Thursday, April 6, 2006

At Dahil Ang Bangka Ay Sa Ating Dalawa

Habang tayo ay nasa gitna ng isang malawak na ilog
at nakaupo sa iisang bangka,
narealize kong hindi ito gagalaw sapagkat
hawak mo ang isang sagwan,
mag-isa man ako rito sa bangka, hindi ko rin
alam kung saan ang aking direksyon
dahil ikaw ang may hawak ng kalahati
ng mapa.

Sadya atang ang iisang bangka
ay para sa ating dalawa
sapagkat nang mawala ka,
nawalan ako ng bestfriend...
anlaki laki ng nawala sa akin.

Lubos kong ikinagagalak ang ating muling
pagkikita ng landas.

Na miss kita bud... sobra.

No comments: