Tuesday, September 12, 2006

Chika Babes

Kanina habang pauwi galing school, tumambad sa akin ang mga nightclubs na naglipana sa Quezon Avenue. Naroon ang Classmate at Pegasus na minsan sa aking buhay ay napuntahan ko na - salamat sa impluwensya ng aking tatay. Doon sa Club Zeus sa Timog Avenue, naranasan ko pang malibre sa VIP Lounge ng isang dapat sana ay magiging partner namin sa negosyo. Kung hindi lang sana naging kuripot si ama, marahil ay nagkaroon kami ng sariling printing machine sa aming kumpanya.

Sa Classmate, tanda ko pa, doon nagcelebrate ng kanyang kaarawan si Dad. Sa isa sa mga VIP Rooms doon with matching Classmate GROs pa, na talaga namang paglalawayan ng sinumang lalaking makakakita sa kanila. Palibhasa ay makapangyarihan at maimpluwensiya sa "underworld" si ama kaya libre kami sa pag-gamit ng kwarto at iba pang mga serbisyo. Pusta ko, kahit may trenta mil ako ngayong gabing ito, hinding hindi ko na mararanasan ang makapasok sa ganung mga lugar. Bukod sa nagbago na ang preference ko, sasaniban muna ako ng espiritu ng kakuriputan bago ako makapaglabas ng credit card sa aking wallet para panggastos.

Sa pagdaan ng sinaksakyan kong FX kanina, muling sumagi sa aking isipan ang mga sexy na babae na nagmomodel sa harap ko, sa loob ng mga nightclubs na nabisita ko noon. Pumasok rin sa aking isipan ang mga babaeng pinanood ko nagledge-dancing sa Dreams at Sibil noong uso pa sila. Hindi pa ako nakuntento't inalala ko pa ang mga starlets na inisnab ko habang sila ay nagnu-nude photo shoot, noong minsang itinabi ako ni dad sa direktor ng show. Ang mga good times at night times nga naman, isang taon ko lang pinagsawaan pagkatapos non, iba na ang naging mundo ko.

Parang kailan lang ang lahat. Anu kaya't magpaka-hetero ulit ako? Kahit isang gabing trip lang?

No comments: