Thursday, April 6, 2006

Eksenadora

Nitong Martes, nag-IM sa akin ang isa sa mga amiga ko sa opisina. Sabi niya, todo friendship daw sa kanya yung kasamahan naming gym-buff na noong nakaraang linggo lang eh ang pinopormahan ay yung isa pa naming amiga na dating mahilig bumooking sa mga construction site.
Sabi nitong amiga kong may experience sa construction boys na papangalanan na lang nating Jimbo, inaaya daw siya ng inuman ni lalaki. Siya lang itong umayaw dahil hindi raw niya ma-read ang signs na pinapahiwatig ni muscle boy.
Kaya nang magpasiya si Jimbo na i-dump si lalaki para bumalik sa pangangarir sa G4M, heto namang kaibigan naming si Dex ang siyang naging object of friendship nitong aking unang bida.
All the time, pinilit kong maging close kay lalaki para maamoy ko naman kung siya ba ay kapatid o sadyang friendly lang. Pero nang magsimulang maging textmate si Dex at ang gym-buff, biglang naging iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming tatlo. Di malayong maging apat kami kung mapapatunayan ng isa sa kanila na pumapatol tong ating bida sa kapwa niya.
Enjoy sana kung sa enjoy, yun nga lang, ang gym buff ay mukhang sa effem lang pumoporma.
---
Nitong linggo ring ito, may bagong pasok na cutie sa opisina. Boy next door type ang get-up niya, mestiso, lean, matangkad at may kotse. Absolutely, siya ang bagong pantasya naming tatlo. Putsa kahit ako nga eh, kung makatitig ako eh parang tutunawin ko siya.
Noong isang araw, nakasabay ko siyang mag-yosi sa rooftop ng aming building. Hayun, konting kwentuhan, usapan tungkol sa office ganun lang - matapos ang kwentuhan, saka ko napatunayang straight nga ang binata. Gaano man siya ka-gwaping para sa aming tatlo, hanggang doon na lang ang aming admiration.
Siya'y nakatadhanang magpaligaya ng gerla.
--
Kahapon may sinabihan akong PeXer ng goodlooking.
Totoo naman kasi eh. Nakita ko yung profile niya sa picturetrail. Siya yung tipo na astigin, moreno, mukhang nanapak at higit sa lahat Top na PLU. Sabi ko nga, yun ang tipong hindi ko aatrasan, sakali mang single ako at hook-ups ang major agenda ko. Ngunit hindi eh, kaya hayun, hanggang sa pagbibigay appreciation lang ang pwede ko gawin.
Wala pang tatlong oras matapos kong ideklara sa buong Pex na siya ay goodlooking, heto't nagtetext na sa akin ang kaibigan kong si Pipay. Curious daw siyang makita ang profile nitong PeXer na sinabihan ko ng gwaping. Ako naman, sinabi ko kung paano niya mahahanap ang link. Dumating ang gabi, magka-PM na pala ang dalawa.
Kinaumagahan, unang text sakin ni Pipay eh ang pagtatanong sa link para sa profile ni PeXer. Hindi daw niya makita kung saan hahanapin ang link sa Pex. Shempre bilang totoo at mapagbigay na kaibigan, sinend ko kaagad sa kanyang hinahanap - via SMS. Five minutes after, text back ang ating bida. Totoo nga, gwaping daw itong si PeXer.
Dumating ang tanghali at ang bungad na sakin ni Pipay ay usapang inuman. Nagkasundo na daw silang magkita para sa isang drinking session kung saan. Ako naman, todo ngisi lang habang binabasa ang SMS ni Pips. "If I know..." sabi ko sa aking sarili. "Sa ano rin naman mauuwi yan eh." Sabay tawa mag-isa.
Sa akin naman kasi, full support ako para sa aking kaibigan. Palibhasa'y isa siya sa mga bataan ko kaya naman masaya akong nagkakaroon ng diversion ang binata. "Tandaan, ang inuman ay nauuwi kung saan. Maghanda sa anumang maaring digmaan," text back ko sa kanya. Tawa naman ang isinukli sa akin ni Pipay.
