Thursday, July 6, 2006

Pulot-Gata

Noon ko pa napapansin na may mga panahong kapag tumama ang libog sayo, para kang bitch-in-heat na kahit sino na lang na matripan mo, hindi mo inaatrasan sakali mang lumandi sayo. Alam mo yung pakiramdam na isang salitang may halong kamanyakan lang galing sa isang tao, ito'y kumukuryente sayo't umuudyok na patulan yung taong yun, dahil alam mong ang pangangailangan niya't pangangailangan mo ay nagtutugma.

Sa tuwing sasapit sa akin ang mga panahong iyon, kulang na lang na hagisan ako ng posporong may sindi at tiyak, dadalit ako't magliliyab na parang papel na natuyo sa ilalim ng araw.

Pero ngayong gabi, narealize ko na ang nadarama kong sudden spike ng libog noon ay hindi lang pala sa akin umuubra kung hindi pati rin sa mga taong nakapalibot sa iyo.

Sabi ni Erap, "Weather-weather lang yan." Minsan, tamang libog lang na hindi mo na ito sinasabi sa iba't natutugunan mo ito ng isang panandaliang Mary Palmer. Minsan naman, kulang na lang pati buong G4M alam na nag-iinit ka. Pero putsa, kapag pati mga acquaintance mo ay nagpaparamdam na sa iyo tungkol sa kanilang matinding pangangailangan, posibleng may anomalyang nagaganap. Isang maling sagot lang sa text o private message at tiyak, mauuwi sa kung saang kama ang usapan.

Buti na lang at sa mga oras na ito, ang kabilugan ng buwan ay hindi pa sumasapit sa akin.

Pero in fairness. Mahirap rin palang makipag-usap sa taong kinakati. Minsan kahit hawak mo na ang iyong sarili, madadala at madadala ka pa rin ng inyong usapan.

No comments: