Tuesday, October 26, 2010

Raket Season





Nega kung nega ang self-assessment ko sa unang raket ni Bentusi. Dahil isa siyang mabusising editor, tadtad ng red marks ang word document na sinubmit ko sa kanya.  Ang masagwa pa sa mga articles ay obvious na minadali ko ang pagsusulat nito. Not really the professional I presented myself to be. Mabuti na lang at maganda daw ang aking mga ideas. On time rin ang submission kahit todo cramming ang ginawa ko.  Ang resulta: Bumagsak ang aking immune system, kumita nga ako ng isang libo pero kulang pa itong pambili ng mga antibiotic.

Pero enjoy ko talaga ang raket. Alam ko na somewhere, may isang batang makakabasa ng mga articles ko. Malay natin, magiging mad scientist pala ang isa sa mga tsikiting sa kanyang pagtanda.  Who knows, ang dalubhasang makakapag-prove ng dark matter at theory of everything ay nastimulate pala ng mga experiments na kinuha ko sa internet.

Kunsensya ko si Spongebob
Ang masaya actually ay sinabi ni Bentusi sa akin na ako daw ang pinakamadaling i-edit ang trabaho.  Natuwa naman ako kasi na-dispel ang mga duda na nakapagpabigat ng loob ko.  Anyway, nag-email siya ngayong umaga para mag-offer ng bagong raket.  Same assignment pero science articles naman ngayon ang aking isusulat.  Tinanggap ko ang kanyang alok sa paniwalang marami pang susunod dito.

So what's in it for me:  Mahahasa ang writing ko para sa mga darating pa na assignment. Never akong kumuha ng Writing for Children sa Diliman pero dito, puwersado talaga ang magsulat ng simple sentences. The thought of doing something good even if the compensation is in question may somehow cloud my judgment, but in the end:

Sabi ng aking kunsensya, sapat ng kapalit yun.




12 comments:

Alter said...

ikaw pa. elib nga kami sa'yo eh. ;)

red the mod said...

The compensation comes in different forms. Not always in the pecuniary, but sometimes in the profound. The work is easy to edit because it is honest, and there is clarity. I wish you well on the next raket launch.

OT: The picture seems familiar.

Ronnie said...

Go lang ng go, Mugen! Cheer kita with matching pompoms.

=)

bien said...

well if it gives you a different high, then it should be enough at sana nga madaming batang makabasa ng gawa mo.now that's making a difference.

casado said...

wow papa joms! isa ka ng professional writer!

malay mo next tym e, novels na gawin mo, bka ikaw na ang next JK Rowling! LOL :P

Nimmy said...

astig ka talaga kuya. ipunin ang mga kita ha. :D

Ms. Chuniverse said...

raket kung raket.

hindi ko sasabihing mag-tipid.

coz mas matipid ka pa sa ilokanong puro. hahaha!

best wishes for your continued success!

RainDarwin said...

basta ako? kapag IN-LOVE... inspired ako magsulat ! lahat susulatin ko under the galaxy and the milkyway!

(nambuburaot lang, hehehe. ehummm... kinikilig kami ni Dadi nang nakasakay na kami sa jeep ha?)


ching!

MaginoongBulakenyo said...

Naks naman si papa mugs, di na kita ma reach..clap! clap!
Pa autograph at pa kiss. Lol!

Anonymous said...

sis buti ka pa may raket ako maghahanap pa pag uwi lolzz

xoxo

Admin said...

Wow! Congrats and good luck sayo.


first visit ko ata ito. :)

dark_knight said...

ay panalo sa cramming.. still, the ideas are there, minadali lang.. hahaha panu pa kung inde.. ^_^

get well soon