Thursday, January 19, 2006

Service

Habang naglalakad sa Ayala kanina,
sumagi sa isip ko ang isang thread sa PEx
kung saan ang pinag-uusapan ng mga lalaki ay tungkol sa
mga massage parlor. Nakalahad dun sa thread na yun
ang mga address at feedback ng mga ilang massage parlor na
napuntahan na ng mga nagsipag-bahagi ng kanilang kuro-kuro
tungkol sa usapang iyon.

---

Ilang buwan na ang nakakaraan, tatlo sa mga
kakilala ko ang nagtungo sa mga ganitong lugar
upang magpamasahe.
Shempre, kasama na dun ang "extra" service na
ang ilan sa kanila ay ipinagmalaki pa sa akin.
Sabagay, nakakatempt... sariwa pa sa akin ang
kapapanood ko pa lang na pelikulang
masahista, nung isang taon.
Sa kwento nila, parang nakabuhay ito ng dugo
para bang sa aking isip, biglang sumagi duon
ang di nalalayong panahon ng aking paglalakbay
sa ganung lugar...

---

Pero, ano nga ba ang mapapala ko dun?
Hahayaan ko na naman bang ako ay magkasala
kapalit ang isang bagong karanasan? Makukuha
ko ba ang ninanais ko sa mga ganung lugar
Ito ba'y makakapag-paangat ng aking estado?
Ito ba'y panahon ng digmaan?
Sa pag-iisip, biglang sumagi sa isip kong
sakali mang umabot ako sa dulo ng pagkabagot
at hindi na napigil ng aking kunsensya ang
tawag ng aking laman,
Nang dahil sa isang
matinding kadahilanan ay
nakita ko ang aking sariling nag-sosolo sa ganung
mga lugar.

Tiyak, kasama dun ang extra service...
Pero sa pagsasamantala yun, hindi kaya
sadyang nakakadiri ang pumatol sa kapwa
na nanggaling at natikman na ng kung sino sino
Na ang nagpapaligaya sayo ay nagpaligay na sa iba
at sa ibang... ni sa iyong pantasya ay kahit kailan
hindi mo tatanggapin?

Parang pa ata kaya ng powers ko tumanggap ng ganun...
Kaya hayun, kung gaano siya kabilis sumagi
sa aking isip, ganun rin siya kadaling nawala.
Kung nung dati, tumatawa lang ako sa kolboy,
ngayon pa kayang na-domesticate na ako.

Tama na sigurong magkamali...
noong straight pa ako.

Na makalipas na ang limang taon,
dala dala pa rin ng kunsensya ko
ang mga ala-ala ng gabing yun.

No comments: