Dear Pilyo,
Dahil alam ko rin naman na abala ka sa iyong language studies, nawa'y makatulong sana ang entry na ito para sa enrichment ng iyong vaclabulary.
"... but once in a while i get caught
unaware by the thought
that you cared once and
then memories resurface once again ..."
- forever and a day
pag nakarami ka na ng beerangga at sesenglot-senglot ka na at naka-shombay kayo sa isang parking lot sa baguio at OA na utong mo sa pagka-baktong at yung bibig mo e umuusok kahit wichelles ka namang nagsusubarachi at si sunshine cruz e nagbabanta nang sumilip any monument, kahit aneklavu pa i-isplukatsina nung ka-chikka mong boylet e super deadma ka na.
kasi bet mo nang umeklipany-mae. tapos yung naririnig mo na lang e puro ka-eklatan.
take it away, ida. TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!!!
college. kunu-kunuhang shala na hotel na wa namang heater yung shower. 3 days-2 nyts na field trip. ambaduy nung field trip. kahit baguio pa itu.
sabi ni dennis sakin, "ang ganda ng mga stars, no? eklat - eklat - eklat ... special tong gabi na to ... eklat - eklat - eklat ... parang pakiramdam ko lahat masasabi ko sayo ... eklat - eklat - eklat ... i dunno why im telling you all these ... eklat - eklat - eklat ... i like you ... (walang eklat tong part na itech) ... you know what, i like you ... eklat - eklat - eklat ... potah, anlamig. diyan ka lang, naiihi ako ..."
tapos chinikka pa niya kay atashi yung buong medical history nung pamilya niya. pati yung jinsan niyang jortista tsaka basketball player e paki ko naman, davah?? pati yung dis-abantejes ng pagkakaroon ng matangos na ilong (gaya nung tumatama yung ilong pag umiinom sa baso), pangto-two time ng dati niyang gufra-mae, pati yung pagiging alcoholic ng pamilya niya na may i wonder ng O si atashi kung bakit niya ko pinapahirapan ng ganitembang.
at sa isang biglaang moment of saylenz e hinalikan niya yung lola mo. liptolelang galore. lipchukan to da max. siyempre polite-politan si atashi kaya naki-kiss na rin akiz ahihihihi at dahil may gulat factor ang kissing scene, may ka-join itung pangingilo ng iping nagkatamaan. ARAY!
aksyon spiks louder than words, mga bektas. sa aksyon na to, nabingi talaga ko. nag-disappearing act yung mga ka-eklatan, en por da pers taym in history e na-heardsung ko siya at yung gusto niyang sabihin.
AT PARANG UMINIT BIGLA SA BAGUIO, SAN KA PA???? (sabay kindat ang bakla hehehe)
pero may dramang pasabik yung lola mo. sabi ko, wag ngayon. wag dito. igalang mo pagka-babae ko. kasi na-sight ni atashi yung plashlight ni edGARDo angara. e bukas na yung polo ko at nashonggal ko na belt niya. lecheng mga sekyu to, may pagpapatrol pang nalalaman.
"akyat na tayo ..." sabi ni dennis. feeling ko na-offend siya na akechi yung unang lumayo sa eksenang lovapalooza.
"eh gusto kita ..." sabi ko. bumabawi si bakla.
"i know ..." sagot ni dennis. confident itech! nagfi-feeling na ampotah!!!
"anong you know?"
"hindi ko na nga namalayang wala na pala akong belt eh."
hehehehe skill yan. may lahing ninja yata tong badidang na to. wag ka mag-alala, papa-seminar ako.
tapos itinulog na lang namin yon. kinutuban akeiwang may second serving ng ka-eklatan eh. kamustahin naman natin ang puson, godivah?
nung sumunod na gabi, patulog na lahat. tumambay ako sa parking. sa mismong sulok kung san kami nag-lapchukan ni dennis. loner-loneran kunwari. hoping and wishing ang bakla na havs ng repeat performanz.
"may problema ka, bakla?" phone in question ni donita, ang bessie kong babaeng nyoklita, na kala mo siningaw ng lupa at may i apir itu bigla.
"umakyat ka na ..." sabi ko. "past your bed time na."
"as if naman tatangkad pa ko." kasi pinaglihi sa hobbit si donita. di ko lang ka-sure kung mabuhok rin yung paa niya. pero may duda ako hahahaha ..
"umakyat ka na sabi e!"
"uy! may poot ang delivery," side comment ni donita. "may booking ka, no?"
