May isang guro ang nagsabi sa akin na ang taong hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makikita ang patutunguhan. Masyado kong dinibdib ang sinabi nitong gurong ito dala na rin ng mapusok kong damdamin noong aking kabataan. Dagdag pa dito, natatandaan ko rin na ang unang librong nabasa ko mula simula hanggang sa dulo ay ang aming libro sa Sibika at Kultura noong Grade One. Masyado ko ngang minahal ang librong iyon at hanggang sa ngayon ay nakatago pa rin ito sa akin.
Noong High School, lumitaw ang pagiging mahina ko sa Math. Dito ko naranasang mapahiya sa Drafting nang sabihan ako ng aking guro na isa daw akong kalawang sa aming batch. Dala na rin ng matinding kompetisyon sa aming paaralan (kung saan halos lahat ng mga estudyante ay nagtapos na valedictorian o kaya naman ay salutatorian sa kanilang elementarya) maaga kong natanggap na ang aking tanging laban sa kanila ay kung magiging dalubhasa ako sa Kasaysayan. Hindi kasi ako honor student noong elementary kaya mababa na ang tingin sa akin ng mga tao. In fact, tingin yata sa akin ng mga guro ko noon ay isang patapon na estudyante.
Fourth year high school. Nagkaroon ako ng guro sa World History na lubos lubos kong nirespeto. Ang pangalan niya ay Miss Co (Huli man daw sa karera ay nakapag-asawa pa rin siya limang taon nang ako ay nagtapos sa high school. Forty years old na siya noon) at ang estilo niya ng pagtuturo ay talaga namang gumising sa aking utak. Gawain niya na magpa-recitation sa klase tungkol sa mga nangyayaring current events noong kapanahunan namin. Dahil wala sa mga kaklase ko ang nanonood ng balita (lalo na ang CNN), laging ako ang bumibida sa kanyang subject. Ako ang kanyang unbeatable whiz kid. Sa mura kong edad na kinse anyos, nako-connect ko ang mga pangyayari sa kasalukayan sa kanilang nakaraan. Kumbaga, wala man sa bokabularyo ko ang Postcolonialism na pinag-aaralan namin ngayon sa Masters, ngunit noong mga panahong iyon, bukambibig ko na kasalanan ng mga imperyalista bakit masyadong sopistikado ang mundo ngayon.
Lingid sa kaalaman ng marami, noong mga panahong iyon ay adik na adik rin ako sa larong Civilization. Itong larong ito sa PC ay matatawag na strategy game kung saan ang objective ng player ay protektahan ang kanyang kaharian laban sa ibang mga bansa gaya ng India o Amerika o kaya naman China. Ang maubusan ng mga cities (dahil na-occupy ng kalaban) ay talo. Ang unang makapagpadala naman ng space ship sa Alpha Centauri (isa itong bituin 4.2 light years mula sa ating araw) ang panalo sa laro. Dahil napakaraming konsepto na kailangang intindihin para maappreciate ng isang manlalaro ang game, unti-unting naging daan para palawakin ang aking kaalaman sa kasaysayan. Dagdag pa rito, nangangamba rin akong maging repeater sa Fourth year dahil sa aking kabobohan sa Algebra. Narealize ko na kung nais ko man ilaban ang aking huling taon, kailangan kong maipakita sa lahat na mahina man ako sa numero pero eksperto naman ako pagdating sa Social Studies.
Nagpay-off naman ang aking mga paghihirap. Nang magtapos ang Second Quarter ng taon ay ginawaran ako ng Commendation sa World History. Ibig sabihin, ako ang nagkamit ng pinakamataas na grade sa subject na iyon sa lahat ng Fourth Year students.
Hindi ko natanggap ang certificate sapagkat late ako sa flag ceremony nang tawagin ng prinsipal ang aking pangalan. Marahil ay nagtatago ako sa boy's CR o kaya naman sa talahiban sa likod ng aming high school upang huwag mahuli ng mga kadete na nangungumpiska ng ID ng mga late. Noong quarter ring iyon ay nakakuha ako ng grado na 72 sa Algebra. Napalakol ako at adviser ko pa naman ang teacher sa subject na iyon.
Simula noon ay hindi na niya ako pinansin sa klase. Higit naman akong naging mas close kay Miss Co.
---
-tobecontinued-

No comments:
Post a Comment