noong sabado rin, ang aming kasamahang si Kesibi ay nag-organize ng movie night-out para doon sa bagong samahang nabubuo sa PEx. Noong isang linggo pa pinagplanuhan itong lakad na ito kaya ang turn-out rin ng mga bagong dadalo ay inaasahang malaki. Sa mismong araw pa lang ng paga-anounce ng lakad, alam ko nang hindi ako makakasama. Masyado kasi akong napagastos noong huling lakad kaya balak ko sanang maglagi muna sa bahay para makatipid.
Pero dahil nagtawag ng Contingent ang Odders at ang aming pagkikita naman ay higit na mas gabi kaysa sa lakad ng mga kasamahan ko sa PEx, naisipan ko munang magpakita sa kanila...
kasama si Roy na una ko ring nakilala sa PEx bago tumungo ng Megamall at makipagkita kina Nathan.
---
-tobecontinued-
No comments:
Post a Comment