Wednesday, July 5, 2006

Mint Poetry (Intro)

Kagabi, naisipan kong i-reorganize and lahat ng files at documents ko sa PC na sinulat ko noong ako'y nasa kolehiyo pa. Ang mga nasabing documents ay naglalaman ng mga write-ups, feature stories, profiles, mga binastardong reviews at sangkatutak na mga kalat na magpapaalala sa akin na ako'y dati ng manunulat. Hindi man kagalingan at puno ng kapalpakan, ngunit, kahit paano, ang mga documents na yun ang magpapatunay na ang pagsusulat ay isang ebolusyon, hindi ito basta makukuha ng isang tirada lang.

Sa aking pagbubuklat ng mga word files, nadiskubre ko ang isa mga password-protected documents na isinulat ko noong 2002. Matapos ang ilang ulit na pagpupumilit ilagay ang tamang password, nabuksan ko rin ito sa wakas. Ang nilalaman pala nito ay aking mga angst... noong ako'y nagsisimula pa lang sa ganitong pamumuhay.

---

Lately, upang ma-divert ang attention ko sa aking mga pangsariling isyung kinakaharap , pinili kong ibahagi ang aking nalalaman tungkol sa pag-ibig at buhay PLU sa ibang mga tao. Sa pamamagitan ng pag-sali sa usapan sa mga online forums. Karamihan sa kanila, positibo ang response sa aking mga payo. Merong ilan na kumokontra. Ngunit ang higit na nakakataba ng puso sa lahat ay yung masabihan ka na bilib sila sa mga payo mo... na ang tingin nila sayo ay mature at marunong sa ganitong pamumuhay.

Kung alam lang nila ang mga pinagdaanan ko.

Sa pagbuklat ng aking nakaraan kagabi, narealize ko na kung meron man akong madalas kasagutan sa mga problemang kinakaharap ng mga PLU na natutulungan ko, ito'y dahil may isang panahong ako rin ay dumaan sa mga pagsubok na iyon. Hindi man naging madali ang mga bagay para sa akin. At least, apat na taon mula noong mga panahong iyon, sinong hindi mag-aakala na sa maraming pagkakataon, iyon din ang naging gabay ko sa tuwing nagpapagamit ang aking puso.

I had my own days... I got hurt but I learned from my own follies.

No comments: