Wednesday, December 4, 2013

Reawakening








Dalawang beses sa isang taon kung ako ay maglampaso ng kuwarto.

Sapagkat kahit maliit man at salat sa gamit, inaabot ng magdamag ang aking general cleaning. Ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, sa tuwing inilalabas ko ang mga handwritten letters at mementos ng mga sandali ay oras ang binibilang. Hindi pa kasama rito ang pagpunas ng dumi at alikabok sa pang-ibabaw ng mga furniture, at pagsasaayos ng mga damit at libro sa kanilang kinalalagyan. 

Ang bawat kilos ay maingat na ginaganap. Hindi minamadali. Ito ay dahil ang lahat ng sulok ay pinaglalaanan ng sapat na oras. Ang mga gamit na hindi kailangan ay binabahagi sa iba. Ang mga trinkets naman na magpapaalala ng mga bagong kaibigan ay nagiging kayamanang itinatabi sa mga kahong pinakakaiingatan.   

Sentimentality is my second nature.



Cleaning Materials:

Rags, P5.00 per 3 pieces; P35.00 worth of rags
Parker and Bailey Furniture Cream, P220.00
Wipe Out Dirt and Stain Remover, P54.75
3M Microfiber Wipers, P149.75
Mia Maison Room Mist, P121.00
Cleene Ethyl Alcohol, P25.00
Tide Ultra Double Pack, P10.00
Scotch Brite Sponge, P15.00

Total: P630.50



Dalawang beses isang taon sa tuwing ako ay naglalampaso ng kuwarto.

At dahil nasira ang aking kisame sa panahon ng tag-ulan; sabay inabot ng buwan bago ito naidulog sa karpintero at naipagawa ng aking ina, magtatapos na ang taon ay saka pa lang ako magsisimula ng aking taunang ritwal.  

Kaya't hindi na nakakapagtaka kung ang magdamag ay gagapang hanggang tanghali at ang mga dati-rating mga singit-singit ay kasama ngayon sa lilinisin. Sapagkat kagaya ng self-cleansing at new beginnings - mga konseptong tunay na magbibigay ningning sa aking mga mata - the promise of continuity happens when I see a reflection of sunshine on wooden surfaces.

Only then will the heart be assured of my reawakening. 




2 comments:

earl | outinmanila said...

That's a good idea, I must do it soon myself.

Geosef Garcia said...

Kapag naglilinis ako ng kwarto, parang nagre-reminisce na din ako. ;)