Friday, October 15, 2010

McDonald's Twister Fries





May isang bata na ang pangalan ay Kulasa. Siya ay marikit, makulit at sobrang adik sa McDonald's Twister Fries. Tuwing umaga kapag papasok siya sa Mababang Paaralan ng Santa Ines ay dadaan muna siya sa tahanan ni Ronald McDonald. Tuwing recess naman ay magpapasama siya sa kanyang teacher na si Ditas (na nililibre niya ng Cheeseburger Meal) para bumili ng Twister Fries sa McDonald's. 


Comfort Food!! Nomnomnom


Paborito niya ang Twister Fries dahil malutong at spicy ito. Ubod ng dami rin ng patatas ang ma-eenjoy sa bawat fries. Minsan ay sinasawsaw niya ang fries sa ketchup pero madalas ang gravy ang lagi niyang kasama. Ayaw niya ng Fried Chicken dahil allergic siya sa manok. Ayaw rin niya ng rice dahil siya ay parating nagdi-diet. Tuwing uwian habang iniintay sunduin ng kanyang yaya ay gumagawa siya ng homework sa McDo. Kasama si Bentong walang brip na laging bugbog sarado sa sanggano ng Santa Ines, doon sila nagdadate habang kumakain ng McDonald's Twister Fries.

Masaya na sana ang kuwento nila, subalit dumating ang araw na ubos na ang lahat ng Twister Fries. Limited offer lang kasi ito. Kaya itong si Kulasa na adik sa French Fries ay nagpalit ng food trip.

"My mami says its unhealthy!" Hirit nito sa kanyang mga kaklase habang katext si Bentong sa kabilang classroom.

Abangan na lang natin kung ano ang kanyang next kaadikan.



I should be doing Bentusi's work order.

But I found it too difficult to resist what Nuffnang has sent to my email.

Twister Fries is back.

Like everyone who has an intense love affair with potatoes, the fries is also my guilty pleasure. Love it when I dip it in gravy. Enjoy McDonald's Twister Fries while supplies last. As for me, might as well follow Kulasa's lead and invite the Kambing of my life for a dinner date at Mcdo.







Picture stolen borrowed without permission here




26 comments:

red the mod said...

Yehey! It's back! I prefer the gravy too, and perfectly paired with a cold rootbeer float. Yum!

Makadaan nga mamaya.

I'm guessing 'ang kambing ng buhay mo' is your mom. Have fun. :)

jc said...

gusto ko rin ng twister fries! plus gravy! takaaaaam!

Nimmy said...

Kambing of your life???? what a cute term of endearment kuya. nyahaha

libre! libre! libre! :P

Ronnie said...

HAY SHOOT! Balik na siya ulit! Sana ibalik din yung fries na shine-shake sa paper bag at may powder. Haha.

Mr. Brightside said...

Just had mine kanina, nakakamiss nga =D

RainDarwin said...

bat nga ba sya nawala? magwawala ako kapag nawala ang chicken nuggets with barbecue sauce.

Anonymous said...

Mugen,

Pare, selos ako ke kambing. Sino 'yan, babangasan ko lang.

- Biro lang.

I'm not a fan of twister or any regular fries.

Cio

AkoSiMiguel said...

I just read it also on my email that twister fries is back!

So here i am waiting for mcdonalds delivery here in the office... Can't wait to have my twister fries :)

Sarap talaga!

blagadag said...

tom jones.

casado said...

nasan ung comment ko knina? bka nsa spam lol...


anyways, pag na try mo ung ANimal Fries ng In&Out, un ang d bomb (altho ako di tlaga ko mahilig sa fries & burgers) hehe :P

Canonista said...

Paborito ko rin ang Twister fries! Kaya habang walang roving guard kanina dito sa office, kumain ako nito sa station ko, bawal kasi kumain sa station.... Sarap!

Ngayon ay nakalunch ako, hhmm.. makapunta kaya sa Mcdo?

John Ahmer said...

namiss ko yan' mcdo ako later.

and like ko yung bagong kulay ng blog mo : )

bien said...

kambing of my life talaga. kakaibang term of endearment nga.

pero teka, may study na matagal magdecompose ang mcdo products like their burgers and fries

caloy said...

talagang phenomenal ang comeback ng twister fries no? hahaha! ang daming nagba-blog about it. hahahaha!

~Carrie~ said...

Cute kwento about Kulasa.

Medyo nagsawa ako sa fries, pero pag naglalabas ang McDo ng twister fries or shaker fries, balik trans fat ang food trip ko sa tanghali. Hehehe

Mugen said...

Carrie:

Nakadalawang Twister fries ako kagabi lang. Pero last na yun. Mahirap i-burn eh. Hehehe.

Experiment si Kulasa. Nagwork. Lol.

Caloy:

Una-unahan lang sa pagbloblog yan. It so happened, first ako sa Google. Wahahaha!!

Orally:

Penge link! Lol.

Siyempre, kelangan pati yun, coded. Pero tropa ko si Kambing. Wala yun. Hehehe!

Mugen said...

Ahmer:

Sana nakakain ka na ng Twister Fries mo. As in sobrang daming nag-oorder kagabi pa lang. Hehe.

Canonista:

Haha, pasaway ka talaga! Dun ka nagorder sa Valero no?

Soltero:

At bakit naman siya naging the bomb? Kasi gawa siya sa animals o dahil shaped siya into animals? Lol

Mugen said...

Blagadag:

Yan ang nararamdaman ko ngayon mommy. Hehehe.

Miguel:

Ilang Twister Fries na nakakain mo ngayon? Ako dalawa na, nang-agaw pa ako sa kasama ko. Ahahaha!

Cio:

Hindi ka magkakaroon ng six packs kung adik ka sa fries katulad ko. Wahahahaha.

Bangasan mo siya, kotongan kita eh!

Mugen said...

Pilyo:

Haha isa pa yun sa mga favorite ko sa McDo, pero sobrang bihira ko lang orderin. Hindi siya cost effective sa malakas lumamon katulad ko. Wahahaha!

Mr. Brightside:

I'm sure you had some more. Ehehehe.

Ronnie:

Hindi ko yata alam yun. Pero masaya na ako dito sa Twister.

Mugen said...

Nimmy:

Pucha yun kaagad ang napansin o! Hahaha. Papalibre ako kay Kambing eh. Mas mayaman siya sakin.

JC:

Balita ko eh nakakain ka daw ng Twister Fries na may gravy kaninang madaling araw!

Red

Were u able to grab one last night?

Ryan said...

Twister fries! :O :O :O Hindi na naman magiging healthy ang food intake ko neto if ever. Hahaha.

claudiopoi said...

napadaan lang. :) add lang din kita sa links ko. :D

MaginoongBulakenyo said...

Cute naman ng entry mo..hehehe

Gustuhin ko man kumain nito bawal na sa akin..huhuhu

Anonymous said...

Woohoo! Twister Fries na naman! Eat to sawa na naman ito.

Mugen said...

Will:

Don't forget to burn the calories after. Hehehe! Thanks for dropping by my blog.

MB:

Bakit bawal sa iyo?

Mugen said...

Claudiopoi:

Sure! Thanks for passing through. :)

Ryan:

Basta sunog lang ng sunog pagkatapos, magiging okay ka rin. :)