Friday, December 9, 2011

Incident Report



Mga alas-otso po ng gabi iyon nangyari. Naghahanap po ako ng gift wrapper at kahon sa Carriedo. May buhat po akong malaking plastic bag ng National Bookstore, samantalang puno naman po ng mga pinamili ang backpack ko. Hindi ko po napapansin ang mga tao. Naka-earphones po kasi ako at naka-full volume ang MP3 player. Nakikinig po kasi ako ng Trance music. Mabilis po ang mga pangyayari. Biglang na lang pong nawala yung sounds malapit kung saan naroon yung stall na ang tinda ay mga boxer shorts. Tapos pagtingin ko sa baba, yung earphone jack nasa labas ng bulsa ko. Mahirap man tanggapin pero doon pa lang, alam ko pong wala na ang iPod Nano ko. 


13 comments:

Martin said...

Ooh! yaen na. sabi nga nila pag may nawala may bagong mas magandang darating. chill lang!

JohnM said...

Parang katulad din lang yan ng sun broadband ko. Ginagamitan ko kasi ng usb cord para makasagap ng signal sa labas ng bintana. Habang nagiinternet ako bigla na lang nawala ang connection. Taena, ninakaw na pala yung usb modem ko. hahaha! Oh well, shit happens =)

Edgar Portalan said...

Quiapo pa Mugen ... ingat talaga pag diyan ... masyadong madaming kawatan sa parteng yan ng Maynila ...

lonewolf said...

in my case di nila pagiinteresan ang mp3 player ko kasi bili lang sa cdrking hihihihi

Mr. Hush Hush said...

oh mah gahd.. kaya ayoko pumunta dyan eh!!! nakakatakot! hmf.

Pepe said...

tsk tsk. kumabog dibdib ko, katakot. get ready kasi mas masaya at magarbo ang kapalit niyan. :)

ıǝɹɯɐı said...

nahn. buti na lang hindi ka napa'no.

Nate said...

aww, kuya joms.. :(

RoNRoNTuRoN said...

nako ingat sa susunod. kayang kaya mo naman daw palitan eh! :D

Anonymous said...

aw. same thing happened to me but they were brusque enough to make me feel that they got something. yes, marami sila. but I got my BB back dahil black belter naman ako.. and ikaw, hay.. sayang naman yung iPod.. :(

- Joe

daniel the jagged little egg said...

"Oh my sorry to hear that sis".

bien said...

sayang no? at least you have a valid reason to spend on a new one. pero sayang pa rin

Ms. Chuniverse said...

OMG, pareho ang nangyari sa inyo ni Anton (pusangkalye)!


iPod na yan ha. Ang lakas lang ng loob ng mga hayuf.