Thursday, November 8, 2012

Kindred







Pahintulutan mo akong dumapo sa ating tagpuan;
doon sa iyong panaginip na lagi mong sambit
sa ating paghimbing.

Sapagkat ngayong gabi, habang ako ay pumapaibabaw
sa itim na mantel ng langit;
sa kabila ng nagyeyelong damdamin at mga
salitang dinadagang ibulong sa hangin,

Pinagmamasdan ko pa rin ang iyong liwanag na yumayapos sa lupa
at pikit-matang dumadalangin:

Na sana

Sa pagsikat ng araw at muling pagkagat ng dilim,
tanglaw mo pa rin ang patuloy na gagabay sa akin.



A satellite capture of Metro Manila and the surrounding provinces at night.