Tuesday, May 7, 2013

Put Me To Sleep




Ganito ang kadalasang oras ng pasok ko sa trabaho:

Sabado. 2pm to 10pm. Sabay diretso sa Eclipse gym; sa inuman sa Timog; o saan mang party na maimbitahan. Uuwi ng madaling araw. Matutulog ng bukang liwayway. Babangon ng tanghali at mag-gagayak pabalik ng trabaho.

Linggo. 2pm to 10pm. Diretso uwi sa bahay pagkatapos ng shift. Maghahapunan, magsisipilyo, at maliligo. Kadalasan ay makakarating ng kuwarto ilang minuto bago maghating gabi. 

Magbubukas ng TV, ililipat ang channel sa Cartoon Network pero dahil hindi makatulog dahil nasanay na gising buong magdamag, papatayin ang TV, manunuod ng porn sa laptop, magjajakol at pagkatapos labasan ay pipilitin matulog. Huling tingin sa cellphone ay pasado alas-dos. Oras ng pasok sa Lunes, alas-sais ng umaga.

Kaya naman pagsapit ng Lunes ay laging magulong kausap. Yun ay kung hindi tulala o bastusang natutulog sa workstation habang dinadaan-daanan ng mga katrabaho. Martes ay umaga pa rin ang pasok. Ngunit dahil rest day na ang kasunod na araw, madalas ay balewala na ang antok.

Subalit nitong nakaraang dalawang Linggo ay nabago ang tinuturing kong routine. Sa halip na Martes ng umaga, Lunes ng gabi ang balik ko sa opisina. Yun ay matapos ang shift ko sa hapon. Tulog lang ang pahinga at madalas ay kapos pa.

At dahil kinakailangan, ang Huwebes at Biyernes ay naging panggabi. Sabado ay KTV night ng barkada at Linggo naman ay summer outing kasama ang buong ka-opisina. Walang tulugan galing sa party. Alas-diyes na nang makarating ako sa bahay galing Laguna.

Samantalang alas-sais ulit ang pasok ko kinaumagahan.

Sa loob ng dalawang linggo ay nakalimutan ko ang mga petsa, ang sarili kong body clock at pati na rin ang mga kasama sa bahay. Lambing lang ang pagkikita namin ng aking ina. Ang tulog ay naging mailap, kapalit ang pagiging productive sa trabaho na may kasamang pagsusungit na hindi sinasadya.

Ang lahat ng ito ay dahilan ng pagdating ng isang account na hanggang sa ngayon ay nasa testing phase pa rin.

Martes ng umaga nang umuwi ako ng bahay. Natulog ng anim na oras. Inutusan kumuha ng pera - para ideposit sa bangko, at pagkatapos ang errands ay dumiretso ako sa gym dahil Biyernes pa ang huling buhat ng bakal. Martes, nakauwi ako ng bahay gabi na. Saktong pasimula naman ang mga pang-gabi sa trabaho.

Hindi pa tapos ang product testing. Ang Game of Thrones episode 6 ay dina-download ko pa rin. Ang blog ay napabayaan ko na, habang sa mga susunod na araw ay pila-balde pa rin ang mga utos, mga naiwang trabaho, at mga pangakong pagtatagpo na noong isang linggo ko pa ni-set.

Ang sarap matulog. At kung ipipikit ko lang ang aking mga mata - sa mga oras na ito, mas nanaisin kong huwag na itong imulat pa.



3 comments:

rudeboy said...

Go to bed.

Get some rest.

Things'll look better in the morning.

red the mod said...

Burn-out. I've had my share, even worse. But then again, I seem to thrive on stress. And multi-tasking.

Just think of it as growing pains, an investment to a more profitable, and rewarding, professional future.

See you soon.

Mistersandiman.... said...

Pahi-pahinga rin... kahit walang time.