Sunday, October 31, 2010

Third Eye




Black Saturday.

Bumisita ako sa office ni dad para may gawing trabaho. Walang mga layout artists at encoders akong naabutan. Lahat sila ay nagsipagbakasyon. Ang tanging naroon ay ang security guard na naka-post sa labas ng kuwarto. Abala ito sa pakikinig ng radyo. Mundo niya ay sarado.

Palabas na ako nang may biglang sumalubong sa akin. Balingkinitan ang katawan ng nilalang. Sa tingin ko  siya ay isang matandang lalaki. Hindi ko man naaninag ang kanyang mukha, pero tandang-tanda ko ang kanyang kasuotan. Barong Tagalog na pang-itaas, itim na slacks na pang-ibaba. Walang dudang nakadamit pamburol ang matanda at sa isang iglap, bigla itong nawala.

Huli na para ako ay maka-react. Walang tili sabay takbo palabas ng kuwarto. Walang nahimatay kunwari at nasapian ng demonyo. Sa halip ay mahinahon akong lumapit sa guard para magtanong: patay malisyang nagkuwento ng ghost story sabay kambyo kung mayroon multo sa kuwarto.

"Nako sir, minsan may nagta-type diyan sa mga keyboard pero wala namang tao." Kuwento sa akin ng guard.

"Minsan naman sir may naglalakad pero pag malapit na sa pintuan biglang nawawala." Tama nga ang aking hinala.



Clairvoyance. Ito ang kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Walang kasiguraduhan ang taglay kong ability na makakita, ngunit sa maraming pagkakataon ay hindi ako binigo ng aking ikatlong mata.

Sila ay nasa paligid natin. Ang marami ay pinagkaitan ng kapayapaan, ang iba ay tambay lang. Madalas ay namamalagi sila sa mga lumang bahay o gusali at mga lugar na pinangyarihan ng trahedya. Hindi gaya ng iba, ang akin ay nakikita lang sa gilid ng mga mata. Minsan ay sa pagitan nito. Never tumagal ng isang segundo ang apparition at isang beses lang ako nakakita ng mukha - noong burol ng kapatid ng lola ko. Naisipan nitong sumilip sa loob ng bahay.



Nagsimula ang lahat noong ako ay nasa high school. Nag-camping ang third at second year sa isang resort sa Laguna. Ang camp site ay nasa paanan mismo ng bundok Makiling.

Ang aming pagdating ay tila nakabulahaw sa mga nilalang doon. Ang paligid ay puno ng mga bata. Maiingay, walang pakundangan sa mga tanim sa lugar at higit sa lahat, nagkalat bigla ang mga basura. Unang gabi pa lang ay nabalot na ng kababalaghan ang camp site. Kuwento ng mga saksi, mayroong itim na aninong nakatayo sa tabi ng puno. May mga hugis tao ring nakaputing damit na naglilibot kung saan walang liwanag.

Noong una ay ayaw kong maniwala. Subalit noong ikalawang gabi at naisipan naming kumain sa dilim, nangyari ang hindi inaasahan.

"Tol kain tayo," bati ng aming ka-grupo sa lalaking papalapit. Natatandaan ko lang na puti ang suot nitong damit ngunit dahil nasa malayo at madilim, hindi namin aninag ang kanyang mukha.

Tahimik itong lumakad papunta sa amin, pero sa isang iglap, naglaho itong parang bula.

Speechless ang lahat ng nakakita.

Hindi doon nagtapos ang kababalaghan. Huling gabi ng camping. Naiwan ang mga boys dahil kulang ang bus na nagsundo sa amin. Kinailangan kong bumaba para tumawag at ipasabi na ako ay gagabihin. Hindi ako naghanap ng kasama. Malakas rin naman ang loob ko kaya ayus lang.

Ngunit nang paakyat na ako sa campsite, sa isang maliit na puno malapit sa pool ay naroon ang sinasabi nilang anino. Hugis tao ito pero mas maitim pa sa kanyang paligid. Wala itong mukha o anumang damit. Sadyang nakatayo lang ito sa tabi at tila pinagmamasdan ang aking pagdaan.

Kalmado akong naglalakad habang nakatingin sa nilalang. Kasabay ko paakyat ang ka-eskwela na tumawag rin sa kanyang magulang. Ilang metro man ang layo niya sa akin, pero dahil nandoon lang siya sa harapan, hindi ako kinilabutan kahit ilang dipa lang ang layo ko sa lamanlupa.

Hindi ko na ikinuwento ang karanasan ko pagbalik sa campsite. Ilang oras rin at dumating na ang bus na magsusundo sa amin. Hindi na naulit ang mga camping sa labas ng campus pero simula noon ay hindi na muling nagbalik ang pagiging walang-muwang sa akin.



