Sunday, November 25, 2012

Ninang




Masayang nagsasayaw si Bunso kasama si Shattershards malapit sa stage nang mapansin ko ang lalaki sa aming likuran. 

Maputi ang binata, nasa mid-twenties ang edad at ang mga mata nito'y nakatingin sa aking inaanak. Ramdam ko na siya ay naaakit. Hindi nga lang nito alam kung paano magpapakilala.

Nahuli ko ang binata na pilit inaabot ang balikat ni bunso. Magalaw ang kanyang pagsasayaw kaya't hindi nito napansin ang pagdampi ng kamay ng tigahanga. Umulit pa ang lalaki ng isang beses, ngunit ito ay muling nabigo. 

Sa pagkakataong iyon ay ako na ang kumuha sa kanyang kamay. Ipinatong ko ito sa balikat ng aking kasama sabay pihit ng buong katawan nito upang makaharap ang binata. 

"Go dance with him," utos ko na may pilyong ngiti sa mukha. Sunod-sunuran naman si Bunso na tila alam na walang patutunguhan ang kanyang pag-kontra. 

Nagsayaw ang dalawa at sa aking kinaroroonan ay mukhang bagay na bagay sila. Magkasingtangkad, guwapo, at parehong may ipagmamalaking katawan. Sa piring ng usok at laser lights ay naaninag kong magkadikit ang katawan ng mga binata. Bumulong ang lalaki sa kanyang kasayaw. Si Bunso naman ay sabay turo sa akin, na tila nagpapahiwatig na ako ang kanyang kausapin sa kanyang binabalak.

"Puwede ko ba siya i-kiss?" Paalam sa akin ng binata. Ako naman ay tumango sabay turo ng aking hintuturo sa aking pisngi.

"Sa lips..." Paglilinaw niya. Muli ko naman diniin ang daliri ko sa aking pisngi.

Walang nagawa ang binata kaya't patuloy na nagsayaw ang dalawa. Makailang ulit na hinalikan ng lalaki si Bunso sa pisngi, habang ako naman ay nagsawalang bahala. "Trip-trip lang," sa isip ko. Tutal, pati ang Ninang ay ipinaris rin naman sa inaanak ng iba. 

Ngunit sa tuwing ilalapat ng lalaki ang kanyang labi at makikita kong umiiwas si Bunso, naroon ang mumunting pag-aalala. Paano kung maka-iskor ang binata samantalang hindi naman ito ang ibig ng inaanak ko? Paano kung sa biglang paghawi ng mga tao ay dumaan ang prinsipe na aming hinahanap?

Hindi nagtagal at ako na rin ang umakbay kay Bunso, at sa muli ay pinihit ko ito paharap sa akin. Walang nagawa ang kasayaw kundi bumalik sa kanyang mga barkada. Bakas ang disappointment at pagkabitin sa kanyang mukha. Party Pooper man kung titingnan, pero sadyang may limit lang talaga ang flirting lalo pa't hindi naman gusto ng isa ang kanyang kapiling.






7 comments:

JohnM said...

At ikaw na ang fairy godmother. Amen. Ang swerte naman nila to have a ninang like you. LOL

RainDarwin said...

kaya kapag ikaw ang kasama ng partner ng isang encanto, kampanteng kampante.

Naalala ko noon kapag nagti-txt si dingding kung sino ang kasama ko. Pag sinabi kong ikaw, wala nang follow-up txt. Kuntento na.

ZaiZai said...

fairy god mother nga ang peg! sweet :)

Atty. Mico. said...

Mas na-shock ako na sumasayaw si Josh. :p Paki-kumusta nalang. :)

Anonymous said...

si Josh yata ang gusto eh.

Eternal Wanderer... said...

teka. napansin ko lang.

batet instead na protektahan mo ako, e binubugaw mo pa ako???

charot!

LJ said...

this made me smile :D mabuhay ang mga ninang! :D