Wednesday, September 6, 2006

Musings While Browsing Wikimapia

Hanggang ngayon, naka-anglka pa rin
sa aking isipan ang puting
buhangin at asul na ulap
sa MTV ng Augustana.

Kelan nga ba ako nakaapak muli sa kalupaan ng
probinsya?
Ilang taon na nga ba nang huling akong nakasagap
ng hanging nayon?Ang tagal na. Hindi ko na matandaan.

Minsan nais kong mawala na lang basta
at maligaw sa isang lugar na wala sa aking mapa.
Kung saan ang salita ay hindi tugma sa
namumutawi sa aking bibig,
at kung saan walang nakakakilala sa akin
na sinuman.

Sa ilalim ng puting ulap at asul na kalangitan,
sa harap ng anino ng mga nagtatayugang bundok,
at sa tabi ng walang hanggang karagatan kung saan
papalubog ang araw sa kanluran...

gusto kong lumayo ng kamaynilaan

At hanapin ang aking sarili
sa mga lugar at bayan na hindi ko pa
nasisinagan.

Dala ang aking camera, maliit na bag
at ala-ala ng mga lakwatsa ng nakaraan.
Pangarap ko ang maglakbay

Balang araw.

No comments: