Makulit, madaldal at madalas ay nasa lansangan. Ilan lamang ito sa mga paglalarawan sa akin noong ako ay bata pa lang. Lumaki ako na kasama ang mga kasambahay at dahil sa medyo pasaway, a little creativity is required para ako ay madisiplina.
Hindi uso ang palo sa amin, (kasi naman, mga parents lang ang puwede gumawa noon) kaya naman kapag gabi na at nasa kalye pa rin, ang mga kasambahay na ang gumagawa ng paraan kung paano ako mapapa-uwi o kaya ay mapapatulog.
Using their time-honored tradition, (kung saan sa kanilang probinsya ay usong-uso gawing panakot ang mga walang malay na aswang, white lady pati na rin yung kapre sa puno ng balite.) lahat ng mga ginawang panindak sa mga yaya ng mga matatanda ay ipinasa rin nila sa mga bata.
There is of course, the urban twist.
Hindi ko alam kung pareho tayo ng kinagisnan. Basta ang alam ko, ilan lamang ang mga panakot na ito na talagang sineryoso ko nung kabataan.
1. "Huhulihin ka ng bumbay at ilalagay sa sako"
Likas sa Pinoy ang maging racist. Likas rin sa atin ang mahilig mangutang. At dahil ang mga bumbay lang ang nagpapautang ng walang collateral, sila ang madalas tinatakbuhan kapag nagigipit sa pera.
Yun nga lang, mataas ang tubo sa payb-six.
Para man lang makabawi sa patayang pagbabayad, ginagawang panakot sa mga bata ang bumbay. Sino ba naman kasi ang lalapit kay manong na naka-turban, makapal ang puting balbas at bigote, at madalas kakaiba ang amoy. I'm not a racist but I don't come close to people strange to me.
Hindi man kami umuutang sa bumbay noon pero kumakaripas ako ng takbo papasok sa bahay kapag dumadaan na ang bumbay para maningil ng utang sa mga kapitbahay.
2. "Hahabulin ka ng lumilipad na kabaong"
Kung magkakasisihan sa kung sino ang unang nagpauso ng panakot na ito, una kong ituturo ang Shake, Rattle and Roll. Pangalawa ang Gabi ng Lagim sa radyo na talaga namang nagpapatakip ng tenga ko kapag nakikinig na sina ate.
Mga kupal sila.
Paboritong panakot ito kapag gabi na at ayaw ko pa matulog. Madalas ang banta sa akin, makikita ko daw sa bintana yung kabaong tapos biglang mawawala. The next thing I know ay nasa harap ko na ang kabaong na may kasamang nangangamoy at naaagnas na patay sa loob.
Grisly much?
Ilang gabi rin akong napatulog ng nakatalukbong kahit sobrang init habang iniisip na yung kabaong ay lumulutang lang sa ibabaw ng kama ko.
3. "Naglalaro na ang mga duwende sa likod bahay."
Minsan nang natawas ang kapatid ko. Ayon sa basa ni Tiya Sabel (ang resident albularyo sa lugar namin), napagkatuwaan daw si utol ng mga puting duwende na nakatira sa likod-bahay namin. Ilang beses na rin nagkuwento ang mga matatanda ng mga mapanindig-balahibong "encounters with the unknown" sa kusina. Katabi lang kasi nito ang lugar kung saan naroon ang mga lamang lupa.
Totoo man o hindi ay mabilis akong napaniwala sa kuwento. In fact, sa sobrang takot at respeto ko sa mga duwende, pati yung kabute na umusbong sa harap ng bahay namin ay inakala kong bahay nila. If I remember it correctly, nag-iwan pa yata ako ng alay sa mga kabuteng iyon.
Tuloy pa rin ang "encounters with the unknown" sa bahay kung saan ako lumaki, pero sa panahon ng Facebook at Camera Phone, tila hindi na masyadong benta ang mga duwendeng minsan ay binalak ko pang kaibiganin.
4. Aswang in the City
Sa panahong nagbi-binata na ang pamangkin ko, hindi ko alam kung bebenta pa rin ang ideyang ito: Imagine, matandang babae, mahaba, hindi nagsha-shampoo at nakalugay ang buhok, luwa at mapula ang mata, may malaking pakpak gaya ng sa paniki at nahahati ang katawan sa dalawa. If I know, Baby Lenin would ask, "Uncle bakit hindi nahuhulog yung organs niya?" Siyempre tameme na ako. Ang alam ko lang, para masunog ang aswang ay dapat binubudburan mo ng asin (or abo) yung lower part ng katawan niya.
