Tuesday, February 26, 2008

Weather Disturbance

"Alam mo Mami Athena, lately narerealize ko na ang lungkot pala ng buhay kapag puro sex lang ang laman ng utak mo. "

Itong mga katagang ito ang nasabi ko sa kanya kanina matapos dumaan ang isang bading sa harapan namin na may kasamang dalawang binatang nakabuntot sa kanyang likuran. Hinala ko na sila ay kanyang mga alaga.

In fairness naman, may itsura ang dalawang binata. Sa tantya ko, ang mga edad nila ay naglalaro sa pagitan ng 19 hanggang 22. Parehong matangkad, payat ngunit malapad ang katawan. Ganun ang mga tipo ng lalaki na siyang magpapalingon sa akin. Gusto ko pa ngang sabihin kay Mami na nagwa-gwapuhan ako doon sa isang binata eh. Ngunit, ayoko na lang magbitaw ng salita at baka marahil sabihan pa ako ng aking nanay-nanayan na isa akong malanding nilalang.

"Sabi ko sa iyo eh, ayaw mo lang maniwala." Ito ang kanyang tugon sa aking bagong realization.

---

Hindi ako pumasok sa trabaho kanina. Dala na rin siguro ng katamaran at sakit ng katawan dahil sa gym kagabi kaya pinili kong lumiban muna pansamantala sa opisina. Dalawang araw rin kasi akong na mental torture matapos akong iwanan ng mga ka-team mate kong umaayos ng problema ng iba sa aking Psychic Account. Kaninang hapon, ako naman ang bumawi sa kanila.

Sa kabila ng aking pagliban, nagkita kami ni Mami malapit sa kanyang bahay upang may ipaabot sa kanya. Hindi na mahalaga kung ano iyon, pero dala na rin ng aming bihirang pagkwekwentuhan sa opisina, ang aming pagkikita ay naging sort of bonding para sa aming dalawa. Nasabi ko sa kanya kung ano ang napapansin ko sa aking mga bagong katrabaho at mga kunsuminsyon na nakikita kong dala ng iba sa kanila. Nakwento ko rin sa kanya kung gaano ko namimiss ang mga katropa ko sa umaga at ang dahan-dahan kong pag-slide sa pagka-burn out dala na rin ng paikot-ikot na takbo ng aking buhay nitong mga nakaraan.

Nararamdaman ko na rin kasi na parang ako'y nakakulong sa lumiliit na kahon.

---

Gaya ng sabi ko kanina, unti-unti kong nakikita ang kawalang-sigla ng buhay kung libog lang ang papairalin mo sa iyong utak. Hindi ko alam kung kailan ko ito unang naramdaman, ngunit malaki ang hinala ko na simula nang pakawalan ko si Kitsune isang gabi sa kanyang pinanggalingan, dahan dahang ring nawala ang thrill sa tuwing sumasagi sa isip ko ang kantutan.

Dati rati, nanalatay pa sa dugo ko ang mga katagang "sex makes me feel." Pero ngayon, natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko ang mga paniwalang ito. Kahit flirting, nawalan na rin ako ng gana. Hindi ko na rin kasi makita ang excitement sa pakikipaglandian sa iba.

Hindi ko alam kung ito'y isang phase lang na natural lamang na dinadaanan ng isang tao. Dumating na rin kasi ako sa point noon kung saan tila ba nag-walk out ang lahat ng libog sa akin at tumagal ito ng napakahabang panahon.

Kung tutuisin, ito ay isang napagkagandang pagbabago. Kahit minsan ay natutuwa rin ako sapagkat natututunan ko na ang makisama sa mga tao na walang halong malisya sa panig ko. Nakakabawas rin ito ng guilt dahil wala na akong nasasagasaang tao. Hindi na rin masusugatan ang emosyon ko sa tuwing na-aattach ako sa mga taong naka-trip ko.

---

Marami pa ang nagbago nitong mga nakaraang linggo. Kapansin-pansin na matapos kong gumawa ng multo na maninindak sa akin sa entry na How To Be Dead, How To Be Alive, agaran rin akong nawalan ng interes sa maraming bagay na dati ko nang gawain. Nabawasan ng husto ang mga night-out ko. Higit na mas naging taong bahay ako ngayon, at madalas mas gusto kong nagkukulong sa kwarto, sa aking kama kung saan nakatalukbong ako buong magdamag.

Anuman ang mga senyales na nararamdaman ko, nawa'y dala lamang ito ng malamig at maulap na klima na dinaranas natin ngayon. Nawa'y mga agam-agam lang itong dala ng multo na ginawa ko noong nakaraang linggo.

At sana'y bahagi lamang ito ng mga pagbabago na hinaharap ko sa trabaho. Nahihirapan rin kasi akong makibagay sa bago kong mundo eh.

Sapagkat kung hindi...

I'm losing ways to understand the phase I'm going through.
And I know nobody could help me, except my own struggling self.

No comments: