Sunday, February 6, 2011

Uncle Baabaa





Wait until Lenin gets his hands on these





Hindi  matatapos ang isang linggo na hindi ako nakakadalaw sa Toy Kingdom. At katulad  ng nakasulat sa huling entry, sinamahan nga ako ni Baabaa sa paghahanap ng laruan para sa aking pamangkin.  

Habang nakapila ako sa cashier ay biglang nawala ang binata.  Akala ko noong una ay lumabas ito para makapag-register at maka-avail ng free Wi-Fi sa loob ng mall. Naisip ko rin na  baka bumalik ito sa electronics section kung saan naka-display ang console na PS3 na kanyang napupusuan. 

Nagkamali ako ng akala.

Nang bumalik ang aking kabiyak ay may dala-dala itong laruan. Walang imik nitong binayaran ang kanyang hawak gamit ang credit card.

"Heto o, para kay baby Lenin." sabay abot ng plastic bag sa akin. "Tamang tama para may teether siya." 

Sa totoo ay hindi ko alam ang magiging reaction. Gusto kong kiligin pero hindi naman bagay sa akin.  Gusto ko siyang i dine-in sa restaurant pero hindi ko dala ang aking credit card. At gusto ko siyang yakapin pero sobrang PDA naman.  The simple thought meant a universe to me. Planado man o hindi, Baabaa hit a soft spot that will forever endear him to me.

Habang palabas ng Toy Kingdom isa lang ang naglalaro sa isip ko. I'd let everyone know where the other toy came from. 

In the future, Baby Lenin will call someone "Uncle Baabaa."




23 comments:

Anonymous said...

im happy for you, kuya.

sayang, hindi na matutuloy yung plano ko sana na double bonding.me with him together with you and your baabaa..

sana magtagal kayo kuya

orally said...

" Gusto kong kiligin pero hindi naman bagay sa akin" ... natawa naman ako dito

" Gusto ko siyang i-dine-in sa restaurant"... ito iba ang naisip ko bigla hahaha

*Lucky Lenin*

Ms. Chuniverse said...

Ang swerte ng baby lenin.

And iba rin ang nasa isip ko when you said gusto mo syang i-dine in. to think na hindi naman ako malisyosa. char!

iurico said...

Ayiiiiiiiiiiiiii. May isa na naman akong love team na susubaybayan...

blagadag said...

hmmmmm.

Nimmy said...

aaaaaaaaaaaaaaaaaang sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeet niiiiiiiiya! eeeeeeeeeeeeeee!

john stanley said...

oh my god! ganito din ba ako ka-keso? nagugulat ako sa mga sinusulat mo joms. lol.

my-so-called-Quest said...

ahiiiii! hehehe. sweet naman!
uncle joms and uncle baabaa. hehe
pakilala ko na rin kaya kay maja? hehe

wait till you can teach lenin some words. at pag sinabi nya name mo. nako. haha

claudiopoi said...

ang sweet naman! inggit ako. haha :D

Anonymous said...

Sweet!

Baby Lenin would surely be spoiled and would get lots of love from Uncle Joms and Uncle BaaBaa.

Maswerteng bata.

-runway_1533

Mac Callister said...

kinilig ako!!!

may bf ka na pala! and a nice guy too! sana magtagal kayo and magmahalan pa ng bongga!

Nishiboy said...

totoo talaga yung sinasabi nilang pag mahal ka ng isang tao, dapat mahal niya din ang mga mahal mo. or at least umeffort man lang.

at idagdag mo pa ako sa mga iba ang naisip dun sa ida-dine in mo siya.

Anonymous said...

Take a pic of Baby Lenin with his new toys..

mwah! love you!


-Baabaa

Louie said...

Yaaaaayyy! Ang sweet ni Baabaa! Ang swerte ni Baby Lenin. :)

wanderingcommuter said...

hindi pa siguro ako sanay... hahahaha!!!

pero i lavet!!!

hot_bicycle said...

hala, loveteam? hihihi

Von_Draye said...

:D
sweet.

Sean said...

ang sweeeeet!!! wag na kasing pigilan ang kilig. PDA na kung PDA haha!

nOx said...

ditto with ms chuni and nishi. haha

hangsweet!!! shet lang!!! :)

daniel said...

Sweeet! I'm happy for u sis'!

-mukhang hindi lang sayo magiging spoiled si baby lenin, magiging spoiled rin siya kay baabaa : )

ıǝɹɯɐı said...

haba ng hair! LOL

DonCholo said...

wow, ang swwweeeett :D

MkSurf8 said...

i'm so slooooow.kala ko kung sino si babaaaaaaa sa twitter mo.

happy for you brow-tha! nakikilig ako sa mga ganyan. haaayy.

all the best sa inyo 2. =)