Natatandaan ko sa college, may isa akong makatang kaklase na umattend ng summer workshop sa Siliman noon. Kung tutuusin, may pagka-self centered siya. Marami sa mga kaklase namin ang medyo ilag sa kanya dahil siya rin mismo aloof sa aming lahat. Ngunit may mga panahong kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, aaliwin ko ang sarili ko habang binabasa niya sa akin ang mga tula at maikling katha na sinulat niya.
Habang tumatagal, lalo kong naappreciate ang kanyang mga sinulat. Hindi ko alam kung ilan sa amin ang mga pinalad na makarinig ng mga ginawa niya - kahit na ang sabi ng ilan, hindi sila impressed sa mga writings nitong kaklase kong ito. Sa kanyang pagbabahagi, may isa siyang bagay na nabanggit sa akin tungkol sa naging impact sa kanya ng kanyang unang workshop sa Creative Writing.
Bigla bigla, naging mas mataas ang consciousness niya sa pagsusulat.
Ngayong gabi, matapos ang ilang linggong pag-attend ng mga klase sa Feature Writing at Literary Criticism sa Diliman.
Parang ako rin ata, biglang nahirapan na humanap at mag-express ng isusulat.
No comments:
Post a Comment