Wednesday, April 19, 2006

Dalawang Buhos Ng Ulan

sulit na rin
na sa loob ng dalawang
buwang tagtuyot,
hindi ako gumamit
ng cloud seeding
matugunan lang
ang aking
krisis panglaman...

...siya rin pala
ang magbibigay
sa akin ng ulan
na pagkatagal-tagal
ng hinahanap
ng aking bitak bitak
na kapatagan...

No comments: