Isang gabi sa aking isipan...
---
Darkstar: Mukhang slow ka ata ngayon. Nasaan na ang mga pinagyayabang mong lalaking nagfliflirt sayo sa G4M?
Joms: Andun, minsan minsan nagpaparamdam. Ang kulit nga eh, hindi ko naman pinapansin madalas pa rin ang pagsend ng invitations for hook-ups saken.
Darkstar: Top naman diba? Bakit indi mo patulan. Tagal mo na ring walang matinong sex ah?
Joms: Ewan ko ba, parang biglang nawala ang libog sa akin eh.
Darkstar: Wag mo sabihing nagpapaka-lesbyana ka na naman? Kelan ka ba nagkainteres sa babae?
Joms: Paano ako magiging lesbyana eh kakapost ko lang ng picture ng lalaki sa isang entry ko?
Darkstar: Gusto mo siya no? Imaginin mo, katabi mo siya sa kama mamaya? Anong gagawin mo?
Joms: Honestly, ewan. Matutulog siguro. Kung hindi man, pagsasawaang tingnan ang kanyang katawan para ganado ako mag-gym bukas.
Darkstar: Eh bakit mo pinagkalat kay Lilay* kanina na may nakita kang bagong cute sa G4M?
Joms: Totoo namang cute siya ah! Kako gusto kong maging ganun ang katawan ko balang araw.
Darkstar: At pag ganun na ang katawan mo, anong gagawin mo?
Joms: Ewan ko, ipangdidisplay lang siguro?
Darkstar: Gagew! Bentang benta ka sa mga top na kinababaliwan mo non. Bakit hindi mo samantalahin ang panahon?
Joms: Dahil hindi mo season ngayon?
Darkstar: Ganon. So anong gusto mong sabihin? Wala na ako sa buhay mo?
Joms: Parang ganun. Naka-hook up nga ako, hindi ikaw ang tinawag ko eh.
Darkstar: Sino?
Joms: Wala. Ginusto ko eh. Tapos.
Darkstar: Anong balak mong gawin sa G4M account mo ngayon? Balita ko, may mga tinanggal kang sexual details tungkol sayo ah.
Joms: Makipagkaibigan.
Darkstar: Marami ka nang kaibigan diba?
Joms: Eh gusto ko pang makipagkaibigan eh. May magagawa ka ba?
Darkstar: Sex, ayaw mo.
Joms: Wala akong gana.
Darkstar: Kabit, baka naghahanap ka. Alam ko problemado ka nitong mga nakaraang araw sa kanya diba? Problemado ka naman lagi eh.
Joms: Sira: Ilang beses ko ba sinabi sayo na hindi ako mananakit ng may puso ng may puso. Kung second priority niya ako, fine. Kaya kailangan ko ng maraming kaibigan.
Darkstar: Okey. Sigurado ka na ba jan sa desisyon mo.
Joms: Bigyan mo ako ng tatlong buwan. Kahit nga Mag-malate nagdadalawang isip na ako eh.
Darkstar: So iwas BED muna?
Joms: Iwas BED muna. Wala akong day-off diba?
Darkstar: Paano ang mga kinakatakutan mong mga bagay?
Joms: Kung dumating, edi dumating. Sa totoo ayaw kong isipin yun. Pag naiisip ko, lalo akong nanghihina.
Darkstar: Kaya ba slow ka ngayon?
Joms: Isang dahilan yun.
Darkstar: Wag na nga natin pag usapan.
Joms: Mabuti pa nga, ginagawa mo akong psycho eh.
Darkstar: Edi paano, low profile muna ako ngayon? Tawagin mo naman ako pag kailangan mo ako para may backer ka ulit. Miss ko na ang mga happenings natin eh.
Joms: Sure. Basta ikaw. Siguro kapag sparring partner kita, ginapos mo na siguro ako.
Darkstar: Ulul. Ikaw ang gagapos sa sarili mo?
Joms: Gusto mo may blindfold pa eh. Hehe.
Darkstar: Taena, adjourn na nga tayo. Pati ako nilalandi mo eh.
Joms: Tagal ni Pulsar eh. Nasan na ba yun.
Darkstar: Basta sibat na ako. Hanggang sa muli tsong.
Joms: Sa muling pagtawag kaibigan...
No comments:
Post a Comment