"wala," sagot ko.
"umamin ka, bakla. kilala kita. hindi ka bababa ng baguio nang wala kang ginagawa."
kureksyon, donita. nagawa. past tenz itu
"kala mo naman sakin, pokpok ..." depensa ni atashi.
"hindi. tamang makati lang ... mag caladryl ka nga." at nagsimula siyang magtuturo ng kung sinu-sino, "siguro yun yung booking mo ... ANG KATI MO TALAGA!!!"
"AY! sumpa ka, impakta!"
tama namang dumaan non sina dennis pati yung tropa niyang adik sa ragnarok na kung bet mong jumoin sa clan-clanan nila e kelangan may dsl ka sa balur mez, nagra-ragna ka tsaka kelangang pagtuunan ng karampatang pag galang ang lahat ng klase ng beerlalei at alkohol sa 7-11.
literal na dinaanan lang akiz non ni dennis. wa pabati. wa chikka factor. wa haller at kung anufaflu. wa man lang kiss, kahit hindi french. kahit yung flying lang.
bitter-bitteran ang bakla na bumuntot sa hobbit pabalik sa hotel. asa ka pa. wala ka nang kiss chenes-chenes.
tapos tumunog yung nyelpons ni atashi. si dennis. nagpadala ng smiley hehehehe (punyeta, ba't kinikilig pa rin ako???? ambabaw ampotah!!!)
sa 9 months na tinagal namin, maraming moments na sumagi sa isip ni atashing kumalas na. parang naging habit ko na nga siya non. wit ko lang ka-sure kung talagang hurt-hurtan akechi o betsung ko lang mag power trip at mag feeling na pipigilan niya ko. aminin, bin der bin dat babaeng bundat ka na sa mga eksenang ganito.
pero say nga ni dennis nung unang attempt kong makipag-break, "nobody said this was easy." awwwww ... LECHE! planado na sana yung kilig episode ni atashi kaya lang na-discovery channel ng lola mo na pinirata sa songhits yung linya. KABOG!
pero simula nung moment na yon, tuwing sinusumpong ako ng mannerism kong makipag-quits na lang at break na, bumabalik ako dun sa umpisa. kung saan lahat nagsimula. hindi ako literal na umaakyat sa bagyo. kumbaga sa negosyete tsaka sineskwela, magbalik aral tayo ...
sa ka-eklatan. sa smiley. sa kauna-unahang lovapalooza. at sa malamig at mahamog na parking lot sa baguio.
kasi, at eto tandaan mo tuwing nalulubak yung relasyon mo, "nobody said this was easy ..."
pero yung sagot ko don, "no one ever said it would be this hard ... oh take me back to the start ..."
kamusta naman, davah? sa na-unsiyameng relasyon namin ni dennis, na mala-cheapipay na hayskul musical ang drama, gamit na gamit yung songhits talaga. san ka pa!?!
26 comments:
pumapalo ang post na 'to! palong palo! hahaha. kakalibang basahin kuya. :D
hehehe... another side of u papa j. aliw sha and just like nimmy. true sa pagka achieve na achieve ang entry.
pak kung pak! hehehe... MORE!!!
bwahahhaha ano to? ahahhaa...
wag mo ng dagdagan sila Nims, Carrie, Misschuni, BM, Mandaya, Honda, Felipe, Mel at paminsan Iurico ahahaha...ang dami na nila Papa Joms!
pero nakaka aliw!
ching!
napa thinkerbels akey sayo papa joms. afraidy aguilar ang byuti kez baka mahawa sa kabekihan ng post na itechi agbayani ang atashi. wit muna akey dikit nang dikit like a lizard of oz sayo. fast learner pa man din si atashi.
kiburlah sa mga tataas ang left kilay.
Nyahaha bakit lahat na Lang kayo nag out na? Tag Bakla ba ngayon lol kulit mo idol! Lol
JR greatkid_08
pohta! nosebleed ako dito ah!
@anonymous: tru. kaya sabi nga ng idol naming si shawi... "sakay na!"
CHAROT!
hindi ko maintindihan ang ibang words. bwahahaha.
sorry naman mga bakla, wag nyo akong ikahiya. LOL
galing galing bossing :P
Jepoy:
Hindi ako ang nagsulat niyan! Yung blog lang ni Wanda Ilusyonada ang naging little pink book ko para maging literate pagdating sa gayspeak! LOL
Bloiggster:
Ipokrito amp! Ikaw kaya ang expert sa amin!
Greatkid:
Tagbakla naman palagi dito sa bahaging ito ng blogspace ah! What's new? Lol.
JC:
Hindi kita kilala! Wag kang tatabi sakin next time! Wahahahaha! Pa-kiss nga diyan pare, kahit naglaladlad ka na!
Mwah!
Soltero:
Kevs ko sa kanila. In furnex iba ang dialect key noh. Bet ko magparlorista effect. Kaso di ko knowsline jaano jila magspluk. Wahaha!
HondaBoi:
Huwag kang umasa, hindi ganyan ka fluent ang swardspeak ko. Mauunahan pa ako ni Pilyo in a few years! Si JC nga mas magaling sa akin eh
Nimmy:
Tumbling ever ka naman! Hahahaha.
hay kailangan talagang basahin ng 10 beses kalokah sis!!
mwahahaha! kahit marai ay di ko naintindihan (must be more genration than sub-cultural gap).
natawa ako ng sobra sa 'mannerism kong makipag-quits'. siguro dahil naka-relate ako. hahahaha.
so si wanda ba ito o ikaw?
Kiel:
Kay Wanda yan. Ako ay isang (closettang) disipulo lang. LOL.
Markh:
Isa ka pa, basahin mo ang buong blog para ikaw ay maliwanagan.
this so funny. vaclavolareh talaga. hihihi. kiburlah ang drama ng lola moh.
btw you know d masterpiece guy. asan na ang hombre? nawaley sa sa sighting kitch.
tumenchuwah.
@Soltero, excuse me, hindi ako ganyan magsalita 'no.
Kalurkey kah!
Pitikin ko itlog mo eh.
Soltero:
Honga naman, hindi naman masyado gay lingo si Miss Chu ah!
Miss Chu:
Nako huwag mong pitikin, baka magkalat ang tamod. Wahahaha!
Anon:
Mah! Nandyan lang si Cio. Nawalan lang ng ibloblog kaya naghibernate pansamantala. :)
di ko alam kung matatawa ko ng bongga eh.
.
.
kxe naman. di ba si Papa Joms ito? si Idol? si crushie? tapos ngayon echoserang baklang frog na xa?
.
.
CHING! charito solis lang yun kuya! hehe. love this post. at love pa din kita.
.
.
P.S. Mahirap lang xa basahin ng konti. onting-onti lang nmn =)
Papa Joms, Sobrang lalim ng mga words di ko maintindihan ang story.
Kelangan ko ng subtitle hehehe.
Papa JC, hataw ka na rin ha? at sino naman ang tinutukoy mong ATASHI ha? pag nag YM tayo, usap tayo ng ganyan.. tutor mo ko hehehe. Mabababaw lang kasi ang alam ko.
papa p, magaling lang ako pumick-up at nagbasa ng wanda ilusyonada blog! wahahahaha! ching!
Papa JC, hmmm... mabasa nga yang blog ni Wanda Ilusyunada at para pag nagtagayan tayo eh mag splok-splok na ako ng wardspeak (tama ba? heheh)
Kibur kung buhusan ako ng red horse ni papa tagay sa pag-aakalang sinasapian ako ng masamang espiritu hahahaha.
hhahaha kakatawag basahin to. i just can't imagine you gayspeak lol
wahhhhh papa joms..
please spare me,. kakalabas ko lang ng ospital pero di ko tinaapos ang entry mo...
DI ko kaya.. 1st paragraph pede pa pero nung mga sumunod.. dinudugo na ako.. hahaha
Papa Dingding:
Nako dapat basahin mo itong entry na ito. Nung naging flawless ang swardspeak comprehension ko, sobrang nahipo ako sa mensahe ng entry!
Pagaling ka! Wag ka muna magtambay tambay sa Morayta!
Lee:
Believe me I could, well, if I trust you well enough. When my superior officer gets stressed, I speak to her in swardspeak. Lol
Papa Pilyo:
Mababaw pa yan. Intayin mong makarinig ng parlorista-bekimon dialect at duduguin talaga ang ilong mo!
Si Lukayo kaya naging expert eh dahil rin sa blog na yan. Nyahahaha!
DBoy:
Don't worry, hindi ako ang nagsulat niyan! Nyahahaha! Hindi ko pa kaya.
kalokah. ngayon ko lang nabasa. naglasing lasingan na naman kasi kagabi.
mga 80% lang naintindihan ko choz
Post a Comment