Maraming nakikita habang naglalakad sa kahabaan ng Shaw Boulevard:
Mga kaduda-dudang nilalang na nakatambay sa tabi ng ATM Machine | Mga madidilim na mansyon na taimtim na nagmamatyag sa tabi ng nangungulilang daan | Mga binatang may ka-text at tila may katagpo sa labas ng 7-Eleven | Mga kainan ng goto, tapsilog at sisig na bukas magdamag | Mga GRO na naghahangad kumita, nag-iintay ng parokyano sa labas ng beerhouse | Mga paslit na naglalakad sa tabi ng tulay pasado hatinggabi | Mga bantay ng pasiyente na nagyoyosi sa labas ng ospital, nagmumuni kung kailan mailalabas ang minamahal | Mga kuliglig na humuhuni sa tabi ng isang condominium na kilala sa taglay nitong Lumivent aesthetics.
Pero higit sa lahat, nakita ko ang aking sarili kasama ang isang matagal na kaibigan, pinagmamasdan ang mundong madalas ay pinapasintabi namin na lang.
4 comments:
minsan napapaisip ako kung ano kaya ang pakiramdam na makausap siya? yung kayong dalawa lang, hindi katulad nung una kaming nagkit.?
kaway kaway sa kanya! :)
Hang cute! Super pang superfriends and post mong ito sis' Love it : )
I'm doing good sis' Thanx and
Godbless always : )
from the title and geek's comment, si red ba ito (pasantabi - di ko po gustong maging chismoso)? kung siya nga, wow, i bet the conversation between two great writers would have been mind-blowing. i'm sure the things you guys see around you appear so different from how others perceive them to be.
gusto ko rin makakita ng isang matagal ng kaibigan sa Shaw Blvd. :)
Post a Comment