- Me to Ginnie Mata, West Gallery
Martes ng gabi.
Napagkasunduan naming magkaka-klase na mag-unwind muli matapos ang klase namin kay Propesor A. Hidalgo. Ito ay isang tradisyon na nakaugalian na namin upang makalimutan ang matinding workshop na aming dinadaanan lingo lingo. Masyado kasing perfectionist ang aming guro at kadalasan, ang mga essays na pinapasa namin sa kanya ay nagmumukhang scratch paper sa dami ng corrections at markings matapos itong dumaan sa kanyang mga kamay. Ang mga kaklase naman namin na na-workshop ay nawawala sa sarili dahil nadudurog ang ego kaya naman kinakailangang mailabas ang kanilang saloobin sa munti naming salo-salo matapos ang aming klase.

Pumunta kami sa West Gallery na matatagpuan sa kahabaan ng West Avenue upang paunlakan ang imbitasyong natanggap ng aming pinuno galing sa kanyang kakilala. Nalaman ko na ang nag-imbita pala ay kaibigan ng na-interview ng kaklase ko para sa kanyang essay na si Lav Diaz. Si Lav Diaz ay isang direktor na kilala sa kanyang mga obra katulad ng Batang West Side, Ebolusyon at ang siyam na oras na Kagadanan sa banwaan ning mga engkanto. (Death in the land of Encantos) Hindi ko na nakausap ang batikang direktor sapagkat sa halip na makipagsosyalan sa mga visual artist na naroon, pinili kong magkukuha na lang ng litrato ng mga gawa ng nag-exhibit.
Siddharta Perez - Though Shall Not Be A Douche
Jonathan Ching - Nothing Is Compulsory Except Happiness
Al Cruz - The Observer In Canvas
In fairness naman sa mga exhibitors, naghanda sila ng napakaraming makakain para sa mga bisita. Sa buong event na iyon, tinuring ko ang aking sarili na isang Gatecrasher - isang nilalang na nagpakita sa isang handaan para lumamon at the expense doon sa mga imbitadong bisita. Pinuno ko ng Carbonara, Meatballs, Kiwi and Strawberry Canape at kung anu-ano pang nakahain ang aking pinggan. Ang kasama ko naman ay nagpakalasing sa Red Wine na handa ng isa pang exhibitor.
Sa huli, higit na mas naging interesting ang nakahandang pagkain sapagkat kami ay nabusog dito. Wala naman kaming kaalam-alam sa art kaya't wala kaming masasabing maganda o kaya naman ay pangit tungkol sa mga naka-exhibit. Lumabas kami ng gallery bandang alas-nuwebe ng gabi. Ang mga visual artist na nagumpukan sa exhibit ay sabay-sabay ring nagsilabasan. Karamihan sa kanila ay susuray-suray maglakad at halatang lasing marahil dahil sa case-case ng mga Pale Pilsen na hinanda ng isa pang exhibitor.

No comments:
Post a Comment