May isang panahon rin na napabalitang may naligaw na aswang sa kamaynilaan. Sabi sa Taliba, namataan daw ito sa Letre, Malabon kung saan hinihinalang nakatira sa squatter's colony ang aswang. Siyempre, kahit sa Santa Mesa kami nakatira, wala kaming idea na napapagod rin sa paglipad ang aswang, at kung kakain man ito ng fetus na nasa tiyan, marami naman na malapit lang.
Pero hindi nagpaawat ang mga kasambahay. Sa tuwing pahirapan ako sa pagtulog, lagi nilang sasambitin, "Sige ka, makikita mo yung aswang na nanlilisik ang mata sa bintana."
5. "Hahabulin ka ng tsinelas"
Ako ay naniniwala na habang dumarami ang mga BPO at Call Centers sa bansa ay higit na nagiging "westernized" ang ating values. Sa halip na palo ang abot ng mga bata, grounded ito kapag gumawa ng kasalanan. At dahil busy rin ang mga magulang sa pagtratrabaho, madalas ay ang kasambahay naiiwan para magbantay ng mga anak.
Hindi ganito ang buhay noon. Kung makulit ay may palo sa puwet. Kung pasaway at nabagok ang ulo o natanggalan ng ngipin, sinturon ang katapat. Kapag nawala ng ilang oras at hindi mahanap, (kasi nangapitbahay na) sa sinturon rin ang uwi ng bata. Kapag mababa ang grades sa school kakalaro sa labas, ang sinturon rin ang magiging kalaro mo.
Tingin ko naman na hindi pa mawawala ang palo bilang paraang ng pagpaparusa, pero naman, kung Havaianas lang ang gagamitin, please, kamay na lang.
22 comments:
mmm. takot ako sa hanger at sa pagkukuskos ng banyo. nakakatuwa ding malaman na hindi lang pala ako ang napagdidiskitahan ng mga tawas ng mga albularyong laway at kandila't palangganang may tubig ang puhunan.
taym machine 'tong post mo. haha
grabe din ang takot ko dati sa mga aswang at bampira
nilalagay ko pa sa leeg ko yung unan na parang scarf kahit gaano kainit kasi dun nila ako kakagatin(duh)
... pero ngayun, sinu ang takot sa madilim? LOL
kawawa naman ung bumbay. tinakbuhan mo. hala kaaaaa. LOL
haha, natawa naman ako sa Havaianas. Ang nanay ko, nako, napakahilig mamalo ng Arnis. Haha. Natatawa na lang ako. Kasi nung medyo matanda na ako di na masakit yung pagpalo niya pero kunwari iiyak parin ako para tigilan na niya. hahaha.
Tapos natawa rin ako sa number 2, nakarelate ako! Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang non-living thing na nagmomobilize sa dilim! Grabe, akala ko totoo yan hanggang nung mag-grade6 ako. Oo na, ako na ang madaling maniwala. NKKLK!
Naisilid na ako sa sako,isinabit pa,saglit lang iyon wala pa yatang ten minutes inilabas din ako :) sutil na bata lang :)
Ang hinahampas na tsinelas noon rambo pa hehehe tapos yung isa na kulay puti ang tapakan tapos manipis lang di ko alam ang tawag :)
Tanda ko pa yung parusa sa kalaro ko na lalaki,pagtapos paluin pinalalabas ng bahay ng hubo't hubad umiiyak siya sa harap ng bahay nila. Five o six years old yata kami noon :)
Naalala ko rin ung pananakot na "huhulihin ka ng pulis."
pareho pala tayong lumaki sa yaya. sushal lang, ganyan.
choz. :)
yung number 1 is sooo true yan din ang panakot sa amin. pero your right its racial discrimination. baka isipin ng bata na masama ang mga taga india
My dad kasi bugbug talaga pag hindi ako umuwi ng bahay..
On number 5, why not Crocs, mas makapal mas masakit.. haha.
Btw, on your LDR status, I feel for you. I know you know that if it's a love worth fighting for and keeping, nothing can stand on its way. Not even distance.
Skype lang ang atake, keri na yan.. haha
@mugen: hahaha! ang kulit lang nito..