I've seen dogs barking ferociously at a concrete wall as if someone was standing there. I've been in rooms smelling like a pre-war musk perfume or a candle was suddenly put out. I've seen, for a split second an entity wearing a katsa cloth standing beside a colleague in her cubicle. The apparitions and hauntings were so regular, I don't know what's real from the imagined anymore.

Even the gym is said to be haunted. 

And who wouldn't forget my horror story at the Philippine General Hospital.  The dead were practically lining up at a children's clinic believing their illnesses may be cured like as if they were still alive.

In the long run, you will get used to it.  You will appreciate that there are things in this world that are beyond explanation. I just hope the next time my third eye opens, I wouldn't see a bloodied, mutilated and decomposing restless spirit standing in front of me.




28 comments:

alexmayo2007 said...

totoo b ang third eye? or is it just a state of mind between sleeping and waking up baga? i did experienced once yon feeling ko i am gising pero i can not move and i want to shout then suddenly bigla n lang ako naka move...sabi ng tita ko they heard me shouting during my sleep daw?? how come they heard me shouting during my sleep where in fact i want to shout?

casado said...

di ako duwag, pero pasalamat ako wala akong third eye third eye na ganyan! ahahaha :P

bien said...

buti na lang wala akong ganyang talent, matakutin pa naman ako.

Alter said...

Ngayon ko lang nabasa yung sa PGH, shet, kinilabutan ako sa ginamit mong visionary.

Mr. Pre.Tender said...

at least wala akong talent na ganyan. But I don't know if I'm fortunate or not na meron akong mga friends na bukas ang mga third eye.

Ms. Chuniverse said...

you see dead people?

walking around like regular people?

And they don't know they're dead?

harujusko.

Cole, isdatchu?

iyo na...

iyo na ang third eye mo.

hindi ko kaya yan.

Désolé Boy said...

nakakakita din ako pero di kagaya mo at nung iba na clear image talaga yung nakikita.
.
.
ang nakikita ko lang shadows. minsan parang gawa siya sa ulap pero korteng tao talaga at kumikilos.
.
.
maybe because i'm refusing the talent ever since. hindi naman ako natatakot sa kanila. nagugulat lang ako.
.
.
anyhoo, sayang naman at katatakutan ang naganap sa camping at hindi seksi time..hehe

Mugen said...

AlexMayo:

Nangyayari rin sa akin yan. Madalas, kapag pagod ako o kaya mahina ang state of mind mo.

Yung horror story sa PGH ganyan ang nangyari. Nakatulog ako sa clinic ng auntie ko dahil sa puyat. Mag-isa lang ako noon. Tapos parang nakamulat yung mata ko at nakikitang nagli-line up yung mga ghost papasok dun sa inner clinic.

Last time it happened, sa office naman ako nakatulog tapos mag-isa ulit ako. Yung office namin eh saksakan rin ng dami ng mumu. Hindi ako makagalaw saka magising pero alam ko na hindi lang ako nag-iisa sa kuwarto.

Mugen said...

DBoy:

Kapag nakakakita ako ng mumu, lagi kong sinasabi na "namalikmata lang ako." Hindi ko rin sure kung figment lang siya ng imagination ko eh. Minsan naman sobrang vivid ng images, ang hirap i-deny na imagination lang yun.

Its enough for me to know na totoong may ghosts.

Miss. Chu:

Yes, I can see dead people, but not like Cole's dead people. Kumbaga, pag nakakita ako sa isang lugar, sinasabi ko na "confeeeermeed" na haunted yung lugar na yun. Lolz.

dario the jagged little egg said...

Wow! Sis' Alam ko rin yang multo sa office. Now I know that u have the gift. : )

Mugen said...

Mr.PreTender

Masarap magkaroon ng kaibigan na bukas talaga ang third eye. May tropa ako sa PEx na talagang nakakakita siya ng mga mumu.

Alter:

Hindi ka pa blogger non nung sinulat ko siya. Actually mas may horror story pa ako diyan, 5 years ago sa luma kong blog entry.

Mugen said...

Daniel:

Sis, yung isa nakakasalubong ko sa labas ng reception area. Hehehe! Sabi nila ang dami daw dun sa office namin nina Mami.

Orally:

Nako, wala kang time tumili o kaya naman ay tumakbo. Masyado kang confused kasi hindi mo alam kung may nakita ka nga o hindi.

Soltero:

Sigurado ko naman papa sol eh hindi ka titili kapag nakakita ka ng multo.

Bloiggster said...

ive always wanted to open my third eye nang bonggang bongga. it is semi open now coz i can feel and sometimes see them.

at dahil nga sa nakakakita ako ng dead people or whatever elementals, medyo nawawala na din ang aking pagiging duwag.

Gerardo said...

I am really wondering what those entities are thinking..if I would have a chance to talk to them and know what they are thinking, ang saya ko siguro! Ano kaya tingin nila sa atin? Parang tayo d b..may opinion tau sa existence nila. Isa sa dream ko ang malaman ang origin nila at psychology of different entities..astig yun!

... said...

scary bradshaw! Buti na lang wala akong mga ganyang powers.

thor said...

Madami akong kilalang bukas ang third eye. Pero napa-isip ako sa tanong ng isang new age medidator. Di naman ako gaano bilib sa kanya noong ma-interview ko sya ilang taon na, pero hanggang ngayon naalala ko pa rin ang binanggit nya.

Kung dilat na daw ang third eye or nagbubukas pa lamang, bakit daw puro mga multo at lamang lupa ang palaging pinagtutuunan? Bakit daw di gamitin ang mga mata para sikaping makita ang mga mas mataas na uri ng nilikha, mga anghel halimbawa, na mga banal.

May dahilan ang lahat ng bagay.

Marhk said...

di ako palakitain ng ghost pero I believe sa mga stories about ghost at sa taong may third eye.....

Mugen said...

Marhk:

Pero sa totoo lang, laging benta ang ghost story. Aminin man natin ito o hindi. Lol.

Thor:

Nako pare, meron akong kaklase sa masters dati, nag-aaral siya tungkol sa mga angels. She even saw hers. I don't know if there is a relationship between ESP and angels, pero like what you are suggesting, seeing them is possible.

There is also another way to make contact.

Mel Beckham:

Parang interesting yata na magkaroon ka ng third eye. Ano kaya ang mga lamanlupang makikita mo sa bukid?

Mugen said...

Gerardo:

Try joining the theosophy society. Maari nilang masagot ang tanong mo pre.

Bloiggster:

Kuwento naman diyan ng mga karanasan mo PGR.

Bloiggster said...

magpopost sana ako ng entry for halloween. naka-save pa sya sa blackberry ko pero tinamad akong ituloy kaya di ko na sinend. pero eto na lang, nakakita na ako ng white lady sa kwarto ko,nakaramdam ng bonggang bonggang multo sa dating pinagtatrabahuhan ko nung first day ko pa lang tapos naconfirm ko sa mga tao sa building, nagpakita ang bata na bantay namin sa house namin sa pinas, nakakakita ako ng mga mata na sumisilip sa kwarto ko sa pinas pag natutulog ako, at dito sa indonesia, nagpunta kami sa isang old building na abandoned na at nakakita ako ng isang kelot na nagwelcome sa amin sa entrance na di man lang nakita ng mga kasama ko. marami pang iba saka na pag nagkita tayo pag uwi ko. :)

... said...

naku baby wag na lang. The bukid were I live now was once a part of a road papuntang sementeryo that was supposedly a few meters away from the property. In the early 70's, the cemetery was relocated due to it's location na malapit lang sa residential area. Unfortunately, not all nakalibing was exhumed and transfered. God knows baka may prusisyon pa akong makikita pag nagkataong may third eye ako. Hahaha

Mugen said...

Mel Beckham:

Sweetpea! Nako magandang kuwento yan! Yung magigising ka isang madaling araw tapos may makikita kang prusisyon sa tapat ng bukid niyo. Tapos yung mga nagmamartsa ay naka-terno at barong tagalog. Yung iba naman may baston at naka-camiso de chino.

Habang pinagmamasdan mo sila, mapapansin mo na wala sila sa kalsada. Yun pala, mga nakalutang lahat nung nagmamartsa. Yiiii!

Bloiggster:

Huy bakit wala akong karanasang ganyan? Lol.

red the mod said...

Through the years I have learned to ignore, or rather downplay, the presence of my third eye. People are usually apprehensive/ defensive/ intolerable whenever the fact of having that capacity is mentioned. I try as much as possible to be respectful to those who find it uncomfortable. But when my company is open to hearing about my stories, I am more than willing to share the ones I remember fondly. Even the first few ones from my childhood.

By the way, I was under the impression that clairvoyance meant the ability of receiving or gaining information physically inaccessible. This is usually what is referred to as remote sensing or even divination (seeing the future).

In fact, most of the time that I encounter the elementals and earth-bound is when I don't look for them. They find me. Which actually makes sense, its always their choice if they want to be perceived or not.

DonCholo said...

wrong move na binasa ko to, matutulog na ko e haha! baka mapanaginipan ko pa..

Nimmy said...

FAINT!!!!!!!

Von_Draye said...

meron sa gym!!?!?!?

Lone wolf Milch said...

pwede naman ipasara ang 3rd eye eh if you want.

good thing wala ako niyan

Anonymous said...

don't ever wish you have this so called "gift", its not for me, I'm still not used to seeing headless full of blood ghost then suddenly open his eyes the moment you tried to stare. hay naku! istorbo sila para sa akin, hirap matulog kung may katabi kang naaagnas na mumu, or may magsasabon sayo habang naliligo ( hirap ding magjakol habang pinanonood ka ng mumu) pero wala ka naman kasama sa banyo. ayayay!!