Dumating ang gabi, mukhang hindi makapagpigil itong ating bida. Text niya sa akin, dapat daw magmemeet sila ni PeXer. Ang problema nga lang, night shift etong si Pipay. Masyadong gabi na para sa inuman kung itutuloy nila. Isa pa, may pasok kinaumagahan si PeXer. Kaya hayun, mukhang aabutin pa hanggang next week pa bago makapag-inuman ang dalawa.
---
Kwentong Pipay pa rin.
Kaninang hapon kinuwento ko sa kanya ang aking mga eksena sa BED noong nakaraang dalawang linggo.
Hindi makapaniwala ang loko.
Sabi ko sa kanya, yung megabet ko eh yung tipong mga lalaking magpapakumbinsi sa kanya magpabottom . Ayaw pa rin maniwala...
Nang dinescribe ko in detail ang hitsura ni megabet.
Three words lang ang reply ni Pipay sa SMS.
"Masarap siya pare."
Tuloy, naisip ko sana pala kinuha ko ang number ni megabet para naman kahit hindi na ako kumanta ng "Bakit Ngayon Ka Lang" ng Freestyle, at least maipasa ko man lang sa kanya ang biyaya. Who knows mag-click ang dalawa, edi happiness pa rin ako dahil makikita ko ang pagmumukha ni megabet everytime.
Naikwento ko rin sa kanya yung isang cutie na naging friend ko lately. Sabi ko sa kanya, wrong impression kami noong una sa kanya. Ngayong gabi, malaman laman ko lang, mukhang interesado na itong si Pipay makilala ang aking friend.
Buti na lang Pips, hindi ka nagbabasa ng aking blog. Sensha na't ikaw ang isa sa mga bida sa entry kong ito.
---
Lastly, nagtext sa akin ang isa ko pang kaibigan na tawagin na lang natin sa kanyang codename na Mutmut.
Medyo ilang linggo na ring kaming close ni Mutmut dahil nga kagagaling lang niya sa break-up at feel ko rin namang maging kanyang comforter friend.
Ilang linggo ring devastated itong si Mutmut matapos ang lahat nang nagyari. Kaya ako naman eh todo salo sa kanya everytime na maaalala niya si ex-fling.
Lumipas rin ang ilang araw at unti-unti napansin kong nakakapag-move on na si Mutmut. Kaya ako naman eh unti unti na ring dumidistansya kahit paano. Feeling ko ba eh para akong tugboat na unti unting lumalayo kapag nakakabwelo na mag-isa ang malaking barko.
Ang saya diba, mukhang ganun talaga ang role ng isang kaibigan.
Ngayong gabi nagkwento sa akin si Mutmut na sinama daw siya ng kanyang kaibigan para manood ng sine kasama ang kanilang "dates." Sinet-up, daw siya para sa isang double date Ako naman nakangiti lang habang binabasa ang kanyang text message. Sa loob loob ko, ramdam kong alignment na naman ang mga buhay buhay ng mga bading sa paligid ko.
Hirit pa sakin ni Mut na under repair daw ang kanyang puso. Sabi ko naman, ang pag-ibig ay dumarating sa oras na hindi natin inaasahan.
Inaantay ko pa kung ano ang magiging epilogue nitong huli nating bida. Sana naman, ang kanyang date ngayong gabi ay magsilbing sign na para sa kanyang eventual move on.
---
Kung titingnan, sa lalaki umikot ang eksena ng bawat isa.
Nandoong may nangangarir, kinakarir, nagbobooking... wala lang siguro eh binobooking. Pero same story - story ng bawat isa sa aming lahat. Sa hetero-sexual, pustahan ganito rin ang mga eksena. Nagkaiba lamang sa preference na pinipili ng bawat isa.
Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang mga eksenang nagaganap ay nagkaroon lamang ng sense mula ng ito ay pinag-dugtong dugtong ng isang taong nakasaksi sa lahat. Sa case ko, dahil kaibigan ko silang lahat, ang kwento ng isa ay naging related sa kwento naman ng isa.
Makulay nga ang buhay ng bading, kahit ito man ay malungkot madalas... It's a small world after all sabi nila. Pero kung titingnan mong mabuti, sa pinakamalalim na level - ang dugtong dugtong na eksena ng bawat isa ang siyang nagpapatunay kung gaano kaliit ang mundo ng PLU.
Ang isa, ay related sa isa, at ang related sa isa ay related kung kanino pa.
At syempre, ang eksenadora ang laging nasa gitna.

No comments: