"Papakels, I have a confession to make." I told Santi at the Casa. It was already past 2 in the morning. Papa Tagay had already left, and Markus was busy checking out his Grindr account. Laid on our table were empty bottles of San Miguel Beer and leftover pulutan.
"Mukhang nang one-way ako ng ka-eyeball." I said softly.
"Hindi ko talaga sinasadya and I feel bad." Santi smiled and patiently listened intently as I went on to tell my story.
A flashback.
Hindi pa natatapos ang isang araw mula ng mag lie-low ako sa Twitter nang maisipan ko i-reactivate ang account ko sa Hornet. Gaya ng Planet Romeo at Grindr, ang Hornet ay isang gay dating site. Doon ang puntahan ng mga lalaking naghahanap ng karelasyon sa kapwa lalaki, ngunit ang totoo, booking ang kanilang sadya. Doon ko din nakilala si kid na tinutukoy ko sa entry na Lip Service.
Wala pang isang oras simula ng pagka set-up ng aking profile ay may nakapukaw na ng aking mga mata. Ang isa ay bata, around 10 years my junior. Ang isa naman ay mas bata sa akin ng 3 years. Si kid ay madali kong na-friendzone. Kasi naman, ang choosy ko rin minsan. Si Kuya naman, na half-Chinese at mas mature ang looks sa akin ay binalak ko sana ayain mag hang-out.
There's something about him that caught my fancy.
Kaso mo, nang hindi ko binigay ang Facebook account ko, hindi na rin ito nagreply sa akin sa Viber.
I had to move on.
The next day, masaya at makulit pa rin kung makipag-chat sa akin si Friendzoned kid. We share a lot of things in common, kaya hindi naman nakakasuya mag reply sa chat. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, abala ako sa pakikipagpalitan ng messages sa Hornet. Marami ang nagsend ng request para makita ang mga private pictures ko gawa ng aking display profile. Mangilan-ngilan rin ang kusa na lang hindi nakipag-usap. It's part of the game. It takes time nga lang tanggapin na it's all about who's looking better.
There were near misses. Yung mga nagyayaya ng threesomes, at mga nagtatanong kung may place ba ako. Tamad ko lang talaga makipagtagpo, at mag-engage sa activities na papawi sa tawag ng laman. Pero kung ako ang tatanungin, tunay naman ang nadarama kong libog sa mga nakakausap.
Mahirap nga lang magtiwala. Nakakatakot, ang basta-basta makipag sex sa mga taong di mo tunay na kakilala.
Pagkagat ng dilim ay patuloy pa rin ang pakikipagusap ko sa mga nasa dating app. Animo'y para akong tanga na nag-iintay ng mag memessage sa akin. Andun ang pag asang makahanap ng kaulayaw. Yung top na may angas. Nagtawag ng inuman si Tagay. Nagpasyang sumama si Santi at Markus, pero sa tuwing dinadaanan kami ng anghel, ang mga mata ko'y nakadikit sa phone screen ni Ndoto.
Hanggang dumating ang aking inaabangan.
Isang kanto lang daw ang layo ng kausap. Mag isa ito't naghahanap ng matutulugan. Basa ko naman ang ibig niyang sabihin, at who knows, maaring puwede ko siya i-sneak in sa kuwarto.
O puwede rin naman i-motel.
Pagkakuha ng bill, nagpasabi akong mag-intay ng sampung minuto. Mag-aabang daw siya sa isang bangko kung saan malapit ang Casa.
Five minutes matapos ang huling send ng message sa Hornet, lumiban ako sa table para mag-withdraw. Pinuntahan ko ang bangko kung saan niya ako iniintay.
At hindi malayo sa kinalalagyan ng ATM, isang lalaki ang aking na-spot. Balingkinitan ito, moreno at upong prinsesa. Walang duda na ito ang aking katagpo.
Ngunit.
Bakit iba yata ang picture ng taong kausap sa Hornet sa taong lalapitan ko?
Sadya bang malabo ang mga mata ko? O tunay akong haharap sa isang poser?
Ang katotohanan, sa kasamaang palad, ay hindi ko na malalaman.
Sapagkat sa halip na lapitan ang lalaki, dumiretso ako sa ATM para magwithdraw. At nang madiskubre na nabawasan ako ng pera nang hindi ko naman nakuha, kaagad akong tumawag sa bangko. Ang lalaking katagpo ay bigla kong nalimot. Pinabayaan.
Na one-way.
Bumalik ako sa aming tagpuan matapos ang pakikipag-usap sa customer service agent. Subalit ang lalaki ay wala na. Ilang beses ko itong ni-message at sinabing hinahanap ko siya ngunit hindi ito kaagad sumagot.
Pinilit kong magpaliwanag.
"You flaked out!!" ang sabi niya.
"I'm in West Avenue meeting someone else." Reply niya kinalaunan. Seryoso, sa sobrang guilty, gusto ko siyang puntahan saan man siya naroon.
"You enjoy." Ang nasabi ko na lang.
"You enjoy." Ang nasabi ko na lang.
"Ang sama ko," I told Santi after. "Those places really bring out the worse in you."
Santi, Marcus and I parted ways soon after. I forgot Santi's advice because I was already tipsy. However, there was no denial that I was still restless despite the botched meet up.
It so happened that while confessing my sin, to a friend, who had his own episodes in the wilderness exactly a year ago, I gave my word to delete my Hornet account when I wake up in the afternoon.
"Minsan, gusto mo lang talaga makaramdam ng init ng iba." I said while looking at my phone, whose battery power is almost gone.
"Excuse na lang ang libog."
True to my word, I walked away from the Hornet's nest 51 hours after creating my account. I didn't get laid. Not even a chance to cuddle someone. And as if the cosmic joke's on me, I would learn a few hours after deleting the app that a chance to sneak someone will come up.
I'll be left alone as my house companions have to go somewhere.
But then, I made up my mind and stick with my decision not to return to the dating sites. It's enough that I lost my balls in that one cruel moment.
4 comments:
Suntok sa buwan makahanap ng matino sa mga dating sites. Matagal na kong sumuko sa mga yan. :)
@Sef:
I'm not counting out the possibilities. But given the behavior I've been showing, I'm becoming like the rest of them. I just limit my exposure so as not to disappoint myself.
Joms
i was cynical at first pero sa PR ko nameet si Joms :)
minsan ka lang din makahanap ng isa pang lost souls who just wants what you also wants just as badly
di na ako susugal pa ulit hehehe
it's a wonderland we all like to get lost in to.
Sadyang may inner Alice in all of us , yung painosenteng budhi.
Post a Comment