#5:
uhm, napalo na ako ng tsinelas, ruler, walis tingting, walis tambo, tabo, meter stick.. ganyan.. at pati belt din.. pero yung belt buckle.. spell L.A.T.A.Y :(
i remember this one time, grade one ako nun.. tapos bagong bakuna ako on my left arm for measles.. basta i did something wrong, so belt buckle ulit ang katapat ko.. eh umilag ako, and the buckle hit my bakuna.. imagine the latay plus the magang bakuna which i nursed for about two weeks.. i wore a jacket para matakpan.. i've a keloid that would, forever, serve as a reminder.. :(
#2:
yeah, blame shake rattle and roll for the floating kabaong.. and the undin.. seriously, super takot ako noon sa undin.. lagi akong nagpapasama sa CR.. tpos nakabantay lang sa labas ung ksma ko.. haha.. baka kasi hugutin ako ng undin mula sa toilet.. WAAAH! :P
Bestfriend! Just so you know, I am now browsing your blog. I may not be able to read everything as I dont have all the time in the world, but Ill find time to chek on once in a while. Anyway, it's different growing up in the province. Wala pa bumbay invasion that time. O flying havaianas & crocs. We have multo, dwende, kapre, tiyanak though. But my tatay's sinturon and my nanay's walis are enough to give me shiver.
nakakaaliw naman itong post na ito ... reminiscing nung kid pa ako he he ... ngayon sa mga pamangkin ko na ito ina-apply ha ha ... ganti ganti lang he he ...
Gabi ng Lagim. Revelation much?
Pero aminin natin, Shake Rattle and Roll 1 is the best. Hindi nga lang namin kasama sina Nanay at Tatay nung nanood kami.
Otherwise, pag nalaman nila, hindi si Irma Alegre ang lilipad patungo sa amin...
takot ako sa manananggal malamang dahil din sa shake rattle and roll na yan. pati sa white lady. hanggang ngayon.
Jon:
The reading made sense naman. Iba kasi kinikilos ng kapatid ko noon eh. Hehe.
Yup, time machine. Noon ko pa iniisip itong post na ito eh.
Seth:
Takot pa rin ako sa madilim, lalo na kung maraming puno at talagang maraming kuwento tungkol sa lugar na yun tungkol sa moomoo.
Pero kung ibang nilalang ang naglalabasan, well, parang exciting! Hahaha.
Nimmy:
Oo naman, matanda na ako nung natutuhan ang acceptance eh. Hehe.
Greenbreaker:
Laki ka pala sa palo. Haha. Daming latay nun ah!
Yesohue:
Parang kapareho tayo ng kapitbahay ah! May kalaro ako, pareho magkapatid, ganun din, ginapos sa labas ng bahay kasi madalas mag-away. Lol.
How barbaric the times were.
Leo:
Yung pulis na yan, hindi dumaraan sa eskinita namin kaya walang idea ang mga bata kung ano ang hitsura. Lol.
Tim:
San ka naman nagpunta noon?
Mr. Brightside:
Hehe, nakaskype na ako. Lolz.
Sean:
Ang mga white lady, hindi mawawala yan. Pero yung manananggal, disappearing na siya.
Kiks:
Hindi pa ako nag-aaral nung pinalabas yun ah! Lolz.
Edgar:
Pana-panahon lang yan. Iniisip ko rin, ano yung effective na panakot sa mga bata in the future.
"Hala ka, kakalaro mo ng computer, mapupunta ka sa loob ng computer." Lolz.
Nate:
Ansakit naman nung mga pinanghampas sayo. Hehehe. Na-retain pala sa iyo ang kuwento nung undin. Lol.
Rocco:
Uy, naligaw ka na sa blog! Hehehe. Honga, uso sa inyo eh yung mga aswang at kapre. Lol.
Nako, classic ang tingting. Kahit sino malalatay sa palo nun!
'Di po ako makarelate, mabait lang talaga ako siguro nung bata ako. haha
@kuya joms: truelili.. katakot ang undin.. :P pero, na-realize ko din, imposible tlga magkasya ang tao sa toilet seat.. ahahaha!
di ko lang alam kung inde lang ako kasing likot ng karamihan nung bata pa, pero somehow, even little kids know when to stop. kahit wala ang mga ganitong pananakot. and patches of these lessons turned to traits, we bring even until today. yong tipong tayo na mismo ang nalalagay ng sarili nating harang para magpigil.
i read this post that way. employing self-restraint, if not a showcase of innate hardheadedness. hehe
Post a Comment